ANG unang hinagilap ng mga mata ni Christopher nang magising siya nang umagang iyon ay ang asawa pero wala na ito sa tabi niya. Nag-iinat pa siyang bumangon at bumaba sa kama. Kumuha siya ng maisusuot na damit sa closet pagkatapos ay tumuloy na siya sa paglabas ng kuwarto.
Pumunta muna siya sa kuwarto ni Rachel Leigh para alamin kung naroroon ito pero walang tao doon. Dumiretso siya sa ibaba at agad na tinanong ang nakasalubong na katulong kung nasaan ang asawa niya. Sinabi naman nitong nasa kusina ito at naghahanda ng umagahan nila.
Napangiti siya at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang kusina. Gustong-gusto niya nang muling masilayan ang mukha ng asawa.
Napatigil siya sa paghakbang nang makita ito sa kitchen counter na abala sa kung anumang inihahanda nito para sa almusal. Sumandal siya sa dingding at ilang sandaling pinagmasdan ito. Nakasuot ito ng mga damit na pag-aari niya. Muli na namang nag-init ang buong pagkatao niya sa pagka-alala sa nangyari sa kanila nang nagdaang gabi. She was his now. Ang nag-iisang babae na naangkin niya sa buong buhay niya. Ang nag-iisang babaeng nakakapagpatibok ng ganito sa puso niya. Ang nag-iisang babaeng nais niyang magdala ng pangalan niya habang-buhay.
Last night was the best night of his life. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang manatili ito sa tabi niya. Ang mahalin siya nito ng totoo at buong-buo. Dahil ganoon din ang pagmamahal niya para dito. He loved her. He loved her so much. Hindi niya alam kung kailan niya pa ito sinimulang mahalin. Siguro noong una niya itong makita sa bar na tinutugtugan nito. Siguro noong una niya itong yakapin sa ulan. Hindi niya alam kung kailan, ang mahalaga ay naririto siya at minamahal ito. Gusto niyang ipaalam dito ang nilalaman ng kanyang puso, ang maiparamdam iyon sa kahit na anong paraan.
Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa lumakad ito patungo sa fridge at kumuha ng kung ano doon. Kumunot ang noo niya sa paika-ikang paraan ng paglakad nito. Napapikit siya at pinigilan ang inis para sa sarili. Sinasabi niya na nga ba at nasaktan niya ito kagabi.
“Christopher.”
Biglaan ang pagtalon ng puso niya nang marinig ang malambing na pagtawag nito sa pangalan niya. Iminulat niya ang mga mata at nasalubong ang mga mata nitong nakatingin din sa kanya. Her light brown eyes were mesmerizing, parang inuutusan siya ng mga mata nitong lumapit dito.
Ngumiti siya. “Anong niluluto mo?” tanong niya at humakbang palapit dito.
Nakita niya ang pagdaan ng pagkasabik sa mga mata nito bago ito tumalikod at muling hinarap ang ginagawa nito sa counter. “Nagluluto ako ng sinigang, s-sabi ni Mama Angelina na paborito mo daw ito,” sagot nito.
Tumango-tango siya at tumayo sa likod nito. Nararamdaman niya na ang init ng katawan nito at naaamoy na ang mabangong babaeng-babaeng amoy nito.
Itinaas niya ang isang kamay at nilaro ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok nito. Lumingon ito sa kanya at matamis na ngumiti. “I love you,” bulong nito.
His heart went tumbling in his chest. He wanted to curse that heart of his for reacting like this so easily pero hindi niya naman maitatangging gusto niya ang nararamdamang ito. “Say it again,” utos niya pa.
“I love you,” pagsunod nito.
Ipinikit niya ang mga mata at paulit-ulit na ninamnam ang mga salitang iyon sa isip at puso niya. Oh, hearing those words from her lips never failed to make him weak, to make him insane, and to make him satisfied.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)