Chapter CXLI

46 15 0
                                    

Chapter CXLI: Baal's Ability And Started Of Collecting

---

MULA sa lagusan na lumitaw sa harapan ni Akari ay nasa loob nito ang nagmamay-ari nang kamay na humigop nang kaniyang atake kanina, puno parin nang pagtataka sa isipan ni Akari kung paano nagawang mahigop nang kamay na iyun ang ganun kalakas niyang atake.

Dahil doon ay naalarma siya at kaagad na umatras dahilan para mapalingon sa kaniya si Grey, na sa kasalukuyan ay nakatayo lamang habang tinitingnan ang mga kasamahan nito. At sakto nang ito ay mapatingin kay Akari ay kaagad din nitong napansin ang isang maliit na lagusan kung saan ay mayroong nakalabas na isang kamay mula doon.

Samantala si Baal ay kasalukuyan na pinakikiramdaman ang labas nang lagusan na kaniyang ginawa, siya ay kasalukuyan na nasa gitna nang isang espasyo na naka-pagitna sa lagusan nang dalawang mundo. Ang mundo nang mga diyablo at mundo nang mga tao, ang lagusan na ito ay isa sa mga espesyal na kakayahan na kaniyang nakolekta sa isang mandirigma ilang daang taon na ang lumipas.

Naging malaking pakinabang sa kaniya ang abilidad na mayroon ito at hanggang sa ngayon ay kaniya pa rin itong nagagamit nang Malaya at walang hadlang, sa kasalukuyan ay kaniyang inaalam kung saan ang lokasyon nang bawat isa sa limang batang dumating na iyun.

Sa palagay niya ay kailangan niyang makakuha nang mga parte nang kapangyarihan nang mga iyun, upang madagdagan pa ang kaniyang tinataglay na abilidad. Dahil sa tinagal tagala na niyang nabubuhay ay iilan lamang ang kaniyang nagustuhan na pagkunan nang kapangyarihan, at ngayon ang mga batang ito ay naririto ay mayroon siyang pagkakataon na magkaroon siya nang mga bagong abilidad.

Lalong lalo na ang elemento nang yelo na tinataglay nang batang lalake na mayroong puting buhok at asul na mga mata, ang elemento na taglay nito ay napaka bihira at kaniyang malalaman ang buo nitong potensyal kapag ito ay kaniya nang naranasan na magamit ito sa labanan.

Sa labas naman ay makikita si Grey na naalarma dahil sa lagusan na iyun, kaya naman kaagad niyang binalaan si Akari at sinabi niya kaagad dito na ito ay lumayo sa lagusan na iyun. Samantala ang diyablo naman na nasa harapan ni Markus ay napalingon bigla sa kinaroroonan nang lagusan na bigla na lamang lumitaw doon, nang kaniyang makita nga ang lagusan ay alam na niya kaagad kung kanino ang lagusan na iyun.

Ang kaniyang naisip na nagmamay-ari nang lagusan na iyun ay walang iba kundi si Baal, dahil ang orihinal na may-ari nang lagusan na iyun ay matagal nang napaslang ni Baal. Ang lagusang iyun ay isa sa mga kakaibang lagusan na naitala sa kasaysayan, hindi niya maisip noon ang abilidad na mayroon si Baal ang kopyahin ang abilidad na mayroon ang mga nilalang na nahigop niya ang maliit na parte nang kapangyarihan nito.

Ang kalabanin ang isang gaya ni Baal ay hindi magiging maganda ang kakalabasan, kaya naman dapat silang kumilos nang hindi nagagawang magalit ang heneral na ito. Dahil kung mangyari iyun ay maaaring paslangin sila nito at kopyahin at angkinin ang kanilang kapangyarihan.

Samantala kasalukuyan na makikita si Shawn na nakalapag sa lupa, habang ang kaniyang kamao ay nagliliyab pa dahil sa kaniyang ginawang atake kanina. Makikita sa mukha ni Shawn ang isang ngiti sa kaniyang labi, hindi pa siya nakakabawi sa lahat nang kaniyang nagawa kanina.

Hindi niya inakala na magagawa niyang magawa ang ganuon kalakas na atake kanina, hanggang sa ngayon nga ay kaniya pa ring nararamdaman ang pwersa na iyun sa kaniyang katawan. At sinabayan pa iyun nang pagdaloy sa kaniyang mga ugat nang enerhiya nang halimaw na kaniyang napabagsak, ang enerhiya na mula sa diyablo na iyun ay mabilis na ginagawang sarili niyang enerhiya gamit nang kapangi-panginabang na abilidad nang Black Mist.

Ang kaniyang pakiramdam sa kasalukuyan ay napakagaan, at nag-uumapaw ang kaniyang enerhiya sa kaniyang buong katawan.

Ang kaniyang buong katawan ay naglalaman nang napakayaman na enerhiya, samantala si Hades ay hindi pa din makapaniwala sa ipinamalas ni Shawn kanina. ang ipinakita nitong lakas kanina ay sapat na para mapabagsak ang isang SS class demon, ang ganuong nagawa ni Shawn ay isang malaking bagay para dito.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon