NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pag-aayos ng sarili nang marinig ang pagtunog ng cell phone na nasa bulsa ng suot na cargo pants. Plano niya sanang bisitahin si Sandra ng araw na iyon.
Kinuha niya ang cell phone at kumunot ang noo sa pagkakita sa isang unregistered number. Sino naman kaya ito?
Sinagot niya iyon. "Hello?"
"Rachel Leigh."
Biglaan ang paglukso ng puso niya nang mabosesan ang lalaking nasa kabilang linya. "C-Christopher?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nag-ha-hallucinate ba siya? Paano ito nakatawag sa kanya?
He chuckled. "I'm glad you recognized me."
Ilang ulit siyang bumuntong-hininga para kalmahin ang sarili. "P-P-Paano mo nakuha ang... ang number ko?"
"I got it from your phone, I'm sorry kung nakialam ako," sagot nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Pinakialaman nito ang phone niya? Nakita ba nito ang mga larawan nito dito? Nakaramdam siya ng kaba sa isiping iyon.
"Huwag kang mag-alala, wala naman akong ibang pinakialaman," sagot nito sa lihim na tanong niya.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon. "B-Bakit ka napatawag?"
"Nasa Society Hotel ako ngayon, narito rin ang mga damit mo na naiwan noong isang gabi. Baka gusto mong kunin."
Ilang saglit siyang natahimik. "P-Puwede bang... p-puwede bang ipadala mo na lang sa apartment ko?" Ayaw niya na talagang mapalapit dito. Nangako siya kay Stacey na hindi na siya makikipagkita dito.
Matagal itong hindi tumugon. "Gusto ko na ring makuha ang mga damit ko," sabi nito. "At saka wala akong mauutusang pumunta diyan ngayon."
Napabuntong-hininga siya. Ano bang puwede niyang idahilan dito? Wala siyang maisip. Hindi niya alam kung nag-iisip ba talaga siya.
Ipinikit niya ang mga mata at muling humugot ng malalim na hininga. "S-Sige," mahinang tugon niya. This will be the last time, sabi niya sa sarili.
"Okay, I'll see you here," iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
Iminulat niya ang mga mata. Kailangan niya lang kunin dito ang mga damit niya pagkatapos ay aalis na agad siya. Hindi na siya makikipag-usap dito o ano.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...