“MATAGAL ka na bang tumutugtog sa isang banda?” tanong ni Christopher habang nakaupo sila sa isang bench sa park na pinagdalhan nito sa kanya.
Tumango siya. “Iyon na ang pinagkakakitaan ko.”
“Ano bang tinapos mong kurso?”
“Hotel and Restaurant Management,” tugon niya. “Pero dalawang taon lang iyon. Hindi naman ako talaga nakapag-aral ng ayos pero alam kong hindi ko dapat ikahiya na dalawang taon lang ang natapos ko sa kolehiyo.”
Tumingin ito sa kanya.
Nagpatuloy siya. “Hindi naman ganoon kahalaga kung ano ang tinapos ng isang tao. Ang mahalaga ay ang diskarte sa buhay. Marami diyan ang tapos ng apat na taon, may mga degree at license pa pero hindi rin naman nila napapaunlad ang mga sarili nila. Kasi inuuna nila ang mga hindi importanteng bagay.”
Tumango-tango ito. “You’re right. Ano ba naman ang silbi ng dimploma? Pang-display lang naman talaga ‘yon,” tumawa pa ito.
Ngumiti siya. “Marami rin naman ang mga nakapagtapos at yumayaman pero hindi naman dahil sa mabuting paraan. Tulad na lang ng ibang tao sa gobyerno. Hindi naman nababago ng degrees or licenses ang pagkatao ng isang tao.”
“Yeah,” bumuntong-hininga ito. “Education is needed pero nasa pagsisikap ng isang tao masusukat ang tagumpay niya. Pagsisikap sa mabuting paraan.”
Tumingin siya dito. Nakatingala na ito sa kalangitan. Hindi niya magawang paniwalaan ang sandaling ito. Paanong napapadali na sa kanya ang pakikipag-usap sa taong ito? But it was nice talking to this man. He was so intelligent, so serious, so true.
Umayos ito ng upo at umisod palapit sa kanya. Bigla siyang naalarma sa pagkakalapit na iyon.
May itinuro ito sa isang parte ng park. “Look, lovebirds,” bulong nito. “Young lovebirds.”
Tiningnan niya ang itinuturo nito at nakita ang isang lalaki at isang babae na naghahalikan sa isang bench na malapit sa kanila. Halatang estudyante pa ang mga ito dahil naka-uniporme pa. High-school students siguro.
“Pabata ng pabata ang mga magkaka-relasyon ngayon,” bulong pa ni Christopher. “Innocence is slowly fading away.”
Marahan siyang napatango. Iyon nga ang napapansin niya pero hindi niya na iniintindi ang mga iyon noon.
“Alam mo ba na 50 percent ng mga tao ay nagkaroon na ng first kiss bago pa sila tumungtong ng fourteen?” tanong pa nito.
Napaisip siya. Hindi niya alam iyon. Sobrang bata pa ng fourteen para sa ganoong mga bagay. Pero ano bang magagawa niya? Ganoon na ang mundo ngayon.
Gusto niyang mapangiti nang maisip na napag-iiwanan na pala siya. Twenty-seven na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang first kiss. Muntik pa lang kanina.
Muli na namang nag-init ang pakiramdam niya nang maalala ang muntik na nitong paghalik sa kanya kanina. Mabuti na lang at natauhan siya.
“But I had my first kiss when I was seventeen,” sabi pa nito. “Hindi ko na nga lang matandaan kung kanino.”
Hindi niya ito sinagot. Paano ba nito matatandaan? Siguradong sunod-sunod na ang nakakahalikan nito pagkatapos noon. Kissing was not a big deal for him, she was sure of that. He was a player. A breaker.
Maya-maya ay nakarinig sila ng pagtunog ng cell phone. Bahagya itong umayos ng upo at kinuha ang cell phone na nasa bulsa nito. Sinagot nito iyon.
“Pare?” anito. “Ngayon?” sumulyap ito sa kanya. “Sige, magkita na lang tayo sa Society Hotel.”
Pagkatapos nito sa tawag ay tumingin ito sa kanya at ngumiti. “That was my friend, Rafael Choi. Gusto niya raw akong makausap tungkol sa resort na ipinapagawa ko sa Batanes.”
Tumango siya. “Sige na, puntahan mo na siya. Magko-commute na lang—”
“No,” putol nito sa kanya. “Ihahatid pa rin kita,” tumayo ito at niyaya na siya patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Storie d'amoreThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...