Chapter LI

108 23 0
                                    

Chapter LI: 1st Event Battle Of The Classes

---

ANG mga nasa loob ng Gymnasium ay nakaramdam ng pagkabahala sa tindi ng presensya na inilalabas ng bawat miyembro ng Special Class. Ang bawat isa sa mga ito ay nagbibigay sa kanila ng kakaibang kaba.

Si Yoki ay makikitaan ng kakaibang ngiti sa kaniyang labi at humarap sa lahat ng estudyante na nasa loob ng gymnasium. Lumipas ang isang oras ang nangyari sa loob ng gymnasium ay naging usap-usapan ng buong akademya. At ang usap-usapan na ito ay ang banta ng mga ito sa mga estudyante na mula sa mga normal na seksyon.

Samantala ang mga nagmula naman sa Class A sa bawat year level, ang mga ito ay hindi ganun katindi ang naramdaman na tensyon kanina. Dahil ang karamihan sa mga ito ay hindi dumalo sa pag-aanunsyo ng simula ng Sport festival.

Dahil alam nan g mga ito na magpapa-siklab lamang ang Special Class na hawak ngayon ng tumatayong principal na paaralan, sa kasalukuyan nga ay makikita ang Class 3 A na magka-kasama na naglalakad patungo sa isang malaking gusali, sa loob ng akademya.

ang mga estudyante na nakakita sa kanila ay nakaramdam kaagad ng kakaibang aura na nagmumula sa kanila, at ang ilan naman ay batid na kung bakit sama-sama ang mga ito na pupunta sa Istadyum, upang magsimula na ang unang event sa Sport's Festival na ito.

Samantala sa loob naman ng istadyum ay marami na ang mga estudyante na naroroon, ang ilan sa mga ito ay may mga kasamang guro at ang iba naman ay mga grupo ng estudyante na gusting masaksihan ng harapan ang magaganap na labanan sa pagitan ng Class 3 A laban sa Class 4 B.

Ang lahat nga ng naka-alam ng magaganap na laban ng dalawang seksyon ay nagkaroon na kaagad ng mga agam-agam, dahil ito sa malaki ang agwat ng karanasan ng mga nagmula sa Class 4 B. at kahit ang mga ito ay nasa ikalawang seksyon lamang ay hindi dapat maliitin ang seksyon na ito. Dahil ang mga nagmula sa Class 4 B ay ang mga pinaka-brutal sa larangan ng pakikipag-laban.

Samantala ang Class 3 A naman ay umu-ugong din ang pangalan dahil sa mga indibidwal na miyembro ng seksyon na ito, dahil dito nagmula ang kasalukuyang Kampion na si Tetsuya. Ang mga nasa Class 3 A ay hindi din dapat na maliitin, dahil marami sa mga ito ang mayroong tinataglay na talento. At sa kasalukuyan nga ay ang mga ito ay may pinaka-maraming nakamit na karangalan noong nakaraang taon.

Kaya naman sa pagkakataon na ito ay isang magandang simula ang paghaharap ng dalawang malakas na seksyon, at ito ang mga Third Year student na nabibilang sa Class A. at ang pinaka-kilalang seksyon dahil sa pagiging brutal ang mga nagmula sa Fourth Year Student na nabibilang sa Class B.

Ang laban ng dalawang halimaw na seksyon ay malapit ng magsimula, Ang Battle Of The Classes. Samantala si Shawn ay kasalukuyang kasama ang kaniyang mga kaibigan. Nang-galing sila sa Gymnasium at sa ngayon ay napag-pasyahan nilang magkakaibigan na pumunta ngayon sa Istadyum upang saksihan ang unang magaganap na laban.

At ito ay sa pagitan ng dalawang seksyon na binanggit kanina lamang, sa kanilang grupo ay napansin ni Shawn ang pagiging tahimik ng isa nilang kasama at ito ay si Akari. Si Akari nga makikitang tahimik habang sila ay naglalakad. Mukhang ito ay may malalim na ini-isip. Hindi na niya binigyan pa ng pansin si Akari at mas pinag-tuunan ang magaganap na labanan ngayon araw, at ito ay sa pagitan ng dalawang kilalang grupo sa loob ng akademya. At ito ay ang labanang Class 3 A at Class 4 B.

Samantala sa loob ng Istadyum ay kasalukuyang nag-iingay ang mga manonood dahil sa pagdating ng magkabilang panig. Ang dalawang seksyon na pinangungunahan ng dalawang indibidwal na kilala na dahil ang mga ito ay nagkaharap na noong nakaraang taon.

Si Tetsuya at ang kilala sa pangalang Dellio, ang lalake na nagtataglad ng elemento ng Lupa at sa kanilang lahat na nagmula sa Class 4 B. samantala makikita naman si Rev na nakatayo sa isang mataas na lugar lugar kung saan ay malinaw niyang nakikita ang labanan na magaganap sa pagitan ng dalawang seksyon.

Sa kaniyang nakalap na impormasyon patungkol sa dalawang panig na ito, at ang nalaman ni Rev ay ang dalawang panig na ito ay nagkaroon ng alitan dahil sa pagiging magkaribal ng namumuno sa mga ito. At ito ay sila Tetsuya At Dellio.

Nalaman niya na matinding kahihiyan ang idinulot ng pagkatalo ng buong Class 4 B dahil sa iisang tao lamang at ito ay si Tetsuya. Noong nakaraang taon ay gumawa ng malaking pangalan si Tetsuya at ito ay ang pabagsakin ng siya lamang mag-isa ang nuong Third Year Student na si Dellio kasama ang buong seksyon nito na Class 3 B noong nakaraang taon.

At ngayon na muli silang maghaharap ay malaki ang inaasahan ng lahat, dahil sa muling pagkakataon ay makakasaksi sila ng isang magandang laban sa pagsisimula pa lamang ng unang bahagi ng Sport's Festival.

Ang Grupo nila Shawn naman ay nakarating na sa bulwagan ng Istadyum at napansin nga nila kaagad ang maingay na hiyawan ng mga tao sa loob nito. Sila Shawn, Grey, Jay-ar, Lucy, Akari, Markus At Jarvis ay sama-sama na dumating sa Istadyum kung saan ay mapapanood nila ang labanan sa pagitan ng dalawang seksyon.

Si Akari nga ay mapapansin na nabalik sa kaniyang ulirat ng marinig ang malakas na hiyawan ng mga manonood. Ang kaniyang malalim na ini-isip ay nahinto dahil dito. At nagulat siya ng mayroong dumampi sa kaniyang balat na malakas na bugso ng hangin.

Samantala sila Shawn ay naalerto dahil sa malakas na bugso ng hangin na bumungad sa kanilang pagpasok sa loob ng istadyum. At ang grupo nga ni Shawn ay napatingin sa isang lalake na nakatayo sa gitna ng arena. Ang lalake na ito ay nababalutan ng berdeng aura at ang aura nito ay naglalabas ng malakas na bugso ng hangin.

Ang lalake na ito ay walang iba kundi si Tetsuya, si Shawn ay kilala na ito dahil madalas na niyang naririnig ang pangalan nito, mula sa kaniyang mga nakatatandang kaklase. At nalaman niya mula sa mga ito ang patungkol sa walang awa nitong pagpapabagsak sa isang buong seksyon ng nag-iisa lamang.

Nang marinig nga ni Shawn ang mga impormasyon na iyun mula sa kaniyang mga nakatatandang kaklase ay nakaramdam siya ng pagkatuwa ng malaman na mayroon palang tao na makakagawa ng ganung bagay ng ito lamang mag-isa.

Hindi niya lubos akalain na ang lalakeng ito mismo ang kasalukuyang kampion sa pasiklaban ng mga malalakas. Samantala ang grupo nila shawn ay naghanap ng magandang pwesto ng upuan. Ang paligid naman ng istadyum ay mayroong mga nakabantay na mga guro.

Ang mga guro na ito ang mag-sisilbing bantay sa loob at labas ng istadyum, ang mga guro nga ay hindi lamang nagbabantay sa mismong istadyum kundi pati rin sa labas ng akademya ay mayroong mga guro ang nagbabantay sa paligid. At dahil ang bawat guro ay mayroong koneksyon sa isat-isa, kaya naman madali lamang malalaman kung mayroong masamang mangyayari.

Samantala kasalukuyan naman na nasa malayong pwesto din si Ariana habang nanonood ng magaganap na unang bahagi ng Sport's Festival. Kasalukuyan siyang nasa Akademya upang gampanan ang kaniyang misyon at ito ay ang masigurado ang siguridad ng paaralan, habang ang mga estudyante ay ipinag-diriwang ang ikatong taon ng Sport's Festival.

Samantala sa malayong lugar naman ay makikita ang isang grupo ng mga nilalang, ang mga nilalang na ito ay kapwa nababalutan ng itim na enerhiya. Ang mga ito ay mayroong taas na sampung tamapakan at mayroong malalaking sungay. Ang mga ito ay kasalukuyang naglalakbay at ang mga ito ay kasalukuyang patungo sa isang lugar.

Dahil ang mga ito ay nakatanggap ng isang misyon mula sa nakatataas, at ito ay hanapin ang nawawalang prinsesa. Ang anak ng kanilang panginoon na si Lucifer....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon