Chapter XV

194 30 1
                                    

Chapter XV: The 1st Battle Experience

---

SA isang gusali kung saan mayroong maririnig na tawanan at hiyawan ng mga diyablo. Ang gusaling kinaroroonan ng mga ito ang pinag-mumulan ng maitim na usok na makikita kahit sa malayo. At sa kasalukuyan ay mayroong grupo ng mga kabataan ang mabilis na lumilipad patungo sa gusaling ito.

Ang mga diyablo ay nagkaka-siyahan habang ang mga ito ay sinasaktan ang mga tao na nagtatrabaho sa gusaling yun. Ang gusaling kanilang inatake ay isang kumpanya kung saan marami ang mga nagta-trabaho sa lugar na walang tinataglay na kapangyarihan.

Ang mga diyablo na ito ay isang grupo ng mga dilekwenteng diyablo, na ang tanging gusto lamang ay mang-gulo. Ang mga ito ay bigla na lamang lumitaw sa harapan ng gusali ng kompanya at inatake ng mga ito ang mga tao na naroon. Ang ibang mga naka-saksi ay mabilis na kumilos at lumayo na sa lugar na iyun.

Sa kasalukuyan ang mga diyablo ay naghiwa-hiwalay sa loob ng gusali. Ang mga ito ay mayroong bilang na sampu. Ang sampung ito ay kabilang sa napakaraming D class Demons. Ang mga ito ay mayroong apat na mga kamay mayroong malaking katawan at mayroong malakas na pangangatawan na kayang pumatay ng kahit na sino. At higit sa lahat ang mga ito ay nagpapakawala rin ng itim at pulang enerhiya at mayroong kakayahan ang mga ito na makapag-salita.

Ang sampung diyablo ay makikita sa mga palapag. Kung saan naroroon ang mga tao na kanilang bihag. Ang mga diyablo na ito ay mayroong gusting gawin sa mga bihag lalo na ang mga kababaihan. Ang bawat isa sa mga diyablo ay may mga pansariling pagnanasa sa mga bagay at isa na rito ang pagnanasa sa mga hindi nila pag-aari.

Samantala ang nangunguna sa mga kabataan na lumilipad patungo sa gusali ay makikitaan ng seryosong ekspresyon. At ito ay si Edrian na kasalukuyang nababalutan ng malamig na puting aura. Samantala sa kaniyang likod naman ay makikitang lumilipad si Shawn habang makikitaan din ito ng seryosong ekspresyon.

Pamilyar na sila sa presenya na kanilang nararamdaman, ang mga diyablo ay gagawa ng walang kapatawaran na Gawain. At kapag hindi sila kaagad nakarating sa gusaling iyun ay mapapahamak ang mga tao na naroroon. Samantala sa likod ng dalawa ay may isang bata ang mabilis na lumilipad. Ang bata na ito ay nababalutan ng dilaw na aura at kahalo ng aura nito ay ang bumabalot na kuryente sa katawan nito.

Ang bata na ito ay si Jay-ar, ang bata na nilampasan ang iba nilang kasama gamit ang buong potensyal ng kaniyang lakas. Samantala sa likod naman ni Jay-ar ay makikita ang sila Elena at Grey na nakangisi habang nakatingin kay Jay-ar. Si Elena ay nakangisi dahil sa lakas ng loob ng batang ito na siya ay lampasan sa paglipad.

Si Grey naman ay nakangisi dahil nasilayan niya muli ang ngiti sa labi ni Jay-ar, alam niya na hindi ito ang partikular na ngiti nito. Dahil ang ngiti na ito ni Jay-ar ay ang totoo nitong ngiti na nakita niya noong una niya itong makilala.

Samantala sila nga ay mabilis na nakarating sa gusali na kasalukuyang nasusunog ang itaas na bahagi nito. Ang magkapatid na Edrian at Elena ay nakatayo sa harapan ng limang bata at itinuro ang nasusunog na bahagi ng gusali.

Agad na nag-salita si Elena at sinabi ang dapat nilang gawin. Si Edrian, Grey at Elena ang bahala sa mga nasusunog na bahagi ng gusali habang ang mga bata naman ay ililigtas ang mga tao na naroroon. At kapag may makaharap sila na diyablo ay huwag mag-alinlangan na umatake dito.

Ang tatlong bata naman na sila Lucy, Akari at Jay-ar ay makikitaan ang naka-ngising ekspresyon habang sila Grey at Shawn naman ay mas lalong naging seryoso sa sitwasyon. Ito ang una nilang aksyon bilang isang God's Children.

At bilang isang baguhan pa lamang ay dapat makinig sila sa kanilang tumatayong pinuno sa mission na ito. Ipinaliwanag pa ni Elena ang mga dapat gawin. Sila Grey, Elena at Edrian ay sabay sabay na lumipad patungo sa itaas ng palapag.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon