Chapter 13.3

2.8K 50 1
                                    

NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paghakbang nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril sa isang parte ng isla na iyon sa Palawan kung saan naroroon sina Sandra. Bumalot ang matinding takot sa puso niya. Posible kayang tama si Anthony na natagpuan na nga ni Brian ang lugar na ito?
Mabilis niyang tinakbo ang buhanginan at sinundan ang sa pagkakatanda niyang pinanggalingan ng putok. Muli siyang napahinto nang matanaw si Brian sa isang parte ng islang iyon. May hawak itong baril.
Halos gumuho ang buong mundo niya nang mapadako ang tingin sa nasa harap nito. Naroroon si Matthew Azcarraga na nakaupo sa buhanginan kalong ang duguang katawan ni Sandra.
No! Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya nang mapansin na wala na itong buhay. Hindi puwede. Hindi puwede. Nananaginip lang siya. Hindi puwedeng mangyari ang mga ito.
Napatingin siya kay Brian nang itaas nitong muli ang hawak na baril at itinapat kay Matthew. Hindi na siya nagdalawang-isip at itinaas ang sariling baril at ipinutok iyon. Direktang tumama ang bala sa baril na hawak ni Brian, bumagsak iyon sa buhanginan. Isa pang putok ang pinakawalan niya – para naman sa binti nito.
He deserved more than that. She wanted to kill him pero nagtimpi siya. Ibinaba niya ang hawak na baril nang makita ang pagdating nina Elij kasama ang mga pulis. Tinawagan siya nito kanina na pupunta rin daw ang mga ito doon.
Tumalikod na siya at naglakad palayo. Hindi na siya makakapagtagal doon. Kahit gusto niyang lapitan si Sandra ay hindi niya magawa. Hindi siya maaaring makita ni Matthew.
Wala siyang lakas na nagpatuloy sa paglalakad. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit kailangang mawala ni Sandra? Bakit kailangang makita niya ito sa ganoong sitwasyon? Kung naging mas mabilis lang sana siya, nailigtas niya sana ito.
Bumagsak na siya sa buhanginan at tuluyang napahagulhol. “Ate Sandra…” bulong niya sa pangalan nito. “N-No…” Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman. Wala na siyang makakasama ngayon. Wala ng makakaintindi sa kanya. Wala na siyang mapaghihingahan ng mga sama ng loob at mapagkukuwentuhan ng mga bagay-bagay. Wala na. Kinuha na lahat sa kanya.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon