Chapter XXIX: Special Class
---
ANG mga nakarinig ng sinabi na iyun ni Yoki ay hindi mapigilan na mag-taka. Samantala sila Edrian at Elena naman ay kaagad naintindihan ang nagaganap na pagbabago. Ilalagay sa special Class ang batang si Shawn dahil sa taglay nitong pambihirang kapangyarihan.
At sa ngayon nga na isa ng B ranker ang batang si Shawn ay mas nararapat nga na mapabilang na ito sa special Class na binuo ang eskwelahan. Ito ang klase kung saan ang mga estudyante rito ay walang sinusunod na baitang. Ang mga estudyante rito ay ang mga pinaka-may talento sa larangan ng pakikipag-laban.
"Markus Van Hyden!" sigaw pa ni Yoki na ikinagulat naman ni Markus. Isa si markus sa mga estudyante na natatakot sa principal na ito. Dahil minsan na siyang nakatikim ng hagupit ng galit nito, ng minsan na binalak niyang umalis sa akademya ng walang paalam.
"Sumama ka saamin!, isama mo na din si Jarvis may kailangan akong sabihin sa inyong dalawa!" malakas na sabi ni Yoki na kaagad naman na sinunod ng dalawa. Samantala ang buong klase naman ni Elton ay umalis na habang puno ng pagtataka sa kanilang mga mukha.
Ang hindi lamang kasama ng mga ito ay ang apat na kaibigan ni Scarlet, na kasalukuyan nga ay nasa Loob ang mga ito sa labas ng clinic, habang sa loob naman nito ay makikita ang mga nurse na abala habang ina-asikaso ang kanilang mga pasyente at isa na sa mga ito si Scarlet.
Samantala sila Edrian at Elena ay sumusunod ngayon kila Yoki, at Shawn. Sa kasalukuyan nga ay naglalakad ang mga ito patungo sa isang partikular na silid. Makikita kasi sa pader nito ang mga letra na nagbabawal na pumasok ang mga hindi estudyante ng Special Class.
Samantala sa loob naman ng isang gusali ay makikita naman ang mga estudyante na napahinto sa kanilang mga ginagawa. Ang isa nga sa mga ito ay kaagad na sumilip sa bintana at kaagad itong napangiti ng makita ang mga huminto sa harapan ng gate ng kanilang silid aralan. Tumingin ito sa kaniyang mga kasama at sinabi na dumating na ang kanilang guro.
Ang mga ito nga ay kaagad na inayos ang kanilang mga gamit na nagkalat sa loob ng silid, ang mga lalake nga na kanina ay nag-babarbell ay kaagad na itinago ang mga ito sa mga locker nito sa gawing likuran ng kanilang silid.
Samantala si Yoki naman ay mapapansin na nakasimangot habang nakatingin sa kanilang harapan. Ang Gate ay hindi maayos ang pagkaka-sara, halata na may nagtangka nanaman na umalis ng hindi niya alam. Si Yomi ang tinutukoy na guro ng mga estudyante na nasa loob ng silid.
Naglakad nga paabante si Yoki, at ng maitapak nga niya ang kaniyang paa sa linya na nakaguhit sa harapan ng gate ay bigla na nga lamang itong nabalutan ng puting enerhiya. At doon nga ay kusang bumukas ang gate. At doon nga rin naradaman nila Shawn, Markus at Jarvis ang napaka-bigat na aura na nagmumula sa loob ng gusali na nasa kanilang harapan.
Mukhang ang mabigat na aura na ito ay nagmumula sa mga esatudyante na nasa loob ng gusali kung saan naroroon ang mga ito. Muli ngang naglakad sila Yoki at ang tatlong bata. Habang ang magkapatid na washinton naman ay tila nagbalik tanaw ng sa muling pagkakataon nga ay nakita nila ang gusali kung saan sila noon nag-aral. Ang Special Section para sa mga estudyante na mayroong kakaibang kakayahan. ang natatanging seksyon na mayroon sa Magica Academy.
At makikita lamang ang isa pang pasilidad na katulad nito sa bahagi kung saan naroroon ang mga Elite Students na harap harapan ng nakikipag-laban sa mga diyablo.
Lumipas ang ilang minuto ay nasa loob nan g gusali sila Yoki, Shawn, Markus at Jarvis. Ang mga ito ay nasa ikatlong palapag na ng gusali subalit hindi parin humihinto sa paglalakad si Yomi. Samantala sila Edrian naman ay nasa labas ng pasilidad kung saan nakatayo ang gusali na tanging estudyante lamang na meyembro ng Special Class ang maaaring makapasok.
Ay malinaw nilang nakikita mula sa labas ang umaakyat na sila Yoki at ang tatlong bata. Sa kasalukuyan ay makikita ang magkapatid na nakalutang sa ere habang pinagmasdan ang mga ito na naglalakad paakyat ng gusali.
Si Edrian ay makikitaan ng pag-aalala para kay Shawn, dahil ito ay nailipat sa Special Class. Alam niya na hindi basta basta makakasabay ang batang si Shawn, lalo na dahil ang mga gagawin ng bawat estudyante rito ay mas mahirap kaysa sa ginagawa ng mga normal na estudyante ng akademya.
Dahil si Shawn ay makakatanggap rin ng Special Training na mas mahirap sa mga dapat niyang gagawin sa araw-araw. Samantala sa loob naman ng silid ng Class 1 A ay makikita ang mga nagkakagulong estudyante.
Sa kasalukuyan ay pinapalibutan ng kanilang mga kaklase sila Grey,Jay-ar, Akari at Lucy. At mas madami nga ang lumalapit na babae kay Grey dahil sa maamo nitong itsura. Habang si Lucy naman ay nilalapitan ng mga kaklase nitong lalake dahil sa maamo nitong mukha at mahiyain na personalidad. Samantala kahit na ganun ay hindi nila pinapansin ang mga ito. Dahil ang apat ay kapwa iisa lamang ang ini-isip. At ito ay walang iba kundi si Shawn.
Samantala sa isang pasilidad mula sa malayong siyudad ay makikita ang biglang paglapag ng nasa isang-daang bilang ng mga naglalakihang nilalang. Ang mga nilalang na ito ay nasa taas na sampung pulgada at kapwa ang mga ito ay nababalutan ng kapangi-pangilabot na aura.
Samantala sa loob ng silid kung saan naroroon ang mga estudyante na mula sa Special Class, ay makikita ang mga estudyante na nakatayo habang makikita naman ang kasalukuyang nababalutan ng matinding aura na si Yoki, Lumipas ang ilang minuto na nakatayo ang mga ito ay nag salita na si Yoki.
"Mayroon akong mga dala ngayon, mga bagong miyembro ng sekyon na ito!" sabi ni Yoki na ikinagulat naman ng mga estudyante na naroroon. Napatingin nga ang mga lalake ng makita ang itsura ng pinaka-bata sa tatlong kasama ng kanilang guro.
"Master!, Sigurado ba kayo na magpapasok kayo ng Sampung taong gulang na bata rito!, baka di nya kayanin" suwitsyon naman ng isa sa mga estudyante ni Yoki. Ang estudyante na ito ay isang lalake na nakasuot ng presentable na kasuotan.
"H'wag kang mag-alala, hindi iyun magiging problema! Caleb." Sagot naman ni Yoki rito at itinuro ang mga bata na nasa kaniyang likuran.
"Ang tatlong bata na ito ay nagmula sa Class 1 A at sa kasalukuyan ay mga bagong dagdag na B rank ang batang ito!" mahabang paliwanag ni yoki sa mga ito na ikinagulat naman ng mga estudyante ni Yoki.
Si Caleb nga ay nagulat sa kaniyang narinig, ang tatlong bata na nasa kanilang harapan ay mga bagong B rank, at sa kasalukuyang ranggo ng mga ito ay maaari ng sumama ang mga ito sa mga aktwal na labanan.
Ang iba naman na naroroon ay hindi naniniwala sa sinasabi ng kanilang guro. Nagdu-duda ang mga ito dahil hindi ito kapani-paniwala. Dahil ang mga bata na nasa kanilang harapan ay nagmula sa baitang na kung saan ay nag-sisimula pa lamang sa kanilang mga pag-aaral.
Samantala si Yoki naman ay alam na namay mga nagdu-duda sa kaniyang mga estudyante, kaya naman lumingon siya sa tatlong bata na kaagad naman naa naunawaan ng mga ito. Sinabi na ni Yoki ang lahat kanina bago sila umalis. at ito ay ang ipakita ang taglay nilang Aura sa lahat.
Ang tatlo nga sabay sabay na inihanda ang kanilang sarili sa kanilang gagawin, ang tatlo nga ay unti-unting pinadaloy ang kanilang enerhiya sa kanilang katawan. Samantala napanganga naman ang mga estudyante na kanina ay nagdu-duda sa sinasabi ng kanilang guro. Subalit ng maramdaman nila ang maliit palang na ahagi ng aura ng tatlong bata. Ay namangha na sila dahil ang lakas ng aura ng mga ito ay hindi kapani-paniwala para sa kanilang edad.
Lumipas pa nga ang ilang sigundo ay lumabas na ang kabuuhang lakas ng tatlo, at mas napanganga a=pa nga ang mga ito ng maramdaman nila ang aura ng batang nagtataglay ng asul na aura. Dahil ang batang ito nagtataglay ng aura na maikukumpara sa aura ng isang aktwal na A ranker....
Vote And Comment
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...