Chapter CXXXVIII: Collection
---
SA kasalukuyan makikita ang mainit na laban sa pagitan nila Shawn at Lucy laban sa higanteng diyablo, ang kaninang sitwasyon nang laban ay mabilis na nagbago dahil sa unti-unting pagbilis nang mg atake nang kalaban.
Halos ang ginagawa na nga lamang nang dalawa ay ang umiwas sa mga atake na ginagawa nang kalaban, tila ba habang tumatagal ang laban ay mas nakakabisado nang kanilang kalaban ang kanilang mga galaw. Dahil halos lahat nang kanilang pupuntahang direksyon ay mabilis lamang nitong nasusundan nang malakas na suntok, hindi maiwasan nang dalawa na mainis sa kasalukuyan nilang kalagayan.
Hindi sila pwede na manatili sa ganitong sitwasyon, kailangan ay mayroon silang gawin para mapuruhan ang higanteng ito. Samantala sa labas naman nang Energy Waves ay makikita sila Grey na kasalukuyan na nakatayo lamang sa himpapawid, habang ang mga ito ay nakatingin sa malawak na espasyo nang Energy Waves na iyun.
Malinaw pa rin nilang nararamdaman mula sa loob nito ang presensya nila Lucy at Shawn, naipaalam na din nila iyun sa mga nakatataas. Nang malaman nga nang mga nakatataas na nasa loob mismo nang Energy Waves na iyun sila Lucy at Shawn ay kaagad silang sinabihan nang mga ito, na huwag aalisin ang paningin sa mga ito.
Dahil ano mang sandali ay maaaring magtagumpay ang mga kalaban na makuha si Lucy, kaya naman kailangan nilang siguraduhin ang kanilang mga gagawin na hakbang magmula ngayon. Si Grey ay nabaling ang tingin sa dalawang diyablo na nasa itaas nang Energy Waves na iyun, hindi nila alam kung bakit naroroon ang dalawang iyun.
Ang tangi lamang nilang alam sa ngayon ay balak silang pigilan nang mga ito na makalapit kila Lucy At Shawn, samantala sa loob naman nang Energy Waves ay kasalukuyan na kumikilos nang sabay sila Lucy at Shawn.
Sa bawat pagpunta nang dalawa sa magkabilang direksyon nang kalaban ay sabay silang nagpapakawala nang mga malalaking atake, si Shawn ay nagpapalabas nang mga Fire Ball sa higanteng kalaban. Habang si Lucy naman ay nagpapakawala kaniyang Phantom Lightning Snake, dahil sa mga atake na pinapakawalan nang dalawa ay nagkakaroon nang malakas na pagsabog sa loob nang Energy Waves na iyun.
Samantala si Baal naman ay kasalukuyan na nakikita niya ang pagbabago sa labanan sa pagitan nila Shawn at Lucy laban sa kaniyang higanteng alagad, natutuwa siya sa ipinapakita nang dalawang ito mukhang ang naisip na paraan nang dalawang ito ay ang umatake nang sabay sa magkabilang direksyon nang kaniyang alagad.
Mukhang dahil doon ay mas makakakita siya nang napaka gandang laban na magaganap sa labanan na ito, samantala habang siya ay natutuwa sa ipinapakita nang dalawang bata ay nakaramdam naman siya nang pagka-inis sa dalawang diyablo na nasa labas nang kaniyang Energy Wave.
Hindi niya alam kung ano ang pakay nang dalawang ito, pero ang ginagawang pakiki-alam nang mga ito ay hindi niya nagugustuhan. Dahil kaniya ding binabalak na makakuha nang kaunting parte nang kapangyarihan nang mga batang iyun, samantala ang dalawang diyablo ay kasalukuyan na nag-iisip nang hakbang na kanilang gagawin.
Alam nila na hindi sila pwedeng kumilos nang basta basta sa mundong ito, hindi nila pwedeng gamitin nang buo ang kanilang pwersa sa mundong ito. Dahil limitado lamang ang kanilang kagamitan at itatagal sa mundong ito.
Lumipas ang ilang minuto ay sunod sunod ang mga nagaganap na pagsabog sa loob nang Energy Waves, samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na seryosong nakatingin sa kanilang kalaban habang kaniyang nakikita na tinatamaan nang kanilang mga atake ang kalaban.
Malinaw niyang nakikita na mabilis na naghihilom ang mga sugat nang kalaban, subalit kaniyang napansin na mayroong parte nang sugat nang kalaban ang hindi kaagad gumagaling. Dahil doon ay mas lalo siyang napaseryoso dahil mukhang iyun ang magsisilbing kahinaan nang kanilang kalaban.
Samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na nagpakawala nang malalakas na atake sa kanilang kalaban, siya ay nakaramdam nang kasiyahan dahil sa kaniyang nararanasan sa kasalukuyan. Nakakaramdam na siya nang kaunting pagod, subalit sa kabila nang pagod na kaniyang nararamdaman ay mas namayani sa kaniya ang kasiyahan na nararamdaman.
Kaya naman mas nagpakawala pa siya nang mas malalakas na atake, hindi niya alam kung bakit niya nararamdam ito sa kasalukuyan. Ang kaniyang kasalukuyang nararamdam ay mas lalong nagbibigay sa kaniya nang kakaibang lakas.
Samantala sa ibaba naman nang bundok kung saan naroroon sila Shawn, ay makikita si Jack na kasalukuyan na nakatayo sa ibabang bahagi nang bundok. Kasalukuyan itong nakatingala habang kaniyang pinakikiramdaman ang presensya nila Shawn at Lucy, malinaw niyang nararamdaman ang presensya nang dalawa sa misteryosong enerhiya na nakapalibot sa isang bahagi nang bundok na iyun.
Sa kabila nang pagiging malinaw nang presensya nila Lucy at Shawn sa kaniyang pandama, ay mas naaalrma si Jack sa napakalakas na enerhiya na nagmumula din sa lugar kung saan naroroon ang dalawang iyun. Hindi niya alam kung bakit napaka-rahas nang enerhiya na inilalabas nang mga nasa itaas nang bundok na iyun.
Ang mga indibidwal na nasa bahaging iyun nang bundok ay nasa ibang lebel ang lakas na tinataglay, hindi nga niya alam kung bakit ba siya nasa lugar na iyun. Dahil ang kasalukuyang nagaganap sa itaas nang bundok na iyun, ay hindi niya magagawang pigilan kung magkataon man na may mas malalang mangyari maya maya.
Samantala sa himpapawid naman ay kasalukuyan na napataas ang kilay nang isa sa dalawang diyablo na nasa itaas nang energy waves, sapagkat mayroon siyang naramdaman na pamilyar na presensya sa paligid. Hindi niya alam kung paano nangyari na naririto ang taong iyun, hindi siya maaaring magkamali ang batang iyun ay kasalukuyan na naroroon sa ibaba nang bundok.
Hindi niya alam kung bakit naroroon ang batang iyun, subalit hindi niya dapat hayaan na makita ito nang kaniyang kasama. Dahil tiyak na malalagot siya sa kaniyang panginoon kapag nalaman nito na hindi niya pinaslang ang anak nang mag-asawang iyun.
Ang anak nang mag-asawang Rodel at Daisy, ang batang si Jack na kaniyang iniwan habang ito ay nag-aagaw buhay na. Habang kanilang bitbit ang isang batang babae, at ang babaeng iyun ay ang nakababatang kapatid nito.
Samantala sila Grey ay kasalukuyan na nagtabi-tabi at kaagad na nag-usap usap, kailangan nilang makagawa nang paraan para mapasok ang energy waves na iyun. Dahil alam nila na hindi lamang ang higanteng iyun ang malakas na nilalang na nasa loob noon, dahil naroroon din sa loob nito ang mismong gumawa nang Energy Waves na iyun...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...