Chapter 33.5

3.6K 60 2
                                    

TININGNAN lang ni Christopher ang ilan sa mga kabarkada at ka-breakers niyang nasa loob ng private bar ng Society Hotel habang masayang nagku-kuwentuhan ang mga ito ng tungkol sa mga pamilya ng mga ito. Naiinis siyang napabuntong-hininga at muling umabot ng isang lata ng beer na nasa mesang naroroon.
Napabaling siya kay Matthew nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.
“Ikaw, Christopher? Nakita ko ‘yong balita sa T.V. noong isang araw, magpapakasal ka na naman?” tanong nito.
Natahimik ang ilang breakers na naroroon at napatingin sa kanya. Tiningnan niya lang ng masama si Matthew ngunit hindi ito sinagot.
Napangiti na lang si Matthew at napailing. Pagkatapos ay muli na naman itong bumalik sa pakikipag-usap sa ibang naroroon.
Hindi niya na nagawang tagalan ang usapan ng mga ito kaya naiinis na siyang tumayo at lumakad palabas ng bar. Pero bago siya tuluyang makalabas ay muli siyang napatigil nang marinig ang pangalan ni Rachel Leigh na binanggit ni Matthew.
“Nakita mo si Rachel Leigh?” narinig niyang tanong ni Rafael kay Matthew. “Matagal na rin siyang gustong makita ng asawa ko. Kumusta na siya?”
“Apat na buwan na siguro nang ma-confine siya sa ospital ko,” tugon ni Matthew. “Pero maayos na naman siya. Huwag na nating pag-usapan iyon. Kumusta na nga pala si Ashlee?”
Hindi niya alam kung bakit nais niyang magpatuloy si Matthew sa ikinu-kuwento nito. Bakit na-confine sa ospital nito si Rachel Leigh? May nangyari ba dito? Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo doon bago siya tuluyang lumabas ng private bar. Gusto niyang tumungo sa sariling suite subalit hindi niya magawa. Hindi matahimik ang puso niya dahil sa nalaman.
Napag-desisyunan niyang lumabas na lang at tumungo sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan ni Matthew. Tumayo siya sa tabi niyon at matiyagang hinintay ang kaibigan. Hindi naman nagtagal ay nakita niya na si Matthew na naglalakad patungo sa sasakyan nito. Kumunot pa ang noo nito nang makita siya.
“Pare,” bati nito sa kanya. “Akala ko nakaalis ka na.”
Ilang saglit siyang nag-alangan pero kailangan niyang magtanong. “A-Ano ‘yong sinabi mo kanina… tungkol kay… kay Rachel Leigh?”
Napatingin ito sa kanya at napangiti. “May pakialam ka pa rin pala sa kanya, pare,” tudyo pa nito.
Tiningnan niya ito ng masama. “Gusto ko lang malaman,” marahas na sagot niya.
Nagkibit-balikat ito. “Paano ba ‘yan? Sinabi niya sa aking huwag sabihin sa’yo.”
Nagtaka siya sa sinabi nito. “Bakit?”
Seryoso na ang naging mukha ni Matthew. “Dahil ayaw niya na daw na mag-alala ka pa. Kahit muntik na siya mamatay, Christopher, ay ayaw niya pa ring ipaalam sa’yo dahil ayaw niyang pag-isipin ka pa.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya ito maintindihan. “A-Anong… anong pinagsasasabi mo?”
“She was nearly raped and killed, Christopher,” imporma nito na nakapagpagulat sa kanya. “Kagagawan iyon ng isa sa mga kasamahan ng Anthony na iyon. Pumunta siya doon dahil kung hindi ay ikaw daw ang pupuntiryahin nila. Mabuti na lang at agad nakarating ang mga awtoridad doon at nailigtas siya. She was stabbed on her left hand.”
Pakiramdam niya ay tumigil ang pag-inog ng mundo sa narinig niya. Napuno ng matinding takot at pag-aalala ang puso niya ng mga oras na iyon.
“Huwag ka ng mag-alala, pare. Maayos na siya,” dagdag pa ni Matthew. “It’s been four months, nangyari iyon noong mismong kaarawan mo.”
Gulat siyang napatingin dito. Noong kaarawan niya? May lumukob na matinding sakit sa buong pagkatao niya. Iyon ba ang dahilan kaya hindi siya nito sinipot?
“Hindi masamang tao si Rachel Leigh, Christopher,” pagpapatuloy ni Matthew. “Masyado lang siyang naging inosente at matatakutin sa mundong ito kaya nakapag-desisyon siya ng mali noon. Natakot siya na magsabi ng totoo dahil ayaw niyang maramdaman ang galit mo. Mahal na mahal ka niya. Open your eyes, Christopher. Huwag mo ng patuloy na saktan siya at ang sarili mo.”
Napahawak siya sa ulo at hindi na napigilan ang mapaluha sa harap ng kaibigan. Wala na siyang pakialam kung pagtawanan siya nito o ano. Sobrang sakit na ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. His heart was breaking and it was slowly killing him.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon