“ITO na ba ang daughter-in-law ko?” wika ng Mama Angelina ni Christopher pagkakita sa kanya. Mabilis itong lumapit kay Rachel Leigh at niyakap siya ng mahigpit. “Napakagandang bata,” puno ng pagkasabik na dugtong nito.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa living area. Naupo sila sa sofa na naroroon. Napasulyap siya kay Christopher na nakangiting nakasunod sa kanila.
Isang linggo na ang lumipas simula nang ikasal sila ni Christopher at ngayon nga ay kababalik lang ng ina nito galing sa Amerika. Maganda pa rin ang Mama Angelina ni Christopher sa kabila ng edad nitong fifty-five. Minsan nang nai-kuwento sa kanya ni Christopher ang ilang mga bagay patungkol dito.
“Rachel Leigh, tama ba?” tanong ni Mama Angelina.
Tumango siya. Medyo naiilang pa siyang pakitunguhan ito pero bahagyang nawala iyon nang tumabi sa kanya si Christopher. Feeling his warmth made her at ease.
Malawak na ngumiti si Mama Angelina. “Rachel Leigh Samaniego,” tumango-tango ito. “Napakagandang pangalan.”
Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha sa pagbanggit nito sa bago niyang pangalan. Hindi pa rin talaga siya sanay sa panibagong yugto ng buhay niyang ito.
Napatingin si Mama Angelina kay Christopher. “Hindi ka pa ba papasok sa opisina mo, anak?” tanong nito.
Bahagyang natigilan si Christopher. “Ayos lang ba kung iwan ko na kayong dalawa dito?” bumaling ito sa kanya.
Kahit gusto niyang sabihin na manatili ito sa tabi niya ay hindi niya na ginawa. Ayaw niyang abalahin ang trabaho nito at ayaw niya ring isipin ng mama nito na natatakot siyang maiwang kasama ito. Tumango na lang siya.
Ngumiti si Christopher. “Aalis na ako, magpahinga ka na rin muna, Mama,” anito. “Mamaya ka na makipag-kuwentuhan sa asawa ko, siguradong pagod ka sa biyahe.”
“Oo na, sige na at iwanan mo na kami nitong asawa mo,” pagtataboy ng ginang.
Napailing na lang si Christopher at muling tumingin sa kanya. “I’ll see you tonight,” pagkasabi noon ay ginawaran nito ng mabilis na halik ang mga labi niya bago tuluyang umalis.
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya biglaan ang paglukso ng puso niya. Nagbabaga pa rin ang pakiramdam niya hanggang sa muli niyang marinig ang pagsasalita ni Mama Angelina.
“Kuwentuhan mo na ako, hija,” anito, puno ng excitement ang tono. “Paano kayo nagkakilala ng anak ko?”
Humarap siya dito. “Nagkita po kami sa bar na pinagta-trabahuhan ko,” panimula niya. “Vocalist po ako ng isang banda.”
“Oh, that’s wonderful!” napa-palakpak ito.
Napangiti siya at nagpatuloy sa pagku-kuwento ng tungkol sa unang pagkikita nila ni Christopher. Hindi man niya magawang aminin pero masaya siya dahil napakabilis gumaan ng loob niya sa ginang na ito. Napakasarap nitong kausap, manang-mana si Christopher dito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomantizmThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)