NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paghakbang nang marinig ang nagtataasang boses mula sa loob ng library ng bahay ni Anthony. Naisipan niyang bumisita doon dahil may nais sana siyang itanong patungkol kay Christopher.
“Bakit hindi mo nagawa ang pinag-uutos ko, Sandra?! Talaga bang sinusubukan mo ako?!” sigaw ni Anthony.
Nagulat siya sa kaalamang si Sandra ang kausap nito. Nanatili siya sa lugar na iyon at pinakinggan ang usapan ng mga ito.
“Hindi ko na kaya, Anthony!” sigaw ni Sandra, nahihimigan niya ang paghihirap sa tono nito. “Hindi ko na kayang pumatay ng tao para sa’yo.”
Natutop niya ang bibig para pigilan ang pagsinghap.
“Bakit ka ba nagkakaganito, Anthony?” pagpapatuloy ni Sandra. “Dahil lang galit ka sa isang tao, ipapakitil mo na agad ang buhay niya?! Tama na!”
“Sandra!”
Kumunot ang noo niya nang marinig ang tinig ni Brian. Bakit naroroon din ito?
“Kinakalaban mo na ba ako, Sandra?” tanong ni Anthony, nasa tono ang pagtitimpi ng galit.
“Oo!” sagot ni Sandra. “Dahil ayoko na, Anthony. Ayoko ng maging tau-tauhan mo. Ayoko ng maging sunod-sunuran sa’yo dahil lamang may utang na loob ako. Umaayaw na ako sa grupong ito!”
Ilang sandali lang ay nakarinig na siya ng mga yabag at nakita ang pagbukas ng pinto. Hindi niya na nagawang makalayo.
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Sandra nang makita siya. Pero hindi na siya nito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Gusto niya itong habulin pero kasunod naman nitong lumabas si Brian na nagmamadaling humabol kay Sandra.
Naiwan siyang nakatulala doon. Anong nangyayari? Paano nagawang kalabanin ni Sandra si Anthony? Hindi ba nito alam kung anong maaaring mangyari dito sa ginawa nito?
Naputol ang pag-iisip niya nang makita ang paglabas ni Anthony sa library. Nagulat pa ito nang makita siya.
“Kanina ka pa dito?” tanong nito.
Marahan siyang tumango. “A-Anthony…”
“I can’t talk to you now, Rachel Leigh,” mariing putol nito sa kanya, nasa tinig ang galit. “Makikita ng Sandra na iyan kung sino ang kinakalaban niya,” pagkasabi noon ay iniwanan na rin siya nito.
Lumukob ang takot sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon. No! Hindi puwedeng mapahamak si Sandra.
Ikinuyom niya ang mga kamao. Pero ano bang magagawa niya? Hindi niya maaaring kalabanin si Anthony, lalo na at galit na galit ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)