Chapter 39.3

4K 51 3
                                        

IKINUYOM ni Anthony ang mga kamao nang makita ang paghahalikan nina Christopher at Rachel Leigh sa loob ng ospital na iyon. May kalayuan siya sa mga ito kaya hindi niya narinig ang dahilan ng kasiyahang nasa mukha ng mga ito. Totoo pala ang nabalitaan niyang nagkabalikan na nga ang mga ito.
Ipinikit niya ang mga mata at ilang ulit na bumuntong-hininga. Napakatagal na panahon siyang nagtago, nagplano para mapabagsak ang lalaking iyon pero nasira lang ang lahat ng iyon. Ang masakit pa ay nawala pa sa kanya ang nag-iisang babaeng pinahalagahan niya nitong nakaraang mga taon ng buhay niya. Gusto niyang sirain ang buhay ng mga ito, ang kasiyahan ng mga ito.
Bakit ganoon? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangang mapunta na lang kay Christopher ang lahat ng bagay na nais niya? Bakit kailangang ito pa ang minahal ni Rachel Leigh?
Iminulat niya ang mga mata at tumalikod na. Hindi. Hindi siya papayag na maging masaya lang ang mga ito habang siya ay nagdurusa. Hindi niya hahayaang mauwi sa wala ang lahat ng plano niya. Hindi maaari.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon