Chapter XI: Battle Of Ice And Wind
---
NABALOT ng makapal na yelo ang buong arena, nagulat ang lahat dahil sa aksyon na iyun ni Grey. Dahil sa pag-yelo ng buong arena ang kaninang mga tipak ng mga nasirang bahagi ng arena ay tinabunan ng makapal na yelo na likha ni Grey.
Nawala naman ang ngisi sa mukha ni Akari dahil biglang pagbalot ng makapal na yelo sa arena. Ang kaniyang ini-ipon na bitak na bahagi ng arena ay nahinto dahil sa pag-balot ang makakapal na yelo.
Sa ngayon ay nabaliktad ang kanilang mga ekspresyon, dahil sa ngayon si Grey naman ang makikitaan ng ngiti sa kaniyang mukha. Nakaramdam ng inis si Akari dahil sa ngisi sa labi ni Grey.
Ang kaniyang enerhiya na na-ipon ay mas lalo pang tumindi, ang kaniyang mga nakulekta na tipak ng bato ay unti-unting dinudurog ng malakas na hangin na tumatangay rito. At lumipas ang ilang sigundo ay nadurog ito at naging buhangin.
Si Grey ay nakaramdam ng kakaiba dahil sa lakas ng hangin na ipina-pamalas ng kaniyang kalaban. Ang ganito kalakas na hangin ay mai-kukumpara sa isang B class. Pero ang taglay na aura ng kaniyang kalaban ay aura ng isang C class lamang.
Huminahon si Grey at pinakiramdaman ang pag-daloy ng kaniyang aura sa kaniyang mga kamay at paa. Nararamdaman niya ang napaka-lamig na aura sa buo niyang katawan at handa na n'ya itong pakawalan.
Ang kaniyang katawan ay dahan-dahang umangat sa ere, at ang kaniyang kaninang tinatapakan ay binalot ng napaka-kapal na yelo. Ang mga manonood ay namangha- sa pinapakita ni Grey. Ang tamang pagpapadaloy ng aura nito sa kaniyang mga kamay at paa.
Katulad na katulad ng paraan ni Shawn kanina ng kalabanin nito si Lucy. Ang batang ito ay mayroong pulidong kontrol sa kaniyang kapangyarihan. Naabot na ni Grey ang paghanga ng ibang mga guro na nandoon.
Ang tanging kailangan na lamang n'ya na gawin ay ipakita ang mga kaya niyang gawin, sa pakikipag-laban. Si Edrian naman ay makikitaan ng ngisi sa kaniyang labi. Naalala niya ang binaggit ng kaniyang kapatid na si Elena.
"Ang Batang iyan ay may potensyal na tinataglay, nais ko siyang turuan subalit, hindi ko s'ya kayang turuan ng mag-isa." Ito ang isa mga sinabi ng kaniyang kapatid. Sa lumipas na ilang araw ay naturuan nila ng kaniyang kapatid ang mga batang napili nilang maging estudyante.
Talaga ngang sa paglipas ng mga taon ay palakas ng palakas ang sumisibol na bagong taga-pagligtas. Ang kaniyang estudyante na si Shawn ay isang talentadong bata na mabilis maka-unawa sa kaniyang mga itinuturo, at ang batang si Grey na mabilis matuto at nagagawa kaagad ang kung ano mang porma ng yelo, na gugustuhin nitong palabasin. Humahanga s'ya sa dalawa n'yang estudyante.
At natitiyak niya na pabibilibin ng mga ito ang mga guro na nanonood ngayon, lalong lalo na si Sebastian na kasalukuyang pinaka-malakas na God's Children sa lahat ng mga guro na naroroon. Nagpatuloy na muli ang labanan sa pagitan nila Akari at Grey.
Kapwa ang mga ito ay nakalutang sa ere at pareho ng nagbanggaan ng kanilang mga enerhiya. Nagkaroon ng maliwanag na pagsabog sa loob ng barrier. Nagkaroon ng bitak ang mga ito na ikina-bigla ng mga manonood.
Ang mga guro naman na gumawa ng barrier ay unti-unti ng inalis ang barrier, dahil ramdam na nila ang pressure sa loob ng arena. At kapag hindi iyun napakawalan ay masasaktan ng husto ang dalawang naglalaban dahil sa tindi ng banggaan.
ang mga guro naman na nanonood ay bumalik na sa wisyo, at pare-pareho ang mga ito na naglabas ng kanilang aura. Lumipas ang ilang sigundo ang buong arena ay nabalutan puting usok ang loob ng arena.
At habang ang puting usok ay bumabalot sa arena, ang barrier ay tuluyan ng nag-laho. Humagupit ang napaka-lakas na malamig na hangin. Ang mga silya na inu-upuan ng mga guro ay nagi-liparan.
Ang ibang guro naman ay prinotektahan ang mga guro ng Toril Elementary School. Ang principal naman ng toril elementary school ay namangha sa resulta ng banggaan ng atake ng dalawang estudyante.
Nagpatuloy ng ilang sigundo ang pagbayo ng malakas na malamig na hangin ay unti-unti nang naglalaho ang liwanag na dulot ng atake ng dalawang bata. Ilang sandali pa ay malinaw ng nakikita ang nagaganap na laban ng dalawa.
At nagulat sila ng Makita ang balot na balot ng naglalakihang bloke ng yelo ang kalahating bahagi ng katawan ni Akari. Si Sebastian nga na malapit sa kinaroroonan ng dalawa ay nagulat sa kaniyang nasaksihan.
Ang pagbalot ng yelo mula sa kaliwang kamao nito hanggang sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Ang direktang pag-atake sa batang si grey ay napaka-delikado. Ang klaseng ito ng element ay kayang pumatay ng cells sa katawan ng isang buhay na nilalang.
Kaya naman nagpasya na si Sebastian, lumipad siya papasok sa arena at napansin naman ito kaagad ni Akari na kanina pa abala sa pagpupumiglas mula sa matigas na malamig na yelo na bumalot sa katawan niya.
Ayaw n'ya ang kaniyang naiisip na gagawin ng gurong ito sa Arena. Ayaw niyang matalo sa ganitong paraan. Dapat siyang makawala rito dahil kung hindi matatalo siya dahil sa desisyon ng referee ng labanan na ito.
Si Grey naman ay nakatayo ngayon sa arena at pinag-mamasdan ang kasalukuyang lagay ng kaniyang kalaban. Makikita ang kaunting saya sa kaniyang labi. Subalit nawala ito ng maramdaman niya ang presensya ni Sebastian sa loob ng arena.
Ang kaniyang atensyon ay nabaling rito, ganun pa man ang bloke ng yelo na nakapalibot sa katawan ni Akari ay hindi niya hinayaan na matibag.
"Akari Noshiko Nishimiya!" tawag ni Sebastian sa batang si Akari. Si Akari naman ay kinabahan ng tawagin ang kaniyang pangalan ng gurong ito.
" H'wag ka nang mag-pumiglas pa!, nais ko nang tapusin ang laban na ito at sabihin kung sino ang nanalo." Sabi ni Sebastian na ikinagulat ng dalwang bata at pati na ang mga nanonood.
Ang taong ito ay ngayon lamang nakita ng mga guro ng Magica Academy na mag desisyon ito ng ganito. Ang alam lamang nila rito ay magaling itong mag analisa ng mga kakayahan o epekto ng kapangyarihan ng mga nakikita niyang estudyante.
Lumapit si Sebastian kay Grey at inabot ang kanang kamay nito. Nagtaka naman si Grey dahil sa aksyon na ito ni Sebastian. Samantala ang kasalukuyang nasa isip ngayon ni Sebastian ay ang tungkol sa kaniyang na analisa sa kakayahan ng batang si grey.
Kaya nitong maglabas ng napakalamig na yelo at sa kaniyang pag analisa ay natantya niya ang temperatura nito ay higit pa sa lamig ng antartica. Ang lamig na ito ay pumapatay ng cells sa katawan ng kahit na sino kapag ang katawan ay nabalutan ng napaka-tagal na minuto.
Itinaas ni Sebastian ang kanang kamay ni Grey at binanggit ang salitang
"Ang Nanalo sa laban na ito ay si Grey Ashton Morehood" sigaw ni Sebastian na nagpa-hiyaw sa mga manonood. Makikita naman ang tuwa sa mukha ni Grey at tiningnan ang pwesto kung saan naroroon si Shawn.
Makikita naman sa mukha ni Shawn ang simpleng ngiti. At tumalon ito papasok sa arena. Napatingin naman kay shawn ang mga guro na naroroon. Naalala nila ang nakaraan nitong laban na mabilis na natapos dahil sa kakaibang itim na usok na nagpatilapon sa kalaban nito.
Si Shawn naman ay tiningnan ang kinalalagyan ngayon ni Akari at tiningnan ito na parang nang hihinayang. Malakas ito subalit nagkamali ito ng direktang umatake kay Grey. Ang buong katawan ni shawn ay nabalutan ng asul na aura at ang asul na apoy ay lumabas sa kaniyang kaliwang kamao.
At mabilis na sinuntok ang bloke ng yelo na bumalot sa katawan ni Akari. Ang atakeng iyun ng batang si shawn ang tuluyang nagwasak ng malaking bloke ng yelo na iyon sa isang naglalagablab na atake lamang.
Nakaramdam naman ng pressure sa loob ng arena si Grey, ang kaniyang kaninang saya ay napalitan kaagad ng kaba. Dahil sa muling pagkakataon ay lalabanan nanaman niya si Shawn at sa isang totoong laban pa.
Si Edrian naman ay pinag-tinginan muli ng mga guro at sa pagkakataon na ito ay mayroon ng isa sa mga ito ang nag-salita.
"Ang Dalawang iyan ay Estudyante naming ni Mr. Edrian Washinton!" sabi ng isang babae kaya naman napalingon ang mga guro sa babaeng kadarating lamang.
Ito ay walang iba kundi si Elena Zhean Washinton,ang isa sa apat na pillar ng pamilya washinton at isa sa pangunahing namamahala sa Magica Academy....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...