Chapter 12.5

2.9K 53 1
                                    

KAHIT na nagdesisyon si Anthony na hayaan na lang si Sandra ay hindi pa rin naman maging lubos na masaya ni Rachel Leigh. Siguro dahil hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang kalagayan ni Sandra ng mga panahon na iyon. Miss na miss niya na ito pero hindi niya naman alam kung saan ito matatagpuan.
Tinanggal niya ang suot na helmet nang maiparada niya ang motor sa parking area ng MicroGet. Nagpunta siya doon dahil nais niyang alamin kung nasa bansa nga ba si Christopher. Ilang linggo niya na rin itong hindi nakikita.
Pagkababa niya ng motor ay nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob ng kompanya nito. Pagkarating niya sa lobby ay awtomatikong napatigil ang mga paa niya sa paghakbang nang makita doon si Christopher kausap si Stacey.
Mabilis siyang naghanap ng lugar kung saan hindi siya ng mga ito makikita. Pinagmasdan niya lang ang mga ito na patuloy pa rin sa pag-uusap. Hindi niya alam na nakabalik na pala sa Pilipinas si Stacey. Base sa pag-uusap ng mga ito ay mukhang nagkaayos na ang mga ito.
Animo’y tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita ang paghakbang ni Stacey palapit kay Christopher at ginawaran ng halik ang mga labi ng lalaki. Mabilis siyang napatalikod at dali-daling naglakad palabas ng building na iyon.
Napakasikip pa rin ng dibdib niya hanggang sa makabalik siya sa kinapaparadahan ng motor.
Pinagalitan niya ang sarili sa nagiging reaksiyon niya sa nakita. Ano ba talagang problema niya? Bakit ba siya nasasaktan ng ganito?
Ikinuyom niya ang mga kamao at bumuntong-hininga. Pagkatapos ay sumakay na siya sa motor at mabilis na pinatakbo iyon. Ano bang pakialam niya kung magkabalikan ang mga ito? Hindi ba dapat maging masaya pa siya?
She cursed herself over and over again. Dapat niya na talagang patigilin ang pusong ito sa pagbibigay ng damdamin at atensiyon sa lalaking iyon!
Damn. Gusto niyang sumigaw at umiyak. Pagod na pagod na siya sa kaguluhang ito ng damdamin at isipan niya. Kung naririto lang sana si Sandra ngayon ay may masasabihan siya ng mga bagay na ito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon