Chapter 3.1

3.2K 61 2
                                    

NAPAAYOS ng tayo si Rachel Leigh mula sa pagkakasandal sa motor niya nang makita ang pagparada ng itim na sasakyan sa parking area ng MicroGet. She knew that car – a Lamborghini Reventon. Napapansin niyang ginagamit lang iyon ni Christopher tuwing papasok ito sa opisina nito. Siyempre, sa mahal ba naman ng sasakyang iyon, hindi magandang pakalat-kalat lamang iyon sa kalye.
Hindi niya pa rin inaalis ang helmet na nasa ulo dahil ayaw niyang makita siya nito. Ilang araw na rin niya itong sinusundan at sinusubaybayan. Halos saulo niya na agad ang routine nito dahil bahay at opisina lang naman ito, idagdag pa ang pagtungo-tungo nito sa Society Hotel tuwing gabi. Wala naman siyang nakikitang babaeng kasama nito pero siguro sa loob ng hotel ay marami ng pagpipilian.
Humalukipkip siya at pinagmasdan ang paglabas nito ng sasakyan. He was wearing a black long-sleeve shirt and denims, may cap din na nasa ulo nito. May hawak pa itong itim na coat.
Kumunot ang noo niya sa ayos nitong iyon. Bakit pumapasok ito sa opisina nito ng ganoon ang suot? Saan kaya ito galing kanina?
Sa pagkakatanda niya ay tuwing umaga ay may jogging session ito sa isang park malapit sa bahay nito. He always wore a bonnet during that. Kapag naman pumupunta ito sa ibang lugar at nakikipagkita ng sa tingin niya ay mga kaibigan nito, palaging mamahaling button-up shirt at jeans ang suot nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit pati pananamit nito ay nasasaulo niya na rin. Wala na siguro talaga siyang magawa.
Nang makapasok ito sa loob ng building ng kumpanya nito ay sumakay na rin siya sa motor niya. Ayos na ang ilang minutong pagmamatyag dito. Hindi naman siya maaaring pumasok sa loob ng kumpanya nito dahil siguradong mahahalata na siya nito.
Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil hanggang doon lang ang kaya niyang gawin para masubaybayan ito. Bakit ba kasi siya natatakot lumapit dito?

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon