Chapter 26.4

3K 54 3
                                        

MALAWAK ang pagkakangiti ni Christopher nang makapasok siya sa loob ng bahay nila nang hapong makabalik siya galing sa trabaho. Kanina niya pa gustong umuwi pero dahil sa dami ng meetings ay wala naman siyang magawa. Tiningnan niya ang hawak na bouquet ng mga bulaklak na binili niya kanina para sa asawa.
Inamoy niya iyon at muli na namang napangiti. He missed his wife already. Bakit ba ganito na lang ang epekto sa kanya ng babaeng iyon? Dati-rati ay mas gusto niya pang manatili sa MicroGet para asikasuhin ang pagpapalago ng kompanya pero ngayon ay halos hilahin niya na ang sarili sa pagpasok tuwing umaga. At kapag nasa opisina ay laging nasa isipan niya ay kung anong oras ba siya makakauwi. He must be crazy, yes, but he liked it.
Napatingin siya sa katulong na si Manang Celia nang lumapit ito sa kanya, ito na ang pinaka-matagal nilang katulong dito sa bahay. “Christopher, hijo,” napangiti ito. “Ang aga mo ‘atang umuwi?”
Napakamot siya sa ulo. “Maaga pong natapos ang trabaho ko sa opisina,” sagot niya. “Nandito po ba sina Mama at Papa?”
“Wala, umalis sila para mamasyal daw,” napatawa pa ito.
Napailing na lang siya. Napapansin niyang parang napapadalas na ang paglabas-labas ng mga magulang niya ngayon. Well, mabuti na ang ganoon. “Si Rachel Leigh po?”
“Wala pa rin siya dito, kaninang tanghali pa siyang umalis. Mukhang nagmamadali pa nga at hindi na nagawang kumain.”
Kumunot ang noo niya. Wala dito si Rachel Leigh? Pero saan ito nagpunta? Ang alam niya ay wala itong performance ngayong araw. Napabuntong-hininga siya at nagpasalamat kay Manang Celia. Tumuloy na lang siya sa kuwarto nilang mag-asawa.
Ipinatong niya ang bouquet na hawak sa kama. Nasaan kaya ang asawa niya? Kinuha niya ang cell phone na nasa loob ng suit at aktong tatawagan ito nang biglang may dumating na tawag mula sa isa sa mga kaibigan niyang si Daniel Fabella.
Sinagot niya iyon at nagulat nang sabihin nitong nasa ospital ang isa pa niyang kaibigan at abogadong si Thaddeus. Tinanong niya kung anong nangyari at sinabi nitong nabaril daw ito. Isinugod na lang daw ito sa ospital pero hindi alam kung sino ang nagdala dito. Pagkatapos ng tawag ay mabilis siyang tumayo at lumabas. Sino kaya ang posibleng bumaril sa kaibigan niya? Malamang ay isa sa mga kalaban nito sa propesyon nito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon