Chapter CXXXVII

63 16 0
                                    

Chapter CXXXVII: Power Of Upper Demon

---

MULA sa kinatatayuan nila Lucy at Shawn ay kasalukuyan silang nakatingin sa higanteng diyablo na kanilang kalaban, hindi makapaniwala ang dalawa na mayroong kakayahan na mag patubo nang mga naputol na parte nang katawan ang kanilang kalaban.

Hindi nila inasahan na mayroong ganitong abilidad ang higanteng ito, sa kabila pala nang taglay nitong kabagalan sa pagkilos ay mayroon pala itong kapangi-pakinabang na abilidad na tinataglay. Dahil doon ay napaseryoso nang tingin ang dalawa sa halimaw na nasa kanilang harapan, kanilang naisip na paano nila matatalo ang isang ito kung mayroon itong kakayahan na pagalingin ang sarili nito.

Samantala kasalukuyan naman na nakikita nang dalawang diyablo na nasa himpapawid ang pangyayari na iyun, maging sila nga ay nagulat sa kaganapan na iyun dahil nakita nila mismo kung paano mabilis na tumubo muli ang naputol na katawan nang diyablo na iyun.

Hindi makapaniwala ang dalawa na makita iyun mula sa isang ginawa lamang nang isang diyablo, na katulad ni Baal. Ang kakayahan na mag regenerate nang ganun kabilis ay hindi likas sa mga ginawa lamang na mgfa diyablo, sadya ngang mayroong kakaiba kay Baal na wala sa ibang Demon General.

Ang mismong pag prisinta mismo rito ni Lucifer, bilang maging Demon General ay isang hindi inaasahan na kaganapan sa buong kasaysayan. Dahil ang ganuong disisyon ni Lucifer ay bihira lamang na mangyari sa mahabang panahon, at sa paglipas nang napakahabang panahon ay ito ngayon si Baal at pinapatunayan ang pagbibigay sa kaniya nang titulong Demon General nang kaniyang sinasamba na diyos.

Samantala ang dalawa naman ay bigla na lamang nakaramdam nang limang presensya na papalapit sa kanila, at ang limang pinang-gagalingan nang mga presensya ay natitiyak nila na hindi nila ito mga kauri. Kundi ang mga ito ay kanila mismong mga kalaban.

Sila Grey naman ay kasalukuyan na malinaw nang nasasagap ang malakas na enerhiya na nagmumula sa lokasyon na kanilang pupuntahan, hindi nga sila makapaniwala sa kanilang kasalukuyan na nararamdaman sapagkat ang enerhiya na kumakalat sa buong paligid ay napakalakas. Hindi katulad sa sinasabi mula sa mga Opisyal, hindi nila alam kung ano ang kanilang maaabutan sa lugar na iyun pero handa silang alamin kung ano ang dahilan nang lahat nang nangyayaring ito.

Samantala sila Shawn ay kasalukuyan na umiiwas sa mga pag-atake nang kanilang kalaban, sa kasalukuyan nga ay walang humpay silang inaatake nang kanilang kalaban gamit ang mga naglalakihan nitong mga kamao. Si Shawn nga ay kaagad na humiwalay kanina kay Lucy dahil hindi niya pwede na kasama ito sa sitwasyon na ito, dahil ang kalaban ay maraming mga kamay at tiyak na mahihirapan silang makaiwas kung sila ay nasa iisang lugar lamang.

Si Lucy naman ay nabatid naman ang paglayo sa kaniya ni Shawn, alam niya na magiging mahirap para sa kanilang dalawa ang iwasan ang mga atake nang kanilang kalaban kung nasa iisang lugar lamang sila. Kaya naman wala silang pag-iisipan kundi ang umatake nang sa magkaibang direksyon, upang kanilang magawang lituhin ang kanilang kalaban.

Samantala si Baal naman ay makikitang ganuon pa din ang ekspresyon habang ito ay pinapanood ang labanan sa kaniyang harapan, alam na niya na sa ganitong paraan ay magagawa niyang mapaglayo ang dalawa.

Alam niya na hindi pwede na magkasama ang mga ito sa iisang pwesto, kaya naman kaniyang sinadya na maisip ang plano na ito. Ang gumawa nang malaking halimaw na magagawang mapaghiwalay ang dalawa na ito kapag nakikipaglaban, samantala sila Grey ay kasalukuyan na napahinto nang kanilang makita ang isang napakalaking espasyo.

Kung saan ay natatanging doon lamang mayroong namuong maiitim na kaulapan, samantala si Jay-ar naman na nangunguna kanina pa ay kaagad na naramdaman ang presensya nang dalawang tao na kaniyang kilala. Kaagad niyang nabanggit ang pangalan nila Lucy at Shawn, na siya naman na ikinagulat nang kaniyang mga kasama.

Dahil nang sandaling banggitin ni Jay-ar ang pangalan nang kanilang mga kaibigan, ay kanila ding naramdaman ang presensya nang dalawa sa lugar na iyun. Dahil doon ay hindi na nag-atubili pa ang mga ito at kaagad itong lumipad patungo doon.

Samantala si Lucy ay kaagad na napalingon sa kaniyang kaliwa, kaniyang naramdaman ang presensya nang limang tao na kanilang kilala. Si Shawn din ay napalingon sa kaliwa kung saan ay nakatingin siya roon nang seryoso, hindi niya alam kung bakit naririto ang mga ito.

Si Baal naman ay napalingon kung saan ay kaniyang naramdaman ang limang presensya na mabilis na lumilipad patungo sa kanilang pwesto, nakaramdam siya nang pagkasabik nang kaniyang mapagtanto na ang mga paparating na ito ay ang mga kamag-aral nang dalawang bata na kaniyang pakay.

Hindi niya inasahan na ang mga ito ang ipapadala nang mga nakatataas na opisyal nang akademyang iyun, ang kaniyang inaasahan na darating ay ang mga Z rankers na nakasagupa nila Grisha nitong nakaraan lamang. Kaya naman nanabik siya nang kaniyang maramdaman ang presensya nang limang ito, dahil kapwa na nagtataglay ang limang iyun nang magandang kalidad nang enerhiya.

Maganda na mapabilang sa kaniyang mga koleksyon ang abilidad na mayroon ang mga ito, kaya naman naisip niya na kailangan din niya na makakuha nang kahit maliit na bahagi lamang nang kapangyarihan nang mga batang iyun.

Samantala ang dalawang diyablo naman na sa itaas nang Energy Waves, ay kasalukuyan na nakatingin lamang sa lugar kung saan nagmumula ang enerhiya nang limang bata. Hindi makapaniwala ang dalawang diyablo nang kanilang mapagtanto na ang mga paparating na mga kalaban, ay mga batang paslit lamang.

Hindi sila makapaniwala na ang mga batang iyun ay nagtataglay nang magandang kalidad nang enerhiya, kahit na ang mga ito ay mga bata pa lamang. Samantala ang buong grupo nila Grey ay napahinto sa paglipad dahil mayroon silang naramdaman na presensya sa itaas nang Energy Waves na iyun.

Ang mga ito ay napaseryoso nang makita nang mga ito ang dalawang diyablo na nag-aabang mismo sa kanila, Sa palagay nila ay kanina pa naroroon ang dalawang iyun. Subalit kung kanina pa naroroon ang dalawang iyun, ay bakit hindi nila ito naramdaman kanina.

Sila Akari, Markus at Jarvis ay kapwa magkakapareho ang kanilang naisip, at iyun ay mukhang sinadya nang dalawang diyablo na iyun na iparamdam mismo sa kanila ang kanila mismong aur. Kaya naman naalarma ang tatlong ito, dahil mukhang ang dalawang ito ay malalakas na Diyablo.

Samantala si Jay-ar naman ay makikitang napa-kuyom na lamang nang kaniyang kamao, hindi niya mapigilan na mairita dahil mukhang balak silang pigilan nang dalawang diyablo na iyun sa kanilang binabalak.

Si Grey naman ay kalmado na nakatingin lamang sa dalawang diyablo na nasa kanilang harapan, Hindi niya alam kung bakit naroroon ang mga ito. Subalit mukhang ang pakay nang mga ito ay ang magpakawala nang malakas na enerhiya. Na maaaring mag sanhi nang pagkawasak sa lugar na ito.

Samantala ang dalawang diyablo naman na iyun ay makikitang seryoso habang ang mga ito ay nakatitig lamang sa limang bata na bagong dating lamang sa lugar na iyun, mukhang kailangan nilang pigilan ang mga batang paslit na ito sa binabalak na gawin ni Baal.

Dahil mukhang ito lamang ang kanilang magagawa para matapos ni Baal ang kaniyang plano, ayaw din naman nila na maabala talaga ito sa kaniyang ginagawa. Samantala sila Lucy at Shawn naman ay naalarma naman nang ang kanilang kalaban ay bigla na lamang mas bumilis pa ng pagkilos, ang bilis nang pagtama nang kamao nito sa pwesto kung saan sila naroroon kanina.

Si Baal naman ay kasalukuyan na nakatingin sa itaas, nakikita niya sa kasalukuyan ang dalawang diyablo na pamilyar sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit naririto ang dalawang ito, pero huwag naman sana nilang seryosohin ng mga batang bagong dating.

Dahil ang enerhiya nang limang iyun ay kailangan niyang maisama sa kaniyang mga koleksyon.....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon