Chapter CXII

66 20 0
                                    

Chapter CXII: The Binding Ritual

---

SA madilim na lugar kung saan naroroon si Shawn ay makikita ito na nagpapalinga-linga sa kaniyang paligid, tila ba inaalam nito kung nasaan siyang lugar. Hindi niya alam kung bakit siya nasa lugar na ito sapagkat ang alam niya lamang kanina ay nasa gitna siya ng laban, bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala kay Lucy.

Sapagkat tiyak na malalagay sa alanganin ang kaniyang kaibigan, dahil ang kalaban na iyun ay sadyang napakalakas. Nais niya sana na makabalik na kaagad doon subalit hindi niya alam kung nasaan siya sa kasalukuyan, subalit mukhang matatagalan siya na alamin ito sapagkat hindi niya alam kung nasaan siya ngayon.

Samantala si Hades naman ay kasalukuyan na pinagmamasdan niya ang kasalukuyang nagaganap sa silid kung saan naroroon ang Cerberus at ang kaniyang tagapagmana, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng Cerberus dahil sa kasalukuyan ay nakakonekta na ito ngayon sa kaniyang tagapagmana.

Ang Cerberus naman ay kasalukuyan na hindi makapaniwala na ganito kabata ang kaniyang bagong Amo, subalit sa kabila nang kabataang taglay nito ay hindi mapagkakaila na sadyang talentado lamang ang kaniyang bagong Amo.

Sadyang mayroong pagkakatulad ang batang ito kay Hades, dahil ang batang ito ay mayroong napaka kalmadong mukha. Sapagkat ang batang ito ay mayroong parehong pag-uugali sa kaniyang dating amo, at hindi siya magdadalawang isip na paglingkuran ang batang ito. Dahil ito ang tagapagmana ng kaniyang pinaka-mamahal na Amo.

Lumipas ang ilang minuto sa loob ng silid at nagulat si Shawn nang bigla na lamang siya makarinig nang mahinang ungol sa kaniyang paligid, naalarma si Shawn dahil sa tunog na iyun dahil ang tunog na iyun ay tila ba nagmumula sa isang halimaw at bigla na nga lamang sumagi sa kaniyang isipan nab aka ang lugar na ito ay ang lungga kung saan naninirahan ang halimaw na ito at kaniya itong nagagambala nang kaniyang presensya.

Samantala ang Cerberus naman ay unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ni Shawn, ang kaniyang mga yabag ay maririnig na papalapit kay Shawn habang ang kaniyang paghinga ay malinaw na naririnig nito. Mukhang naaalarma niya ito dahil sa kaniyang ingay na nalilikha, samantala ang buong paligid naman nila ay biglang nagkaroon ng asul na liwanag.

Ang asul na liwanag na ito ay mabilisan na gumuhit ng linya, at ang linya na iyun ay mabilis na gumuhit ng tatsulok na hugis. Nagulat si Shawn sa biglaang paglitaw ng asul na liwanag na iyun, at ang mabilisan na pagguhit nito ng hugis na tatsulok.

Ang Cerberus naman ay alam na nagsimula na ang magaganap na ritwal, sapagkat ito ang hudyat na kailangan nilang dalawa ni Shawn na tumayo sa loob nang mabubuong simbolo ng asul na liwanag. At kaniya nang ihahanda ang kaniyang sarili dahil kapag ang simbolo na iguguhit ng asul na linya, ay magsisimula na ang pag-iisa nilang dalawa ng kaniyang bagong amo.

Samantala sa gitna ng labanan ay makikita ang muling pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan nila Soleth at Ariana, habang sila Grisha at Silver ay kapwa na pinanonood ang dalawang naglalaban. Sa kasalukuyan ay pinakikiramdaman ng dalawa ang isat-isa, lalong lalo na ang kanilang paligid dahil sa mabigat na presensya na nagmumula sa kinaroroonan ni Gelal. Hindi maiwasan ni Grisha na mapa-isip kung ang batang iyun nga ba ang nagtataglay ng kapangyarihan ng Diyos ng Kadiliman, at kung ang hinala man nila na ito man ang batang iyun ay magiging malaking hadlang ito sa kanila.

Sapagkat ang kapangyarihan na mayroon si Hades ay ang isa sa mga pinaka-kinatatakutan ng angkan ng mga diyablo, samantala sila Rev at Alicia ay kapwa na nasa lapag kung saan naroroon sila Shawn at Lucy at si Gelal.

Si Gelal ay makikitang naiirita sa biglang pagsulpot ng dalawang indibidwal na nagtataglay ng pulang mga aura, nakaramdaman siya ng malakas na pwersa mula sa dalawang ito kaya naman mas lalong nairita si Gelal sa mga ito.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon