Chapter 21.2

3.3K 52 1
                                    

CHRISTOPHER kicked back his entire wine in one gulp habang hindi inaalis ang tingin kay Rachel Leigh na kanina pang papalit-palit ng mga lalaking kasayaw. Nasa loob sila ng reception ng kasal nina Raffy Choi at ng asawa nitong si Arrhea sa loob ng hall ng de Angelo Hotel.
Napaismid siya. Hindi ba marunong tumanggi ang babaeng iyon?
Gusto niyang tadtarin ng pino ang mga lalaking iyon kahit pa ang ilan ay mga kaibigan niya. Pero masisisi ba niya ang mga ito kung magpakita ito ng interes sa asawa niya? Rachel Leigh was so captivating in that black night gown she was wearing. Maganda rin ang pagkaka-ayos ng buhok nitong hanggang leeg, lalong nakadagdag sa appeal nito ang pulang highlights na naroroon.
Damn, his wife was so beautiful and hot. Bumabakat sa suot nito ang magandang hubog ng katawan nitong malimit na nakatago sa mga ordinaryong damit na isinusuot nito araw-araw. Bakit niya ba pinasuot ito ng ganoon ngayong gabi?
“I must hand it to you that you are an excellent businessman, Mr. Samaniego,” putol ng negosyanteng kanina niya pang kausap sa daloy ng isipan niya. “Hindi ako makapaniwalang ilang taon lang ang nakalipas nang simulan mong palaguin ang MicroGet.”
Ngumiti siya. “Thank you,” muli siyang kumuha ng isang baso ng wine sa waiter na dumaan. Itinuon niya na lang ang lahat ng atensiyon sa kausap. Bakit ba siya parang bodyguard kung makasunod ng tingin sa babaeng iyon? Kung gusto nitong magpakasaya ay hahayaan niya.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon