NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pagpapatugtog ng gitara niya nang marinig ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kuwarto niya at agad na bumalot ang matinding takot sa puso niya. Ibinaba niya ang gitara sa sahig at nagsumiksik sa headboard ng kama. Kinuha niya ang unan at itinaklob iyon sa mukha.
Napaiyak na siya. “N-No…” garalgal na wika niya habang pinapakinggan ang buhos ng ulan sa labas. Nagmamadali siyang bumaba ng kama nang may maalala.
Si Christopher! Nasa kabilang kuwarto lang si Christopher! Kanina pa ito nakarating galing sa opisina nito pero hindi niya naman ito gaanong nakausap. Mabilis siyang lumabas ng sariling kuwarto, hawak niya pa rin ang unan.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin nito. Ito lang ang tanging makakapag-alis ng takot niya sa ganitong mga pagkakataon. Nang makatapat siya sa kuwarto nito ay itinaas niya ang isang kamay para kumatok. Nagulat pa siya nang magbukas bigla ang pinto at nasalubong niya si Christopher. Nakasuot na ito ng puting t-shirt at sleeping trousers, may pag-aalala rin sa mukha nito.
Sumilay ang pag-asa sa puso niya pagkakita sa mukha nito.
“Rachel Leigh,” banggit nito sa pangalan niya.
Pinunasan niya ang mga luhang nasa mukha. “Christopher,” impit na wika niya. Binitawan niya ang hawak na unan at niyakap ito ng mahigpit.
“Oh, baby, don’t cry,” bulong nito at ginantihan ang yakap niya. “I’m here.”
Napahikbi siya sa dibdib nito. Tumingala siya dito at tinitigan ito. “C-Can I sleep here?” lakas-loob na tanong niya.
Hindi niya magawang maintindihan ang nakikita niya sa mga mata nito. Ngumiti ito at walang sabi-sabing pinangko siya. Isinara nito ang pinto ng kuwarto nito at dinala siya sa kamang naroroon.
Nang mailapag siya nito sa kama ay agad itong sumunod at tumabi sa kanya. Sobrang bilis na ng tibok ng puso sa loob ng dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit wala siyang maramdaman pag-aalinlangan ng mga oras na iyon. Lumapit siya dito at isiniksik ang sarili sa mainit na katawan nito.
Yumuko ito para pakatitigan siya. Sinalubong niya lang ang titig nito. Mahabang sandali silang nanatiling walang imikan.
Bumuntong-hininga siya para pakawalan ang kabang nararamdaman. This man beside her was her husband. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa kaisipang iyon.
Bumahid ang pagtataka sa guwapong mukha ni Christopher. “Why are you smiling?” mahinang tanong nito.
Iniiwas niya ang tingin dito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Nilalanghap ang mabangong amoy nito. Siguradong katatapos lang nitong mag-shower dahil naaamoy niya pa ang sabon at after-shave na ginamit nito. “Because you’re so handsome,” sagot niya sa tanong nito. Hindi niya na nagawang pigilan ang sariling sabihin iyon.
Mahina itong tumawa at niyakap pa siya ng mahigpit. Isinubsob nito ang mukha sa buhok niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi naman siguro masama ang amoy niya, di ba? Ilang oras na simula nang mag-shower siya pagkatapos nilang mag-hapunan.
“Kumusta kayo ni Mama?” narinig niyang tanong nito. “Hindi ka naman ba niya kinukulit ng kung anu-ano?”
Muli niyang iniangat ang ulo at tumingin dito. “Hindi naman,” sagot niya. “Sobrang bait ng Mama mo.” Tinitigan niya ito. Gusto niyang itanong ang tungkol sa Papa nito pero nag-aalinlangan siya. Sinabi ng Mama nito na galit ito sa ama nito. Ayaw niyang sirain ang mood nito. Umisod pa siyang palapit dito para tanggapin ang lahat ng init na nagmumula dito.
Napaungol ito sa ginawa niya. “Damn,” he hissed.
Nakita niya ang kontrol na nasa mukha nito habang nakatitig sa kanya. Sumiklab ang nagbabagang apoy sa buong katawan niya nang mapansin ang pagbaba ng tingin nito sa mga labi niya. Her heart stopped when he moved his stare to her eyes. She saw passion in his dark brown eyes. Parang humihingi ng pahintulot ang mga matang iyon. Pahintulot na halikan siya.
Kahit na pilit umaayaw ang isipan niya ay iba naman ang idinidikta ng puso niya. Gusto rin niyang muling matikman ang mga labi nito. Ang huling halik na pinagsaluhan nila ay noong kasal nila at pakiramdam niya ay napakatagal na niyon.
Inilapit niya ang mukha dito, binibigyan ito ng pahintulot sa nais nitong gawin. She was lost, yes. Hindi na siya nag-iisip ng matino at wala na siyang pakialam doon. Lalo pa siyang nawala sa matinong pag-iisip nang maramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Napaungol siya at mabilis na tinugon ang halik nito.
He kissed her savagely, tuluyan ng kumawala ang lahat ng kontrol na nasa katawan nito. Tumaas ang isang kamay niya patungo sa buhok nito. She pulled his head closer to hers and savored the heat and wetness of his lips on hers. He gently nibbled her lower lip and then the tip of his tongue traced the outline of her mouth. Malakas siyang napaungol sa ginawa nito.
She unconsciously opened her mouth and let his tongue swirled inside to play with hers. The taste of him excited every nerve endings in her body. Bumaba ang kamay niya patungo sa dibdib nito. Marahan naman nitong hinuli ang kamay niyang iyon at pinagsiklop ang mga palad nila bago nito bahagyang inilayo ang mukha sa kanya.
Iminulat niya ang mga mata at nasalubong ang matiim na titig nito. Itinaas nito ang mga kamay nilang magkahawak at hinalikan ang likod ng palad niya. Bumukal ang hindi maipaliwanag na kasiyahan sa puso niya. Pagkatapos ay hinalikan naman nito ang noo niya. Binitawan nito ang kamay niya para haplusin ang pisngi niya.
Wala siyang masabi ng mga oras na iyon. The moment was so intimate, so romantic. Gusto niyang manatili sa ganitong oras habang-buhay. Binigyan nito ng mariin na halik ang mga labi niya bago siya niyakap ng mahigpit.
Napangiti siya at ibinalik ang pagkakasubsob ng mukha sa leeg nito. She could still hear the sound of raindrops outside. But to her horror, it didn’t scare her anymore. The sound was so beautiful, especially when it was accompanied by the fast beating of her heart.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)