Chapter CXVII

69 18 0
                                    

Chapter CXVII:  In The Hands Of The Strongest

---

SA lumipas na dalawang araw ay kapwa sila Lucy at Shawn ay walang humpay sa kanilang ginagawang pagsasanay, sa kasalukuyan ay kapwa ang dalawang ito ay nasa labas nang akademya at ang mga ito ay nasa malawak na kagubatan.

Ang dalawa ay kasalukuyan na magkasama at napag-desisyunan nilang dalawa na magsanay nang magkasama para maging kumportable silang dalawa, habang nagsasanay sapagkat wala silang maaasahan sa ngayon. Dahil silang dalawa ay iniiwasan na nang kanilang mga kamag-aral, para kay Shawn ay normal na para sa kaniya na maging ganito ang trato sa kanila nang lahat.

Lalo na sa kaniyang kaibigan na si Lucy, batid niya na nasasaktan ito sa kasalukuyang pakikitungo rito nang mga kapwa nila estudyante. Alam niya na mahirap iyun para sa kaibigan pero kung ito lang ang tanging paraan, ay tutulungan niya ito para matanggap ito nang lahat hindi man sa ngayon pero sisiguruhin niya na ito ay magiging masaya muli.

Samantala kasalukuyan naman na binabantayan nila Ariana at Rev ang dalawa, sa lumupas na dalawang araw ay sinusundan nila ang dalawa kahit na saan man magpunta ang mga ito. At sa kasalukuyan nga ay nakikita nila ang dalawa na nagsasanay, at ang paraan nga nang pagsasanay nang dalawa ay hindi nila inasahan na dalawa.

Dahil para bang wala pa talaga sa kundisyon ang dalawang ito na mag sanay nang paspasan kagaya noon, dahil ang tanging ginagawa lamang nang dalawa ay tumatakbo lamang ang mga ito at nagspa-sparring lang ang mga ito sa kagubatan. At ang bawat atake na pinakakawalan nang mga ito ay hindi ganuon kalakas kagaya noong nagsasanay ang mga ito sa loob nang akademya.

Tila ba ang mga ito ay mga ordinary lamang na tao na kung magsanay ay parang mga sinaunang tao, na mas itinutuon ang kanilang atensyon sa kanilang paligid, kung kanilang titingnan ang ginagawang pagsasanay nang dalawa ay mabuti na rin iyun.

Sapagkat mukhang pinaghahandaan nang dalawa ang makiramdaman at makibagay sa kanilang paligid, ang ganuong paraan nang pagsasanay ay malaki ang maitutulong sa mga ito dahil magagawa nang mga ito na mabilis na makasabay sa laban sa kahit na anong sitwasyon pa ito.

Sa kanilang palagay ay si Shawn ang nagpasya na ang training na iyun ang kanila munang gawin, at sa kasalukuyan nga ay unti-unting nakakasabay na ang dalawa sa kanilang paligid. Ang mga suntok at sipa na pinakakawalan nang dalawa ay mabilis na tumatama na sa isat-isa, habang ang ilang puno naman at sanga sa paligid ay nasisira dahil sa papalakas nang papalakas na pag-atake nang dalawa sa isat-isa.

Lumipas lamang ang ilang minuto sa ganuong paraan nang pagsasanay nang dalawa, ay sa wakas ay huminto na sila. Sa ngayon nga ay makikita ang dalawa na kapwa hinihingal na habang ang mga ito ay nakaupo sa lupa.

Sila Ariana at Rev ay makikitang nakangiti lamang, habang ang mga ito ay nakatingin lamang sa dalawan bata. Mukhang ngayong araw ay nasa tamang kundisyon na ang dalawa para sa kanilang pagsasanay na gagawin, si Ariana ay hindi na makapag-hintay sa magiging reaksyon mamaya ni Lucy.

Samantala si Rev naman ay napapa-isip na lamang kung gaano kabilis matututunan ni Shawn ang lahat nang kaniyang ituturo, sapagkat ayun sa kaibigan ng kaniyang nakababatang kapatid ay napaka-bilis lamang daw nitong matuto. Advance itong mag-isip kaya naman mabilis itong nakagagawa nang paraan kung paano gagawin nang maayos ang isang bagay, at ang ganitong katalinuhan na taglay umano nang batang ito kung bakit ito ngayon nasa ganitong estado.

Sila Rev ay umalis na sa lugar na iyun para magtungo na sa gusali kung saan pumapasok ang dalawang batang iyun, at para maka-usap mismo ang guro nito at kasalukuyang principal nang Magica Academy at iyun ay walang iba kundi si Yoki.

Nais nilang ipa-alam dito ang kasalukuyan nilang dapat na gawin, at iyun ay ang turuan at gabayan ang dalawa nitong estudyante, at iyun ay walang iba kundi sila Shawn at Lucy. Samantala sila Shawn at Lucy ay bumalik na sa kanilang mga Dormitoryo, si Lucy ay kaniyang hinatid sa kwarto nito dahil ito ay maliligo pa.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon