Chapter CXLIII

45 15 0
                                    

Chapter CXLIII: Invincible

---

SA kasalukuyan ay binabaybay ni Shawn ang isang bahagi nang kalangitan kung saan niya nararamdaman ang pinagmumulan nang kakaibang amoy na kumakalat sa paligid, si Baal ay naalarma dahil sa biglang pagkilos nang isang indibidwal na hindi niya inasahan. At iyun ay walang iba kundi ang batang tagapagmana ni Hades.

Sa kaniyang palagay ay nagawa siyang mahanap nang batang ito, at susubukan nitong pigilan ang kaniyang gagawin. Samantala si Lucy ay kasalukuyan na nilapitan sila Akari at Grey, kaagad na sinabi ni Lucy ang mga binanggit sa kaniya ni Shawn kanina.

Nang marinig iyun nila Akari at Grey ay nakaramdam silang dalawa nang pag-aalala para sa kanilang kaibigan, si Grey naman ay kaagad na tinanong si Lucy kung bakit naririto ang mga ito. At nalinawan naman sila nang banggitin nito na kaya sila nandito dahil sa kanilang misyon, ang misyon na tapusin ang mga nilalang na pumapatay nang mga bata sa probinsya.

Nang maintindihan nang dalawa kung bakit nasa lugar na ito sila Lucy, ay kaagad naman na ipinaliwanag ni Akari kung bakit naman sila naroroon. Sinabi ni Akari ang lahat nang kaniyang nalalaman sa kanilang misyon, makikita naman sa mukha ni Lucy ang pagkagulat dahil ang dahilan kung bakit naririto ngayon ang mga ito.

Dahil pala iyun sa kakaibang enerhiya na nakapalibot sa kanilang paligid kanina, kaya naman nilingon ni Lucy ang kinaroroonan nila Jay-ar at Jarvis. Nilingon naman niya sila Akari at Grey at makahulugan na tiningnan ang mga ito, sila Grey ay kaagad na naunawaan ang mga tingin na iyun sa kanila ni Lucy.

Kanilang nabasa sa mga tingin nito ang pag-aalala sa kanila nang kaibigan, sa isang iglap ay biglang naglaho sa kanilang harapan si Lucy habang kasabay nun ay narinig nila ang salitang.

"Mag-iingat kayo!" sabi nito sa kanila nang sandaling ito ay maglaho sa kanilang harapan.

Samantala si Markus ay nanlaki ang mata nang kaniyang maramdaman ang enerhiya ni Lucy mula sa kaniyang likuran, ang diyablo naman na kaniyang kaharap ay nanlaki ang mata nang biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang pigura nang isang batang babae.

Makikita sa mukha ni Lucy ang isang ngiti habang ito ay nasa harapan ni Markus, ang buong katawan ni Lucy ay nababalutan nang taglay nitong enerhiya. Ang diyablo naman ay makikitang inihanda ang sarili sa gagawing atake nang batang ito, mula naman sa kinaroroonan ni Jay-ar ay makikita itong lumilipad patungo sa kaniyang kalaban.

Ang kalaban naman ni Jay-ar ay makikita na inis na inis sa kasalukuyan nitong sitwasyon, sapagkat sa kasalukuyan ay nagagawa siyang mapa-atras nang kaniyang kalaban na mga bata. at ang kaniyang pinaka-iinisan sa mga ito ay ang batang nagtataglay nang enerhiya nang kidlat, ang lakas at bilis na mayroon ito ay nagagawa siyang mapa-atras sa bawat pag-atake nito.

Hindi niya inakala na mayroong bata ang makakapag-paatras sa kaniya sa laban, at ang nakagawa noon ay isang batang mortal. Samantala sa kinaroroonan nila Markus ay makikita ang mabilis na suntok na tumama nang direkta sa mukha nito.

samantala makikita sa mukha ni markus ang pagkagulat nang kaniyang makita ang direktang atake na tinamo nang diyablo mula sa suntok na pinakawalan ni Lucy, ang malakas na suntok na iyun ay nagawang mapatilapon nito ang kalaban.

ang diyablo naman ay makikitang nanlaki ang mga mata nang tumama ang solidong atake nang batang babae sa kaniyang mukha, hindi niya inasahan na aatake ito nang ganun kabilis. hindi man lamang niya namalayan ang bilis nang atake na ginawa nito, kaya naman matapos niyang matanggap ang suntok na iyun ay kaagad itong bumangon at tumingin sa kinatatayuan nang babaeng iyun.

Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang kabilis na siya ay tinamaan nang atakeng iyun nang batang babae, hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya nang pagkabahala mula sa babaeng iyun. animo'y ang batang ito ay sinisindak siya nang direkta gamit ang taglay nitong enerhiya.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon