Epilogue

7.1K 150 35
                                    

2 YEARS LATER…
Humugot ng malalim na hininga si Rachel Leigh habang nakatanaw sa kalawakan nang tubuhang iyon sa loob ng Hacienda Fabella. Napakaganda niyon. Sumasabay sa ihip ng hangin ang nagtatayugang mga dahon niyon. Naroroon sila ngayon dahil kaarawan ng isa sa mga anak nina Jeremy at Keira. Imbitado doon ang lahat ng mga breakers at ang pamilya ng mga ito.
Napalingon siya sa likod nang marinig ang mga yabag papalapit. Napangiti siya nang makita doon ang kapatid na si Jeremy. Tumabi ito sa kanya at tumanaw rin sa tubuhang nasa harap.
“Hinahanap ka ng asawa mo sa loob,” wika nito.
Tumawa siya. “Palagi niya naman akong hinahanap,” napailing pa siya.
Sinabayan naman nito ang pagtawa niya. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito nagsalita. “Alam mo bang sa tubuhan na iyan nanggaling ang asawa kong si Keira noon?”
Sumulyap siya dito bago ibinalik ang tingin sa tubuhan. “Talaga? Bakit?”
“May humahabol kasi sa kanya noon,” tugon nito. “Dito mismo ko siya unang nakita. Dito nagsimula ang lahat, dito sumibol ang pagmamahal ko para sa kanya.”
Napangiti siya. Halatang-halata sa boses nito ang hindi maitatangging pagmamahal para sa asawa. Masayang-masaya siya para sa kapatid niya.
Ilang sandali lang ay napatingin sila sa likod nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Nalingunan niya ang asawang si Christopher.
Lumapit ito sa kanila at tinapik sa balikat si Jeremy bago tumingin sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap,” anito.
Ipinulupot niya ang mga kamay sa baywang nito. “Sinabi nga sa akin ni Jeremy,” tumingin siya sa kapatid na nangingiting nagpaalam na sa kanila. Babalik na daw ito sa mansiyon dahil siguradong kailangan na ni Keira ang tulong nito.
Ibinalik niya ang tingin kay Christopher na nakatitig lang sa kanya. Kinintalan niya ng halik ang mga labi nito bago pumihit paharap sa tubuhan, nakayakap lang ito sa kanya mula sa likod. Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito at ang marahang paghaplos ng isang kamay nito sa parteng tiyan niya.
“I wish this one’s a boy,” bulong nito sa tainga niya.
Malawak siyang napangiti sa sinabi nito. Dinadala niya na ngayon ang magiging pangalawang anak nila at hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nararamdaman niya dahil sa paglago ng sarili niyang pamilya. Muli siyang humarap dito at pinakatitigan ang guwapo nitong mukha. “I love you, Christopher,” buong pagmamahal na wika niya.
Mahal na mahal niya ito. Hindi man niya pinlanong mahalin ito noong una ay masaya siya dahil ganito ang kinabagsakan niya. Sigurado siyang plano ng Diyos ang lahat ng pangyayaring ito sa buhay niya, ang lahat ng sakit, paghihirap at ang daang tinatahak niya. Plano Nitong makatagpo niya si Christopher at mahalin ito ng higit pa sa buhay niya. At iyon nga ang patuloy niyang gagawin hanggang sa huling hininga niya.
Ikinulong ni Christopher ang mukha niya sa magkabilang palad nito at direktang tinitigan ang mga mata niya. There was nothing but pure love in her husband’s eyes. “I love you so much, Rachel Leigh. I promise to be with you and to love you until the very end of our lives. I love you. I love you,” then he leaned in and sealed his lips into hers.
Tears of joy streamed down on her face. She knew that she shouldn’t regret her decision of following Anthony’s orders that led to meeting Christopher and ended up loving him because that small decision had changed her life forever.

WAKAS

A/N: Maraming salamat sa pagbabasa kahit na unedited version ito. Available pa sa mga bookstores ang The Breakers Series. Edited na ang book. Sana ay masuportahan niyo rin ang aming published novels.

Paki-abangan na lang ang susunod na story na ipopost ko dito sa Wattpad. Follow me for more updates. You can also like my Facebook Page: Venice Jacobs’ Suite.

🎉 Tapos mo nang basahin ang [Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr. 🎉
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon