Chapter CLVIII: Comeback Safety
__
ANG grupo nila Shawn ay naglalakad sa loob nang Magica Academy, ang mga ito ay namangha sa bagong disenyo nang tarangkahan nang akademya.
Sa palagay nila ay tama lamang na magkaroon na nang bantay sa tarangkahan sapagkat hindi dapat hinahayaan na mayroong makapasok na hindi naman otorisadong makapasok sa lugar, at upang mas mabilis na rin na Malaman nang mga nakatataas ang kaagarang Balita kung sakali man na may nangyaring kaguluhan sa loob nang akademya.
Samantala si Jack naman ay makikitang namamangha sa kaniyang nakikita, hindi siya makapaniwala na ganito kalaki ang akademya na nasa gitna nang malawak na kagubatan.
Para sa kaniya ang kaniyang kasalukuyang kinaroroonan ang pinaka-magandang tanawin na kaniyang nakikita, habang sila nga ay naglalakad ay napansin niya ang ilang mga kabataan na naglalakad sa pasilyo.
Napatingin siya sa mga ito at napansin niya ang pagtingin nang mga ito sa kanilang direksyon, para sa kaniya ay hindi niya gusto ang mga tingin nang mga ito sa kaniyang direksyon.
Alam niya na Ang ganitong uri nang tingin nang isang indibidwal sa kapwa nito ay nagtatanim nang hindi magandang pagtrato, sa kaniyang palagay ay mayroong problema ang grupo nila Shawn sa mga estudyanteng iyun.
Samantala sila Shawn ay hindi inalintala ang mga tingin nang mga estudyante sa kanilang paligid, sanay na Ang mga ito sa pagtrato sa kanila nang mga ito dahil lamang sa pagkakaroon nang dugo nang diyablo ni Lucy at pagkakaroon nang malakas na kapangyarihan ni Shawn ay kinatakutan na Ang mga ito nang mga kapwa nila estudyante.
At sila ay tinatrato na parang isang kriminal na kahit oras ay pwede silang ginawa nang masama at mangwasak, ang grupo nila Shawn ay nagtuloy lamang sa kanilang paglalakad at sa paglipas nang ilang minuto ay dumating na sila sa harap nang gusali nang opisina nang mga nakatataas.
Samantala ang grupo naman nila Edrian ay naglalakad na paakyak nang rooftop kung saan naroroon ang sasakyan na kanilang sasakyan paalis, naka-alis na ang mga ito sa opisina nang mga nakatataas nang walang pagbibigay nang impormasyon tungkol sa mga naganap kanina.
Mas importante sa kanila ang makaalis kaagad upang hindi mahuli sa malawakang pagpupulong, ang grupo na lamang nila Shawn ang bahalang magpaliwanag sa naganap na labanan na iyun.
Sa loob naman nang opisina kung saan naroroon sila Rev at Ariana Kasama ang mga nakatataas, ay seryoso ang pinag-uusapan nang mga ito.
At ito ay tungkol sa higanteng nilalang na nahuli mismo ni Rev, ang higanteng lumabas mula sa ilalim nang bundok sa probinsya nang Nueva Ecija.
Ang mga nakatataas ay nagulat nang marinig nila ang impormasyon mula sa dalawa, dahil ang mga sinalaysay at ibedensya na nakalap mula sa pinangyarihan nang kaguluhan.
Mayroong kumalat na video nang mga naganap sa lugar nang pinangyarihan, ang laki nang halimaw ay sadyang napakalaki.
Nakita din nang mga ito ang ginawang paglaban nang grupo nila Grey sa halimaw na iyun, natuwa ang mga opisyal nang kanilang makita ang ginawang pag-atake nang mga ito sa halimaw.
Samantala ang ibang opisyal naman ay natuwa nang Malaman na walang nangyari na masama kila Lucy at Shawn, dahil kahit na natagalan nang pagdating ang grupo na kanilang pinadala ay nagawang makipaglaban nang mga ito sa isang Demon General.
Sa kanilang palagay ang lakas nang kapangyarihan na taglay nang dalawa ay mas tumaas pa, ang dalawa ay umabot na sa lebel nang lakas na tatapat sa mga Z rank.
Ang grupo nila Shawn ay malapit na sa lokasyon kung saan naroroon ang silid nang mga nakatataas, ang kanilang grupo ay kalmado lamang na naglalakad maliban lamang Kay Jack.
Na Hanggang Ngayon ay namamangha parin sa kaniyang nakikita, sapagkat ang bawat kanilang daanan ay mayroong mga lumulutang na mga imahe na nagmula sa mga Hologram.
Ang grupo nila Shawn ay sanay na sa ganuong senaryo, at para sa baguhan sa loob nang akademya kagaya ni Jack ay Isa ito sa mga bagong karanasan na kaniyang nararanasan sa kasalukuyan.
Mayroong mga iilang mga tauhan pasilyo na kanilang dinaraanan ang napapatingin sa papadaan na grupo nila Shawn, ang mga ito ay mga nagtatrabaho sa gusaling iyun at ang iba naman sa mga ito ay mga guro na patungo na sa kani-kanilang opisina.
Lumipas ang ilang minuto ay sa wakas ay nasa harapan na sila nang pintuan nang opisina nang mga opisyal, seryoso ang mga ito na nakatingin sa pinto kagaya noong una ay wala silang maramdaman na enerhiya mula sa labas nang silid na ito.
Kaya naman Hindi nila sigurado nasa loob parin ba nang silid na ito sila Ariana at Rev na kanina pa dumating sa akademya, o kaya sila Edrian na nauna din sa kanila at kinakailangan na makaalis kaagad.
Ang grupo nila Shawn ay napahinga nang malalim dahil sa ikalawang pagkakataon ay papasok sila sa silid na ito, kung saan ay haharap sila sa mga nakatataas na opisyal nang akademya upang iulat ang mga naganap sa nakaraang laban na kanilang kinaharap.
At pinag-usapan na nila ang tungkol Kay Jack, at iyun ay sinama nila ito upang maging bagong estudyante nang akademya.
Ang ediyang ito ang nagsisilbing dahilan upang isama nila si Jack, dahil kagaya nila ito ay nagtataglay nang kapangyarihan at kagaya nang lahat ay kailangan din nito na masanay sa tinataglay nitong kapangyarihan at hasain pa ito Hanggang sa magawa na nitong magamit nang buong potensyal ang kapangyarihan na taglay nito.
ang Pintuan nang opisina ay bigla na lamang bumukas, na ikinagulat nang grupo nila Shawn. Kaagad na bumungad sa kanila ang seryosong Mukha Nila Rev at Ariana, maramdaman mula sa dalawa ang mabigat na presensya na nasa palibot nang dalawa.
Dahil doon ay medyo nakaramdam si Jack nang Kaba dahil sa reaksyon na ipinakita nang dalawa na kakalabas lamang nang opisina na kanilang pupuntahan. Sa tingin niya ay hindi natuwa ang mga nasa loob kaya nman ganoon ang reaksyon nang dlawang iyun.
Samantala sila Rev at Ariana ay huminto sa paglalakad ilang hakbang ang layo sa grupo nang mga Bata, mababakas sa kanilang Mukha ang ngisi dahil napansin nila ang Kaba sa Mukha nang bagong pasok na si Jack.
Alam nila na iisipin nang binatang iyun na nakakatakot sa loob nang opisina nang mga opisyal, ang nakaisip nang ediya na ito ay walang Iba kundi si Ariana.
Samantala ang grupo nila Shawn ay nakapasok na sa loob nang silid, kaagad nga na bumungad sa kanila ang mga tingin nang mga tao sa loob nang silid.
Ang mga ito ay nakatingin lahat sa direksyon nila Shawn, kaagad na napansin nang Ilan ang Kasama nang mga ito. Habang ang Ilan naman ay nakatingin sa kinatatayuan ni Lucy.
May Ilan naman na nakahinga nang maluwag nang makita na ayos lamang ang lagay nang mga batang ito, sa kabila nang misyon na pinagdaanan nang mga ito.
Lalo na sila Shawn at Lucy na umano ay kinalaban ang isang halimaw na likha umano nang isang Demon General, at ang pagpapabagsak ni Shawn sa Heneral na iyun.
Habang ang grupo naman nila Grey ang humarap sa dalawang diyablo na sinasabing Kasama nang Heneral nang mga sandaling iyun, laking tuwa nila dahil ang mga batang ito ay nakabalik nang ligtas sa akademya nang wala man lamang malubhang sugat na natamo mula sa naganap na laban.
Samantala si Yoki ay kaagad na nakatanggap nang Balita mula sa mga nakatataas at nalaman niya mula sa mga ito na nakabalik na Ang kaniyang mga estudyante.
Kaagad niyang sinabihan si Caleb na umalis na at magtungo sa opisina nang mga nakatataas upang puntahan sila Shawn, nang marinig naman iyun ni Caleb ay kaagad siyang bumangon sa kaniyang kinauupuan at sumunod sa papalabas na si Yoki.
Kaagad na lumipad ang dalawa patungo sa direksyon kung saan nakatayo ang gusali kung saan naroroon ang opisina nang mga ito, samantala sa loob naman nang opisina ay maririnig ang mga tawanan nang mga tao.
Nagulat si Jack nang marinig niya ang mga papuri nang mga tao sa grupo nila Shawn, nagulat siya dahil sa biglang pagbabago nang atmospera sa loob nang silid.
Sila Shawn naman ay hindi na nagulat sa biglang pagbabago nang atmospera sa loob nang silid, dahil ugali na ito nang taong ito. Natural na sa mga ito ang matuwa sa tuwing may mga estudyante ang nakabalik nang ligtas mula sa delikadong misyon.....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...