Chapter CXXI

64 18 10
                                    

Chapter CXXI: The Day We Start

----

ANG mga naroroon na nakakasaksi nang kasalukuyang nagaganap sa labas nang palasyo ay makikitang gulat na gulat, nang ang ikalimang prinsipe nang impyerno ay nasa kaniyang harapan mismo. Hindi alam nang mga naroroon ang buong kaganapan subalit may isang butas ang nagbigay sa kanila kaagad nang ediya.

Ang prinsipeng si Astaroth ay nagpanggap bilang ang kasalukuyang hari na si King Satan, makikita nga kasalukuyan ang galit nitong ekspresyon habang ito ay nakatingin sa nakababata nitong kapatid. Samantala ang mga naroroon nga ay napag pasyahan nang lumayo dahil malaki ang posibilidad na mauwi sa malaking labanan ang magaganap na ito.

Samantala si Satan ay kaagad na nagtanong sa kaniyang nakababatang kapatid, tinanong niya rito kung bakit siya gusting paslangin nang kaniyang nakababatang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nang kaniyang kapatid, wala siyang makitang maayos na rason kung bakit siya nito gustong patayin.

Alam niyang may kalokohan ito minsan, subalit kung kalokohan parin ang ginagawa nito sa ngayon ay hindi na ito tama. Dahil hindi na sila mga bata para maglokohan pa, at hindi niya din alam kung bakit ito bumalik samantalang lumayas ito noon nang wala man lamang paalam.

At tumagal ang pagkawalang iyun ni astaroth nang mahigit na libo libong taon, hindi na niya alam kung ito a ba talaga ang kaniyang nakababatang kapatid. Sapagkat hindi ito ang klase nang kapatid na gagawa nang ganito kalaking kahangalan, ang aatake nang mag-isa sa palasyo isang malaking kalokohan.

Samantala sa mundo naman nang mga tao ay kasalukuyan na nakikipaglaban ngayon si Shawn kay Rev, sa ngayon nga ay nagkakaroon sila nang munting sparring match. Noong mga unang araw niya na tinuturuan siya ni Rev ay akala niya ay madali lamang ang bawat ipagagawa nito, subalit nagkamali siya sapagkat ang bawat pag-atake na ginagawa nito ay hindi niya kinaya noong mga naunang mga araw.

Madalas siyang tumitilapon sa tuwing susubukan niyang makatama rito ay nauunahan siya nito, sa pamamagitan nang isang tapik lamang. Ramdam niya na seryoso ito sa bawat pagtapik na iyun ni Rev alam niya na seryoso ito sa bawat oras, at minsan lamang ito na makikitang mahinahon sa tuwing nasa tabi nito ang kaniyang nakababatang kapatid.

Tatlong buwan na siyang hindi pumapasok sa akademya, at palagi na lamang siyang sumasabay sa kaniyang mga kaibigan. At palagi siyang hinihintay ni Rev dahil ito lang naman ang nakaka-alam kung saang lugar sila pupunta upang magsanay.

Sa lumipas na tatlong buwan ay palagi siyang nabubugbog sa bawat sparring nila, subalit nagagawa na niyang makatagal kapag pinalalabas niya ang Cerberus. Sa bawat paglabas nga nito sa kaniyang katawan ay nararadaman niya ang malakas na enerhiya nito na humahalo sa kaniyang katawan, sa bawat paglabas ng Cerberus ay kaniyang itinutuon ang kaniyang sarili sa paghigop nang enerhiya.

At sa tuwing nahihigop niya ang enerhiya na nagmumula sa katawan nang Cerberus ay mas lalong nasasanay ang kaniyang katawan, ang enerhiya na mula sa katawan nang Cerberus ay nagiging kaniya ding enerhiya habang tumatagal.

Sa bawat paglabas nito sa kaniyang katawan, ay agad niyang hinihigop ang enerhiya nito. At ang enerhiya na mayroon nga ito ay napakalakas, sapagkat ang kapangyarihan at kalidad na mayroon ang Cerberus ay hindi niya mabilang.

Sa kaniyang palagay ay hindi pa sapat ang kaniyang kakayahan bilang isang beast summoner, sa loob nga din nang tatlong buwan ay nakakausap niya si Hades. Sa loob nang tatlong buwan ay nakakausap niya ito patungkol sa gusto at sa ayaw nang Cerberus, at isa sa mga ayaw nito ay wala itong natatanggap na treat para dito.

Noong una nga ay akala niya ay nagbibiro lamang si Hades sa kaniya subalit totoo pala iyun, totoo na ayaw nang Cerberus na hindi ito nakakatanggap ng treat. Kaya naman sinasalinan niya ito nang kaniyang enerhuiya, sa ngayon ay ito pa lamang ang kaniyang maibibigay dito pero kapag nalagay sa alanganin ang buhay ni Shawn ay lalabas ito kahit na hindi sinasabi ni Shawn.

Samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na nagpapahinga habang sila ni Ariana ay nakaupo sa damuhan habang ang mga ito ay nababalutan nang tumatagaktak na pawis, sa kasalukuyan ay pagod na pagod ang dalawa dahil halos dalawang araw silang walang humpay sa pagsasanay.

Makikita sa paligid ang mga nasirang kalupaan dahil sa kanilang sparring kanina at nalikha nila ang mga sira na ito sa kanilang paligid nang dahil lamang sa kanilang mga kamao, hindi siya makapaniwala na ganuon kalakas si Ariana.

Ang pisikal na lakas nito ay hindi normal para dito, sa kaniyang pagkaka-alam ay ang kakayahan ni Ariana ay ang panggagamot at hindi ang harapang laban ang abilidad na mayroon ito. Nang kaniyang tatanungin sana si Ariana kung bakit malakas ito, ay nagbibiro lamang ito ay sinasabi lamang nito ay nag gygym ito.

Subalit halawa naman sa katawan ni Ariana na hindi dahil sa pag gygym ang dahilan kung bakit malakas ang pangangatawan nito, hindi na lamang niya ito pinagka-abalahan pang alamin. Samantala si Ariana ay hindi makapaniwala sa pagtatanong sa kaniya ni Lucy, mukhang nagtataka ito sa kaniyang pisikalidad nitong pangangatawan.

Hindi niya pa nais na ipaalam dito kung bakit siya mayroong malakas na pisikalidad na mayroon ito, ang kakayahan na mayroon siya ay kapareho lamang ni Lucy. Hindi siya isang ordinaryong nilalang. Hindi niya nais na ipaalam kay Lucy na siya mismo ay isang madre, isa siyang madre na mayroong purong pisikal na lakas.

Lumaki siya noon sa isang bahay ampunan at lumabas ang kaniyang kakayahan na makapanggamot, ang mga madre na nag alaga sa kaniya ay itinuring siyang isang tunay na kapamilya. Subalit nang mayroong mga tao ang humatid sa kaniya, ay hindi nagdalawang isip pa.

Naging miyembro siya nang Magica Academy, at naging isa sa mga bagong estudyante. Samantala napatingin siya kasalukuyan sa pwesto kung nasaan si Lucy, at nakita niya na nakatulog na ito sa lapag. Mukhang napagod talaga ang kaniyang alaga, batid niya na pagod na talaga ito sapagkat deretso na dalawang araw silang walang pahinga.

Lumipas ang ilang araw si Shawn ay kasalukuyan na nasa labas nang akademya, sa kasalukuyan ay hinihintay niya si Lucy. Nasa gate sila nang akademya habang siya ay narito ay hinahantay niya mismo si Lucy, sa ngayon ay aalis silang dalawa ni Lucy dahil mayroon silang misyon.

Samantala si Lucy ay kasalukuyan na nagmamadaling tumakbo patungo sa gate, nagmamadali siyang tumakbo patungo sa gate dahil siya ay late na sa pag-alis. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin kay Shawn, tiyak niya na kanina pa naghahantay ito sa kaniya.

Hindi niya sinasadya na ma late hindi niya nagawang labanan kanina ang antok na kaniyang naramdaman, simula kasi noong mga nakaraang araw ay palaging inaantok si Lucy dahil sa sobrang pagod. At nagising na lamang si Lucy nang saktong 7:30 na nang umaga, dahil doon ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang mga gamit at tumakbo siya patungo sa gate.

Samantala si Shawn naman ay napatingin na lamang sa kaniyang harapan, habang kaniyang hawak hawak ang isang sulat. Ang sulat na iyun ay naglalaman ng impormasyon nang misyon na kanilang gagawin, hindi siya makapaniwala na ngayong araw ay aalis n asana sa loob nang akademya.

Kaya lang sa unang misyon nila ay late si Lucy, hindi niya alam kung bakit ito na late pero kaniya na lamang iintindihin kung bakit ito na late....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon