Chapter 18.5

2.7K 46 1
                                    

MALUNGKOT na naupo si Rachel Leigh sa harap ng hapag-kainan ng umagang iyon, bumalot ang kalungkutan sa puso niya dahil hindi niya nakita doon si Christopher. Tanging ang Mama Angelina lang nito ang naroroon, agad itong ngumiti sa kanya. Paga pa rin ang mga mata nito dahil marahil sa kaiiyak ng buong magdamag pero pinipilit naman nitong maging masigla sa harap niya.
“Pumasok na po ba sa trabaho si Christopher?” tanong niya kay Mama Angelina.
Kumunot ang noo nito. “Hindi ba siya nagpaalam sa’yo?” nagtatakang tanong nito.
Umiling siya.
Malungkot na napabuntong-hininga ang ginang. “Nagpunta siya ng London, kanina pang madaling-araw.”
Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi nito. London? Bakit nagpunta ng London si Christopher?
“Sinabi niyang may kailangan daw siyang asikasuhin sa kompanya doon, pero sigurado akong magpapakalma din siya sa lugar na iyon,” dugtong pa nito. “Sobra-sobra rin siyang nasasaktan sa pagpapakita ni Boyet, tinatakluban niya lang ng galit ang sakit na iyon.”
Nakatitig lang siya sa pagkaing nasa harap, hindi niya napapansin na napapahigpit na pala ang pagkakakuyom ng mga kamay niya sa hawak na mga kubyertos. Umalis ito ng hindi nagpapaalam sa kanya? Napuno ng hindi maipaliwanag na inis ang puso niya.
“Babalik din siya kapag kumalma na siya,” pagpapatuloy ni Mama Angelina.
Hindi niya na magawang maintindihan ang sunod pang mga sinabi nito. Nawalan na rin siya ng ganang kumain kaya hindi niya iyon masyadong nagalaw.
Pagkatapos ng umagahan ay agad na siyang nagpaalam kay Mama Angelina at tumungo sa labas. Kahit mamayang hapon pa ang performance nila ay umalis na siya. Ayaw niyang manatili sa bahay ng lalaking iyon. Galit na galit siya dito!

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon