Chapter LXXXVIII

66 22 0
                                    

Chapter LXXXVIII: Black Energy

---

ANG atmospera sa loob ng battle stadium ay mabilis na napalitan ng mabigat na presensya, sapagkat sa kasalukuyan ay makikita ang anim na bata na mula sa Special Class na kasalukuyan ay sama-sama sa gitna ng battle stadium.

Makikita nga sa mukha ng mga ito ang kanilang mga mukha na may iisang ekspresyon at iyun ay ang mukha ng kasiyahan, makikita sa kanilang mga mukha ang isang malawak na ngiti na naging dahilan ng pagbabago ng atmospera sa buong paligid.

Sila Ariana, Rev at Yoki ay kapwa hindi makapaniwala sa ginawang aksyon ng mga batang ito, ang sabay sabay na magpakawala ng malakas na atake sa kani-kanilang kalaban upang makatakas sa paningin ng mga ito.

Mukhang ang pagkakataon na ito ay kanilang pinag-isipan bago pa sila pumasok sa loob ng battle stadium, sapagkat ang pagsasama-sama ng mga ito ay saktong sakto lamang at masyadong tansyado.

Samantala sila Alicia, Edrian at Elton ay kasalukuyan na nababalutan ng kani-kanilang enerhiya, si Elton ay kasalukuyan na pinapahinto ang pagdurugo ng kaniyang sugat.

Sa pamamagitan ng kaniyang taglay na enerhiya ay kinokontrol ang paghinto ng pagdurugo ng kaniyang mga natamong sugat, samantala napatingin naman siya sa dalawa niyang kaibigan na sila Alicia at Edrian.

Hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito ang sitwasyon ng labanan na ito, sapagkat nagawa siyang tamaan ng malakas na atake ng kaniyang kalaban.

Lalong lalo na ang gumawa sa kaniya nito ay isa lamang 1st year student na minsan na niyang naging estudyante, hindi niya inakala na ang nakababatang kapatid pa ng kina-iinisan niyang si Tetsuya ang makakagawa sa kaniya ng ganitong pinsala.

Sa kaniyang palagay ay kung hindi niya nagawang iwasan ang direktang atake nito ay natitiyak niya na nasa labas na niya ng battle stadium habang siya ay dala dala ng mga doctor, kaya naman ipina-pagpasalamat niya na nagawa niyang maka-iwas kait paano sa atakeng iyun.

Samantala nasa kaniyang harapan na ang kaniyang dalawang kaibigan at base sa ekspresyon ng dalawang ito ay mukhang alam na niya ang binabalak ng dalawang ito, at iyun ang magseryoso na sa pagkakataon na ito.

Si Dylan naman ay kasalukuyan na naglalakad papalapit sa sa pwesto nila Alicia, Edrian at Elton, ang kasama nga ni Alicia na sila Elton at Edrian ay napalingon sa kinaroroonan ni Dylan. Ang dalawa ay naalarma dahil sa paglapit ng isang ito sa kanila, hindi alam nila Edrian at Elton ang pakay nito sa kanilang magkakaibigan.

Si Alicia naman ay napangiti ng kaniyang mapansin ang paglapit sa kanila ni Dylan, kaniya nang inaasahan na magiging ganito ang reaksyon nila Edrian at Elton kapag nasa paligid lamang ng dalawang ito si Dylan.

Alam ni Alicia na magiging tinik sa daan ng dalawa niyang kaibigan kung sakali man na si Dylan ang kalaban ng dalawang ito, sapagkat kahit sino naman talaga ay makakaramdam ng pagkabahala kung ang isang tulad ni Dylan ang kanilang makakaharap.

Ang nilalang na hindi pwedeng mahawakan ng kahit na sino, sapagkat kung sino man ang magkamali na hawakan ito ay natitiyak na masusunod ang parte ng katawan na inihawak nito. Samantala ang magkaibigang Edrian at Elton ay napatingin sa kanilang kaibigan na si Alicia at kanilang napansin ang mahinahon nitong ekspresyon na kanilang ipinagtaka, sapagkat hindi man lamang ito nakakaramdam ng pagkabahala sa presensya ni Dylan.

Samantala si Dylan naman ay tuluyan ng nakalapit sa kinaroroonan ng tatlong magkakaibigan at kaagad itong nagsalita na ikinagulat naman nila Elton at Edrian, sapagkat nakipag-usap ito sa kanilang kaibigan na si Alicia ng normal na para bang mayroong ugnayan ang dalawang ito na hindi nila alam dalawa.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon