Chapter 25.2

2.9K 57 1
                                    

NAKATITIG lamang si Rachel Leigh sa labas ng bintana ng modern cottage na tinutuluyan nila sa Dolphin Bay Resort ng asawa niya sa Batanes at pinagmamasdan ang patak ng ulan sa labas. Madilim na rin ang buong paligid. Hindi niya maintindihan kung bakit nakatayo na lang siya dito ngayon at nagmamasid. Hindi ba dapat ay nagwawala na naman siya sa takot?
Napangiti siya. Isa lang ang ibig sabihin nito – na nawala na ang takot niya sa ulan at sa mga alaala ng nakaraan niya. Napawi na iyong lahat sa puso niya dahil kay Christopher.
Napabuntong-hininga siya nang maramdaman ang pagpulupot ng matitipunong mga bisig sa baywang niya at paglapat ng likod niya sa katawan ng asawa. “Happy birthday,” bulong ni Christopher sa kaliwang tainga niya.
Agad na dumaloy ang isang libong boltahe ng kuryente sa buong katawan niya. Pumihit siya paharap dito at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito.
Sumulyap ito sa damit na suot niya. “Why are you wearing clothes, baby? It’s annoying me,” sabi nito.
Pabiro niyang hinampas ang dibdib nito. Wala itong ibang suot kundi ang boxers nito.
Tinitigan siya nito. “Nagustuhan mo ba ang resort? Bagong tayo lang ito at gusto ko itong ibigay sa’yo,” anito. “Wala akong maisip na puwedeng i-regalo sa asawa ko.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi ko kailangan ang resort na ito,” sagot niya. Idinikit niya pang lalo ang katawan sa katawan nito. “You are enough,” dugtong niya. “I love you.”
Ngumiti ito. “I love you too,” sumulyap ito sa bintana sa labas. “May wish ka ba ngayong birthday mo?”
Tinitigan niya ito ng buong pagmamahal. “Wish?” isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. “Gusto kong ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan. Kahit na anong mangyari, gusto ko palagi kang nasa tabi ko,” hindi niya na napigilan ang pag-alpas ng mga luha sa mga mata niya.
Marahan nitong itinaas ang mukha niya. “Bakit ka umiiyak, Rachel Leigh?” nag-aalalang tanong nito. “At saka bakit kita iiwanan? Walang dahilan para mangyari iyon.”
Mas lalo siyang napahikbi sa sinabi nito pero hindi niya dapat isipin ang mga makakapagpasakit sa kanya ngayong gabi. Dapat maging masaya siya dahil kasama niya ito. Magsasalita pa sana ito pero siniil niya na ng halik ang mga labi nito.
Mahabang sandaling ang mga labi at mga puso lang nila ang nag-uusap. Nang maglayo sila ay pareho pa silang naghahabol ng hininga. “Sobrang saya ko ngayon, Christopher,” pag-amin niya dito. “Sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakasama ako sa kaarawan ko na nakakapagpasaya sa akin. Mahal na mahal kita, tandaan mo ‘yan.”
Tumaas ang isa nitong kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya. Pagkatapos ay walang sabi-sabing pinangko siya nito at dinala sa ibabaw ng kama. He made love to her slowly, tenderly – filling her with love and happiness that she would never forget.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon