Chapter 21.3

3.2K 57 1
                                    

PARANG pagod na pagod na napabuntong-hininga si Rachel Leigh habang nakikipag-sayaw kay Daniel Fabella sa loob ng reception ng kasal na dinaluhan nila ni Christopher. Kanina pa ganito lang ang ginagawa niya at napapagod na siya. Gusto niya nang umuwi. Sobrang sakit na rin ng mga paa niya sa heels na suot.
Muli siyang sumulyap ng palihim kay Christopher na nakatayo sa isang parte ng hall na iyon. Kanina pa itong may kausap na kung sinu-sino. He really looked so handsome in that black suit he was wearing, may hawak itong wine glass. Walang minuto na hindi niya ito sinusulyapan ng palihim. Hindi niya kasi gustong mawala ito sa paningin niya. Alam niyang maraming babae ang gustong-gustong lumapit dito.
“Mukhang kanina ka pang may pino-problema, ah?” pukaw sa kanya ni Daniel.
Napatingin siya dito at napabuntong-hininga. Daniel was also very handsome, lahat din ng magugustuhan ng mga babae ay naririto na. Pero bakit kay Christopher lang siya nakaramdam ng interes at pagmamahal? May mali ba sa kanya? Bakit dito lang niya nararanasan ang malakas na tibok ng puso niya tuwing hinahawakan, niyayakap at hinahalikan siya nito?
Napatitig siya kay Daniel. Ano kaya ang mangyayari kung halikan siya ng lalaking ito ngayon? Mararamdaman niya rin kaya ang mga nararamdaman niya kay Christopher?
“Daniel,” tawag niya dito. Susubukan niya lang.
Bumaling ito sa kanya. Kanina pa itong parang hindi rin mapakali. “Bakit?”
“C-Can you kiss me?” lakas-loob na tanong niya.
Nanlaki ang mga mata nito. “W-What? A-Anong pinagsasasabi mo, Rachel Leigh? Nakainom ka ba?” hindi makapaniwalang mga tanong nito.
Umiling siya. “Just once, may gusto lang akong alamin,” nagmamakaawa na siyang tumingin dito. She was desperate. “Please.”
Ilang ulit itong napabuntong-hininga bago sumulyap sa isang parte ng hall. Susundan niya sana ang tingin nito pero nagsalita na ito. “Are you sure of this?”
Tumango siya.
A moment later, his lips moved down to kiss her and she felt nothing. Simpleng paglalapat lang ng mga labi ang nararamdaman niya. Bakit ganoon? Bakit wala siyang nararamdaman? Bakit hindi bumibilis ang tibok ng puso niya?
Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang may naglayo sa kanila ni Daniel. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita si Christopher na inundayan na ng malakas na suntok si Daniel.
“Hayop ka! Asawa ko na ‘yan!” galit na galit na wika ni Christopher at muling sinugod si Daniel na bumagsak na sa sahig.
Mabilis na nagsilapitan ang ilan sa mga guests na naroroon at inawat si Christopher.
“Damn you! Damn you, Daniel! Bitawan niyo ako!” patuloy na pagsigaw at pagmumura ni Christopher. “Huwag na huwag kang magpapakita sa akin!”
Nang mabawi niya ang pagkagulat ay sinubukan niyang lumapit kay Christopher para awatin ito. Hindi niya alam na magkakagulo ng ganito dahil sa ginawa niya. “C-Christopher…” tinangka niyang hawakan ang braso nito.
Iwinaksi nito ang kamay niya. Tumingin ito sa kanya ng may galit at panunumbat sa mga mata.
Napayuko siya. Nabigla siya nang hawakan nito ang braso niya at hinila siya palabas ng lugar na iyon. Hanggang sa makababa sila at makarating sa kinapaparadahan ng sasakyan nito ay hindi siya nito binibitawan. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito kaya impit pa siyang napaiyak dahil sa nararamdamang sakit.
“Christopher…” mahinang hikbi niya.
Hindi ito nagsalita. Binitawan lang siya nito nang mabuksan nito ang passenger’s door ng sasakyan nito at sapilitan siyang pinapasok sa loob.
Nang sunod itong makapasok sa driver’s side ay pinaharurot na nito ang sasakyan. Sumulyap siya dito at nakita ang madilim na madilim nitong mukha. Sobrang higpit din ng pagkakakuyom ng mga kamao nito sa manibela. Alam niyang galit na galit ito. Pero hindi niya naman alam kung ano ang dapat gawin at kung paano magpapaliwanag.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon