Chapter 15.2

2.8K 52 1
                                    

IGINALA ni Rachel Leigh ang paningin sa kabuuan ng mansiyon ni Christopher sa Ayala. Dito na sila dumiretso pagkatapos ng kasal nila kanina.
Hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag ang ganda ng mansiyon na iyon. The whole house screamed opulence and glamour. Mayroong crystal dropped chandelier na nagpapaliwanag sa kabuuan ng living area, hindi niya na gustong malaman ang halaga niyon dahil baka mas mahal pa iyon sa apartment niya.
“Ito na rin ang magiging bahay mo simula ngayon,” narinig niyang wika ni Christopher.
Napalingon siya dito, hawak nito ang mga bagahe niyang in-empake pa niya kahapon. Hindi niya pa rin magawang paniwalaan na kasal na silang dalawa at dito na siya maninirahan sa isang bubong kasama nito.
Ngumiti ito. “Come, ipapakita ko sa’yo ang magiging kuwarto mo,” nagpatiuna na ito patungo sa hagdan.
Sumunod lang siya dito habang walang humpay pa rin ang paghanga sa kabuuan ng mansiyon na iyon. Napatigil sila sa paghakbang nang mapatapat sa isang pinto doon.
“Ito ang magiging kuwarto mo,” sabi ni Christopher. “Katabi lang nito ang sa akin.”
Tumango na lang siya at kinuha dito ang bagahe. “S-Salamat,” akmang bubuksan niya na ang pinto nang pigilan nito ang braso niya. Napaharap siya dito.
“Thank you very much, Rachel Leigh, for doing me this favor,” pagpapatuloy nito, sincerity was in his eyes. “Alam kong mahirap ito para sa’yo.”
“I-It’s okay, Christopher,” yumuko siya. “Tulad ng sabi mo, hanggang papel lang naman ito kaya walang magiging problema doon.”
Ilang sandali itong tahimik bago niya narinig ang pagtikhim nito. “Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka. Don’t hesitate to enter my room,” pagkasabi niyon ay tumalikod na ito para muling tumungo sa ibaba.
Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang pinto ng kuwarto nito. Don’t hesitate to enter my room, naalala niyang sabi nito. Ano kayang gagawin nito kapag nalaman nito ang tunay na dahilan niya sa lahat ng ito? Ayaw niya itong saktan at lokohin pero wala siyang magagawa.
Pagkapasok niya sa sariling kuwarto ay agad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ganda niyon. It was clean and simple. May isang napakagandang chandelier na nakasabit sa kisame katapat ng four-poster bed na naroroon. Mamahalin din ang mga fabrics na gamit sa kamang iyon. The wall covering was feminine but she didn’t mind. She liked it. Mukhang hindi naman ganoon kasamang iwanan ang apartment niya at manirahan sa lugar na ito kahit sandali lang.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon