Chapter 10.3

3.1K 65 1
                                    

NAKATITIG lamang si Rachel Leigh sa baso ng piña colada na nasa harap. Nakaupo siya sa isang bar stool sa loob ng Niel’s Bar ng gabing iyon. Katatapos lang ng performance nila at hindi niya pa naman gustong umuwi.
Hindi niya alam kung bakit nitong nakaraang mga araw na nagdaan ay palagi na lang siyang nauuwi sa pagkatulala. Gulong-gulo na kasi ang isipan niya. She didn’t know why Christopher kept on entering her mind no matter how hard she tried to shut that thought down.
Hinawakan niya ang baso ng piña colada. Ganito ang unang ipinainom nito sa kanya noong gabing una silang mag-usap sa bar na ito.
Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa inumin. Hindi kaya may inilagay na kung ano ang lalaking iyon sa inumin niya kaya siya nagkakaganito dito?
Naiinis siyang napabuntong-hininga at pinukpok ang sariling ulo. Ano bang pinag-iisip niya? Nababaliw na nga talaga siguro siya.
Napatingin siya sa katabing bar stool nang may maramdamang tumabi doon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang si Stacey iyon.
“Hi,” bati nito.
“Stacey, napabisita ka,” aniya. Naiilang na siyang pakiharapan ito ngayon. Alam niyang nakita nito ang lahat ng pangyayari sa pagitan nila ni Christopher noong gabi ng insidenteng iyon sa isang mall sa Makati.
“Gusto lang kitang kumustahin. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito.
Tumango siya. “Pasensiya ka na nga pala sa nangyari.”
“Ayos lang, hindi mo naman kasalanan na bigla na lang umulan,” tinitigan siya nito. “Gusto ko lang tanungin, may relasyon ba kayo ni Christopher?”
Gulat siyang napatingin dito at mabilis na napailing. “W-Wala,” nauutal na sagot niya. “Yong nangyari noong isang gabi, it’s just that, siya lang kasi ang unang nakaalam ng tungkol sa sakit ko. Pasensiya ka na.” Guilt was driving her heart at the moment. Totoo namang wala silang relasyon ni Christopher pero may mga bagay silang ginagawa na hindi katanggap-tanggap.
Tumango naman si Stacey. Ilang saglit siya nitong pinakatitigan. “Gusto mo ba siya?” sunod na tanong nito.
Napayuko siya. “No,” tugon niya. “I don’t,” muli siyang tumingin dito. “Wala kaming relasyong dalawa. Huwag kang mag-alala, hindi ko na naman balak makipagkita sa kanya.”
Ngumiti ito. “Pasensiya ka na kung napagdudahan kita, ha? Alam mo namang napaka-halaga sa akin ni Christopher.”
“Ayos lang ‘yon, Stacey,” pinilit niyang ngumiti bago tumayo. “May kailangan pa akong gawin. Mauna na ako,” pagkasabi noon ay kinuha niya na ang case ng gitara na nasa sahig at lumakad palabas ng bar.
Tama. Dapat lang na tumigil na siya sa paglapit sa lalaking iyon. Para kay Stacey at para na rin sa kanyang sarili.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon