NAPABUNTONG-HININGA si Rachel Leigh habang hawak ang folder na naglalaman ng patungkol sa mga breakers ng society na itinatag ni Christopher. Ito ang mga impormasyong ibinigay sa kanya ni Anthony noon.
Naisipan niyang pag-aralan muli ang mga iyon dahil hindi pa rin naman siya makatulog pero ang nangyayari ay nauubos ang oras niya katititig sa larawan ni Christopher doon. Naiinis niyang isinara ang folder at itinapon iyon sa sahig.
Tumingin siya sa kalendaryong nasa bedside table. More than three months. Mahigit tatlong buwan na siyang walang nagiging balita sa Christopher na iyon. Hindi niya ito nakikitang pumapasok sa MicroGet, hindi niya rin ito napapansing lumalabas sa bahay nito at sa Society Hotel.
Gusto niyang malaman kung nasaan ito. Umalis kaya ito ng bansa? Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon? Posibleng nakalimutan na siya nito.
Bumuntong-hininga siya at naghanap ng dahilan kung bakit patuloy niya iniisip at hinahanap ito. Dahil kailangan niya itong subaybayan, tama. Paano niya ito masusubaybayan kung wala naman ito dito?
Tumango-tango siya. Tama, iyon lang ang posibleng dahilan. Ipinikit niya ang mga mata. Dapat niya ng tigilan ang pag-iisip sa lalaking iyon. Makakadagdag lang iyon ng paghihirap sa puso at isipan niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Roman d'amourThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...