HINIGPITAN pang lalo ni Rachel Leigh ang pagkakayakap sa katawan ni Christopher habang nakahiga sila sa ibabaw ng kama ng apartment niya. His warm arms around her felt so good. Napangiti siya habang pinapakinggan ang pagtibok ng puso nito. Pinaglandas niya ang isang kamay sa matipunong katawan nito.
Napabuntong-hininga si Christopher. “Baby,” tawag nito sa kanya.
Kinintalan niya ng halik ang dibdib nito bago tumingala para tingnan ito. “Bakit?”
Tinitigan siya nito. “Nabanggit sa akin ni Ciarrah na nakita mo daw uli ang Mama mo,” anito na ikinagulat niya.
Nag-iwas siya ng tingin dito.
“Sinabi rin niyang ayaw mong makausap ang ina mo,” pagpapatuloy ni Christopher. “Bakit, Rachel Leigh?”
Nangilid ang mga luha niya subalit hindi pa rin niya magawang tumingin dito. “A-Ayoko nang alalahanin ang nakaraan, Chris,” napahikbi siya. “Nasasaktan ako.”
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Hindi mo ba siya mapapatawad?” marahang tanong nito.
Tumingala siya dito at nakita ang paglambot ng mga mata nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “H-Hindi ko alam,” napailing siya. “Galit na galit pa rin ako sa kanya.”
Hinaplos nito ang mukha niya. “Pero kailangan mo siyang bigyan ng isa pang pagkakataon, Rachel Leigh. Hindi ba ganoon din ang sinabi mo sa akin noon tungkol sa ama ko? Subukan mong kausapin siya, subukan mong patawarin siya. Para hindi ka na rin nasasaktan.”
Tinitigan niya ito. Magagawa niya ba iyon? Sa loob ng napakahabang panahon, magagawa niya ba muling buksan ang puso niya para sa ina at hayaan itong maging parte na muli ng buhay niya?
“Please, baby? For me?” dagdag pa ni Christopher.
Nanlabo ang mga mata niya dahil sa nagbabanta na namang mga luha. Minsan lang humiling ng ganito ang asawa niya at ipinangako niya sa sariling gagawin niya ang lahat ng gusto nito, ang lahat ng makakapagpasaya dito. Kahit mahirap ay tumango na rin siya. Siguro oras na nga talaga para harapin niya ang isa pang parte ng nakaraan niyang matagal niya nang iniiwasan. Oras na para ayusin ang relasyon niya sa kanyang ina.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)