Chapter 6.1

2.9K 70 1
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Rachel Leigh ang mga mata. Napangiti pa siya sa gaang nararamdaman ng mga oras na iyon. Pero bigla rin siyang natigilan nang mapansing nasa loob siya ng isang sasakyan.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang maramdaman ang banayad na paghinga sa ilalim niya. Noon lang bumalik sa alaala niya ang lahat ng pangyayari nang nagdaang gabi.
Maingat siyang gumalaw pero hindi niya nagawa dahil sa mga bisig na nakayakap sa kanya. Bumuntong-hininga siya at marahang tumingala para tingnan ang natutulog na mukha ni Christopher. Napaka-guwapo pa rin nito kahit tulog.
Napasulyap siya sa labas. Tumila na ang ulan pero may kadiliman pa rin ang paligid.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Christopher. Nakatulog na ito ng tuluyan dito dahil sa kanya. Medyo tuyo na rin ang mga damit nila. Nag-aalala siya na maging dahilan pa ito ng pagkakasakit nito.
Subalit kahit ganoon ay nagpapasalamat siya na sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakasama siya sa ganitong oras. Oras kung saan nilalamon siya ng matinding takot dahil sa ulan at sa alaalang dulot niyon. Masaya siya, hindi niya nais itanggi sa sarili iyon.
Ibinalik niya ang mukha sa pagkakasubsob sa leeg nito. It felt so warm to be this close with him. It felt so right. Hindi niya alam kung bakit.
Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang muli na naman siyang gupuin ng antok.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon