Chapter CXXVII

54 18 0
                                    

Chapter CXXVII: Zack Reyes

---

SA labas nang apartment ay makikita ang isang binatilyo na mag-isang umiinom nang mainit na kape, ang binatang ito ay ang binatang nakatira sa dulong bahagi nang apartment sa 2nd floor. Habang ito nga ay nagkakape ay napansin niya ang presensya sa kaniyang paligid, at dahil doon ay napalingon siya sa kaniyang kaliwa at nakita niya na nakatingin sa kaniya ang batang lalake na nakita niya kahapon.

Nagulat siya nang makita niya ito sa lugar na ito, hindi siya makapaniwala na ito pala ang bago nilang kapitbahay. Hindi na lamang niya ito tiningnan at pinagpatuloy na lamang sa kaniyang pag-inom nang kape.

Samantala ang batang lalake naman na nakatingin sa kaniya ay makikitaan nang gulat sa kaniyang mga mata, sapagkat ang binatilyo na kaniyang tinitingnan ay mayroong taglay na aura. At ang aura na nagmumula dito ay ang aura na kaniyang nararamdaman simula pa kahapon, habang naguguluhan ito habang nakatingin sa binata ay nabaling ang atensyon nito sa kasama nito sa loob nang apartment.

Pumasok na muli sa loob nang kanilang silid si Shawn, dahil tinawag siya ni Lucy. Ang dahilan kung bakit siya nito tinawag ay upang kumain nang almusal, hindi nga niya inakala na mabilis na makakapagluto ang kaniyang kasama.

Ang mga niluto lamang nito ay ang mga madadaling lutuin, tuwing umaga tulad nang hotdog at itlog at bacon. Kaagad na nga lamang na lumapit si Shawn sa maliit na lamesa, na kasya lamang para sa kanilang dalawa.

Subalit hindi naman naging hadlang sa dalawa ang pagiging maliit nang lamesa na iyun, habang kumakain ang dalawa ay napag-usapan nila ang kanilang gagawin ngayong araw. Kaya naman sinabi ni Shawn ang kanilang dapat na gawin, at iyun ay maghanap nang mga bakas nang mga lugar nang pinangyarihan nang krimen.

Kailangan nilang malaman kung paanong paraan pinupuntirya ang mga bata, habang nag-uusap ang dalawa ay mapapansin naman ang unti-unting pag-ingay sa kanilang paligid. At dahil doon ay nagtaka sila Shawn dahil kanina lamang ay napakatahimik nang lugar, subalit ngayon ay tila mayroong nagkakagulo sa labas.

Samantala ang binatilyo kanina na nagkakape ay makikitang seryoso, habang kaniyang nakikita sa kasalukuyan ng bangkay nang nawawalang bata. Ang bata na kinakailangan niyang iligtas kahapon ay natagpuan nang walang buhay, at ang halimaw mismo umano ang nagbalik sa bangkay mismo nang anak nang mga magulang.

Kasalukuyan ay makikita ang mga magulang nang bata umiiyak dahil sa sinapit nang kanilang anak, ang ama naman nito ay hindi makapaniwala na makikita nito ang lanunos lunos na kalagayan nang kaniyang anak. Sapagkat mayroong bakas nang mga ngipin sa ibat-ibang parte nang katawan nito, senyales na talagang pinag-fiestahan nang mga ito ang kaniyang anak.

Samantala ang mga kapitbahay naman na nakiki-siksik para makita ang bangkay nang bata, ay halos masuka nang kanilang makita ang kalunos lunos na sinapit nang bata. Hindi sila makapaniwala na ganito katindi ang sinapit nang batang iyun, sapagkat ang batang iyun ay napaka-sigla at napakabait sa lahat.

Hindi nila maisip na ganito katindi ang sinapit nitong kamatayan, samantala ang kapitan naman nang baranggay ay kaagad na nalaman nakita na muli ang anak nila Valentina at Joseph. Hindi na nga niya pinatapos ang sasabihin pa sana nang nagbalita sa kaniya, at dali dali itong nagtungo sa lugar kung saan naroroon ngayon ang mga ito.

Samantala sila Lucy at Shawn ay naisipan na tumingin kung ano nang nangyayari sa labas, at pagbukas pa lang nang pinto nang kanilang tinutuluyan ay naamoy na kaagad ni Shawn ang napakalakas na amoy nang diyablo. Kaagad siyang napalingon sa pinanggagalingan nang amoy nito, at nagulat siya nang makita na yakap yakap nang dalawang tao ang isang bangkay nang isang bata.

Nang makita ni Shawn ang ganung senaryo ay kaagad na lamang itong napa-kuyom nang kaniyang kamao, at hindi na din niya napigilan na kagatin ang kaniyang labi dahil sa inis na kaniyang nararamdaman. Dahil mukhang sinadya talaga nang mga diyablo na iwanan nang napakalakas na amoy ang bangkay nang batang ito.

Sa likuran naman ni Shawn ay lumitaw si Lucy na kasalukuyan ay mayroong hawak hawak na tinapay na mayroong palaman na itlog, paglapit nga ni Lucy kay Shawn ay mababakas sa mukha nito ang maamong mukha nito.

Samantala nang mapansin ni Lucy na maingay sa paligid kaya naman lumapit pa siya sa pwesto ni Shawn at nagulat siya nang kaniyang makita ang isang nakaka-gimbal na senaryo, hindi makapaniwala si Lucy sa kaniyang nakikita.

Ang katawan na yakap yakap nang mag-asawa ay ang bangkay nang isang babae na wak-wak na ang ibat-ibang parte nang katawan, at mababakas sa buo nitong katawan ang mga kagat na mula sa mga diyablo na iyun.

Ang kinakain nga ni Lucy nang mga sandaling iyun ay kaniyang nabitawan dahil sa pagkabigla, si Shawn naman ay napansin ang reaksyon ni Lucy sa nakita nito. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang reaksyon nito, dahil ang may gawa mismo nang karumal dumal na krimen na iyun ay isang diyablo.

Sapagkat dumadaloy sa kaniyang mga ugat ang dugo nang isang diyablo, ay hindi niya mapigilan na magalit dahil dito. Hindi niya matanggap na ganito ang nangyayari sa lahat nang mga nagiging biktima nang mga diyablo, nararamdaman niya mula sa kaloob looban ni Lucy ang sakit na makita ang bangkay nang biktima nang mga diyablo.

Dahil ang mga ito ay ang mismong pinaka-malungkot na magulang dahil sa mismong pagkamatay nang kanilang anak, samantala ang binatilyo na nakatira sa dulong bahagi nang ikalawang palapag nang apartment ay walang gana na pumasok sa kaniyang silid.

Habang ito nga ay patalikod ay makikita sa kaniyang labi ang mapait nitong ngiti, habang sinasabi nito sa kaniyang isip na igaganti niya ang lahat nang mga biktima mula sa mga halimaw na iyun. Ang binata nga ay napalingon na lamang sa isang picture frame kung saan ay makikita ang isang babae at lalake, na nakayakap mismo sa batang siya.

Ang mga taong iyun ay ang kaniyang mga magulang, at sa murang edad nga nito ay namatay ang kaniyang mga magulang dahil sa pag-atake nang mga halimaw na iyun sa kanila. Katulad kanina ay makikita na nakangiti lamang ito nang mapait at masama ang titig nito sa isang larawan nang halimaw.

At ang larawan nang halimaw na iyun ay kaniyang nakuhanan habang walang awa nitong pinatay ang kaniyang mga magulang, sa kaniya mismong harapan natatandaan pa nga niya ang huling sinabi nang kaniyang ina bago ito mamatay.

At iyun ay ang manatili siyang ligtas, kahit na isinakripisyo na nito ang sarili nito para mailigtas nito ang kaniyang anak. Ang huling sinabi lamang nang kaniyang ina nang mga sandaling iyun ay ang kaniya mismong buong pangalan, ang pangalan na Zack nang marinig nga noon niya ang pagbanggit nang kaniyang ina nang kaniyang pangalan ay nakita niya mula sa labi nito ang isang masayang ngiti.

At iyun na ang huling beses nito na makita ang kaniyang pinaka-mamahal na ina, at sa kasalukuyan nga ay kumikilos siya nang mag-isa at piniling makipaglaban nang palihim sa mga masasamang nilalang na nasa paligid lamang...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon