Chapter LIII

112 22 0
                                    

Chapter LIII: Wind Storm Vs Water Goddess

----

Nang marinig ang mga pangalan ng mauunang maglalaban ay may dalawang dalaga ang naglakad papalapit kay Yoki, ang dalawang dalaga ay kapwa may angking kagandahan, ang dalaga na nag ngangalang Ellie ay mayroong Asul na buhok at berde na mga mata, mayroon itong maputing balat at sa edad na labing apat ay nayroon ng hubog ang kaniyang katawan.

Habang si Vaneza naman ay mayroong Berdeng mga mata at mahabang itimna buhok, ang kaniyang balat ay napaka-kinis at maputi. At may tinataglay na kakaibang karisma ito sa tuwing makikita ng mga kalalakihan. Dahil sa kahit na walang pagkakaiba ang kulay ng buhok nito sa pangkaraniwang tao aynagtataglay naman ito ng kagandahan.

Si Vaneza ay labing tatlong taon pa lamang subalit nagtatagal na din ito ng magandang hubog ng katawan, si Vaneza ay isang Wind User at isa mga estudyante ni Elton. Sa larangan ng pag-gamit ng mahika ay hindi dapat ito maliitin, dahil kapag ginawa iyun ng kahit na sino ay natitiyak na pag-sisisihan nila ito sa huli.

Ang lahat nga ng manonood ay nag-ingay dahil sa magaganapna paghaharap ng dalawang pinaka-magandang dalaga sa magkabilang baitang, si Ellie ang itinuturing na Water Goddess dahil sa taglay nitong kagandahan at lakas sa pag-gamit ng elemento ng tubig.

Samantala si Vaneza naman ay kilala sa bansag na Wind Storm, dahil sa matinding husay nito at lakas sa pag-gamit ng elemento ng hangin, at noong nakaraang taon ay nagkaharap na ang dalawang ito. At isang malakas na bagyo ang idinulot ng lakas ng dalawang ito.

Samantala si Yoki ay kaagad na sinigaw ang pangalan ng dalawa, at malinaw na binanggit ang pinaka-kailangan nilang gawin, at ang ipinagbabawal lamang ay ang paslangin ang kaniyang kalaban. Dahil kapag nangyari iyun ay matatanggal na ito sa kumpitisyon.

Ang dalawang dalaga nga ay nagharap na, at ang kanilang mga kamag-aral naman na kalahok sa kumpitisyon ay kaagad na umatras upang magkaroon ng mas maluwag na espasyo ng paglalabanan ang dalawang ito.

Si Tetsuya nga ay tiningnan ng maigi si Vaneza, makikita siyang nakangiti habang nakatingin dito, kumpyansa siya sa kakayahan nito. Dahil sa kanilang lahat isa si Vaneza sa pinaka-malakas na miyembro ng Class 3 A.

Nang magkaharap na nga sila Vaneza at Ellie ay kasabay din noon ay ang paglayo ni Yoki at ng dalawang lalake na may hawak ng banga kung saan naroroon ang pangalan ng Tatlungpung kalahok sa unang kumpitisyon na ito.

Sila Vaneza At Ellie ay kapwa ng labas ng kani-kanilang taglay na enerhiya, si Vaneza ay nabalutan ng purong berdeng kulay ng Aura habang si Ellie naman ay nababalutan ng Asul nitong Aura at ang taglay na lakas ng enerhiya na tinataglay ng dalawa ay kapwa nasa A rank na.

Ang dalawa nga ay medyo namangha sa Aura na taglay ng isat-isa, lalo na si Ellie dahil hindi siya makapaniwala na sa muli nilang pag-haharap ni Vaneza ay kapwa na silang nakatapak sa ranggong A. hindi niya inasahan na mabilis na tataas ang antas ng lakas na tinataglay nito noong huli niya itong nakalaban.

Noong nakaraang taon ay pareho silang natalo dahil kapwa silang tumilapon sa arena dahil sa lakas ng atake na pinakawalan nila sa isat-isa. At mukhang sa ngayon na muli silang maglalaban ay magkaka-subukan na kung sino talaga sa kanila ang mas malakas.

Si Vaneza naman ay ikinuyom na ang kaniyang kamao, at mabilis na naipon ang enerhiya ng hangin sa kaniyang katawan. Ang kaniyang pag-gamit sa elemento ng hangin ay hindi katulad ng pag-gamit ng mga kapwa niya Wind User.

Hindi na niya balak lumaban katulad noong nakaraang taon, dahil hindi pa niya kontrolado ang kaniyang taglay na kapangyarihan. Subalit sa pagkakataon na ito ay iba, dahil sa taon na ito ay ipapakita niya sa lahat ang kaniyang bagong kakayahan. At iyun ay ang tiyak na magpapanalo sa kaniya sa pagkakataon na ito.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon