MAG-A-ALAS-SIETE na ng gabi nang makalabas si Rachel Leigh sa Niel’s Bar. Kanina pa nag-text si Stacey ng meeting place nila at nagda-dalawang isip siya kung tutuloy pa ba siya doon. Paano kung wala na ito doon?
Bumuntong-hininga siya. Kailangan niya pa ring subukan. Lumakad siya patungo sa gilid ng daan para pumara ng taxi na masasakyan. Nawalan ng gasolina ang motor niya kaya iniwan niya na lang iyon sa bahay kanina.
Hindi naman nagtagal ay may tumigil ng taxi sa harapan niya. Sinabi niya sa driver na dalhin siya nito sa Luther Restaurant sa Ortigas kung saan naroroon si Stacey.
Laking pasasalamat niya dahil wala masyadong traffic at nakarating kaagad siya doon. Pagpasok niya sa loob ng mamahaling restaurant ay nagpalinga-linga siya para hanapin ang kaibigan.
“Rachel Leigh!” narinig niyang pagtawag sa pangalan niya.
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at nakita si Stacey sa isang table na naroroon. Ganoon pa rin talaga ito. Maganda pa rin katulad ng dati. Mas mukha itong modelo kaysa sa designer at minsan ay nahihiya siyang mapatabi dito.
Lumakad siya palapit dito.
“You’re stunning,” puri nito sa kanya.
Natigilan siya nang makita kung sino ang kasama nito sa table na iyon. It was Christopher! Nakatingin din ito sa kanya, there was amusement in his eyes. Mahigit isang linggo niya rin itong hindi nakita.
“Magkakilala kayo?” narinig niyang tanong ni Stacey.
“Hindi naman masyado,” sagot ni Christopher. “Nakita ko lang siya sa isang bar na tinutugtugan niya.”
Bahagya siyang nakaramdam ng kaunting kirot sa puso niya sa sinabing iyon ni Christopher pero hindi niya na iyon pinag-ukulan ng pansin.
Tumango naman si Stacey at niyaya na siyang maupo.
“Siya ‘yong sinasabi kong best friend ko,” wika ni Stacey kay Christopher. “Rachel, this is my boyfriend, Christopher.”
Bahagya siyang tumango kay Christopher bilang pagbati. Hindi niya sinasalubong ang tingin nito. Hindi rin niya ipinahalata ang pagkagulat sa kaalamang nobyo ni Stacey ang lalaking ito. Bakit sa dinami-rami ng babae ay ang kaibigan niya pa ang girlfriend ng Christopher na ito?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Storie d'amoreThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)