Chapter CXLIX: Disturb
---
ANG kalangitan ay nababalutan pa din nang kadiliman, ang mga tao na naninirahan sa malawak na sakop nang madilim na kalangitan ay napilitan nang magsilikas. Dahil sa kasalukuyan ay inanunsyo na nang mga namamahala sa lugar na kinakailangan nilang lumikas, dahil mayroon umanong namataan na higanteng diyablo sa itaas nang bundok kani-kanina lamang.
Samantala nakarating na sa gobernador nang probinsya ang kasalukuyang nagaganap sa bahaging iyun nang kaniyang nasasakupan na probinsya, hindi siya makapaniwala na mayroong mga ganung nilalang ang lilitaw sa kanilang lugar. Ang paglitaw nang ganung nilalang sa kanilang lugar ay napakabihira lamang na maganap sa loob nang isang taon.
Ang ganito kalaking problema ay hindi nila inasahan na mangyayari sa kanilang lugar, dahil ang alam lamang nila ay ang halimaw na umaatake sa mga bata ang misyon nang mga batang mandirigma na kanilang pinapasok sa kanilang lugar. Subalit sa kasalukuyang nagaganap ang pwersa nang mga kalaban ay higit sa kanilang inasahan, dahil ang malakas na alarma sa palibot nang lugar na iyun ay nagbibigay nang kakaibang signal.
at ang signal na iyun ay ang nagpapa-alam kung gaano kapanganib ang mga nilalang na lilitaw na lamang mula sa paligid kung saan nakalagay ang mga signal na iyun, sa madaling salita ang malaking nilalang na nakita kanina sa bundok ay isang malakas na nilalang. at dahil ang halimaw na iyun ay naglaho na sa madaling salita ang nilalang na iyun ay napabagsak na.
Samantala ang buong akademya ay nalaman na ang balita patungkol sa kasalukuyang nagaganap na labanan sa probinsya nang Nueva Ecija, ang mga nakaka-alam nang lugar na iyun ay hindi makapaniwala sa naganap na sakuna sa lugar.
Ang ganung kalaking kaguluhan sa ganuong lugar ay napakadalang lamang sa loob nang isang taon, at ang karamihan sa mga iyun ay mga aksidente na kagagawan nang mga mahihinang diyablo.
Si Caleb naman ay kasalukuyan na ipinapaliwanag ang mga impormasyon na kaniyang nalalaman sa kaniyang mga kamag-aral, at ang impormasyon na kaniyang nalalaman ay sila Lucy at Shawn ay ipinadala sa probinsyang iyun para sa isang mahalagang misyon. At sa kaniyang palagay ay ang misyon na iyun ay naging mas malaking problema kaysa sa kanilang inasahan.
Ang mga kamag-aral naman niya ay nakaramdam nang kaunting pag-aalala kila Lucy at Shawn, sa kabila nang kanilang paglayo sa dalawang iyun dahil sa mga impormasyon na kanilang nalaman sa totoong pinanggalingan ni Lucy. ay nagmamalasakit parin sila sa mga ito, lalong lalo na kay Shawn dahil ito lang naman ang nakagawang mapa-atras ang mga demon general sa pamamagitan nang kapangyarihan nang mismong divine beast nito.
Samantala sa labas naman nang silid nang Special Class ay makikita si Yoki na nakangisi, habang kaniyang naririnig mula sa labi ni Caleb ang mga salita na kaniyang inaasahan na magmumula dito. Hindi niya nagustuhan ang inasal nang kaniyang mga estudyante sa grupo nila Shawn at Lucy, ang malaman nga naman na ang isa sa inyo ay mayroong dugo nang isang diyablo.
Ay marahil ay lalayuan talaga ito, dahil sa takot na kung anong maaaring gawin nito sa kanila, kapag ang mga ito ay nakatalikod na. Natatakot sila na baka sa bandang huli ay patayin sila ni Lucy, dahil ito ay anak mismo nang diyos nang mga diyablo na si Lucifer.
Samantala ang mga estudyante naman mula sa Section A, ay makikitaan nang pareparehong ekpresyon at ang ekspresyon na iyun ay pagkabigla. Pagkabigla dahil sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap nang mga estudyante na minsan na din na naging bahagi nang kanilang seksyon.
Si Scarlet nga na kasalukuyang namumuno sa kanilang seksyon ay kapansin pansin na napakuyom na lamang ang mga kamao nito, dahil sa nalaman na balita mula sa kasalukuyang kaganapan nila Lucy at Shawn. Ang grupo nang mga ito ay ang mga nagpabagsak sa kaniyang grupo, hindi siya makapaniwala na ganito na kalayo ang agwat nang lakas nang mga ito sa kaniya.
Lalo na si Shawn dahil ito ang bukod tanging ninais niyang mapabagsak sa grupo nito, dahil si Shawn ang kauna-unahang tao na hindi siya tiningnan bilang isang nagmula sa mataas na antas nang pamilya. at itinuring lamang siya nito bilang isang mandirigma.
Samantala ang labanan na nagaganap sa pagitan nila Shawn, Baal at Alicia ay patuloy pa rin ang kanilang palibot ay nababalutan na nang mainit na temperatura. Dahilan upang ang hangin na kanilang nalalanghap sa kasalukuyan ay unti-unti nang numi-nipis habang ito ay tumatagal.
Sa kasalukuyan ay makikita si Baal na nahihirapan nang makipagsabayan sa bawat pag-atake na pinakakawaan nila Shawn at Alicia, ang kaniyang makahulugang ngisi kanina ay napalitan na nang-inis. Dahil ang dalawa niyang kalaban ay nagagawa na siyang pahirapan sa pagkakataon na ito, at ang ganitong kaganapan sa kaniyang buhay ay minsan lamang nito maranasan.
Ang kaniyang nararamdaman na inis sa kasalukuyan ay hindi na niya lamang pinansin pa, at ang kaniyang enerhiya na tinataglay ay kaniya pang mas pinagtibay pa. Nang kaniya iyung gawin ay bigla na lamang napa-atras sila Shawn at Alicia, sapagkat naramdaman nang dalawa ang biglang pagbabago nang enerhiya mula sa katawan nang kanilang kalaban.
Si Edrian na kanina pa pinag-mamasdan ang laban ay naalarma dahil sa biglang pagbabago nang enerhiya na pumapalibot sa kalaban, nakaramdam siya nang matinding panganib ngayon sa kalaban na ito. Samantala si Shawn naman ay inihanda ang kaniyang sarili sa mga maaaring mangyari ano mang sandali mula ngayon.
Dahil ang pagbabago nang taglay na enerhiya nang kalaban ay marahil ay hudyat nang paggamit nito nang ibang abilidad na ipinakita nito sa kanila kanina, kailangan nilang mag-ingat dahil maaaring ang susunod na abilidad na ilalabas nito ay mas malakas nang hamak kaysa sa kasalukuyang ipinapamalas na lakas nito.
Samantala si Baal naman ay makikitang seryoso habang kaniyang inilalabas ang enerhiya sa kaniyang katawan, seryoso ito dahil ngayon niya lamang muling magagamit ang abilidad na ito ang abilidad ito ay isa sa kaniyang mga paborito dahil ang abilidad na ito ay malaki ang naitutulong sa kaniya sa isang labanan.
Lalong lalo na dahil ang kaniyang mga nilalabanan ay mga hindi pangkaraniwan na mga bata, samantala sa ilalim naman nang lupa ay mayroong malaking nilalang ang mabilis na gumagalaw. Ang halimaw na ito ay tila ba balisa na animo'y mayroong pumasok sa kaniyang teretoryo, ang halimaw ay mabilis na binabaybay ang isang malaking lagusan.
Kung saan naroroon ang isang malaking butas na nag-uugnay sa bundok na nasa itaas nang kaniyang tinitirhang kweba, ang malaking butas na iyun ay isang uri nang portal na nagkokonekta sa kaniya mula sa ilalim nang mundo hanggang sa ibabaw nito. Kung saan naninirahan ang mga ordinaryong mga tao.
ANg halimaw ay mabilis na binabaybay ang lokasyon kung saan naroroon ang lagusan, upang magawang makalayo sa nilalang na pumasok sa kaniyang kweba na kinaroroonan. samantala sa kasalukuyan ang nakangising ekspresyon sa mukha nila Ariana at Rev ay napalitan nang pagkabahala nang kanilang maramdaman ang kakaibang enerhiya mula sa ilalim nang lupa.
Naalarma sila dahil ang enerhiya na nagmumula roon ay palakas nang palakas habang tumatagal, samantala si Shawn ay naalarma nang kaniyang maramdaman ang malakas na enerhiya mula sa ilalim nang lupa.
Sa kaniyang palagay ay mayroong hindi magandang mangyayari sa kasalukuyan, sa pwesto naman nila Lucy ay makikita sa mukha ni Markus ang pagkabahala. dahil kagaya ni Shawn ay naramdaman din niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa ilalim nang lupa, hindi nito alam kung ano ang dahilan kung bakit mayroong enerhiya ang mabilis na umaakyat patungo sa ibabaw nang bundok.
Nararamdaman ito ni Markus sapagkat isa ito sa mga abilidad na mayroon ang mga nagtataglay nang elemento nang lupa...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AventuraLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...