Chapter XLVIII: Combined Aura
---
ANG kinaroroonan ni Shawn ay nababalutan ng makapal na usok matapos magkaroon ng sunod-sunod na pagsabog sa kinaroroonan nito, ang imahe naman ng mga ahas ay unti unting naglalaho kasabay ng pagtama nito sa kinaroroonan ng mga pagsabog.
Makikita nga ang gulat na gulat na mukha ng mga naroroon, hindi nila akalain na magpapakawala ng ganun na uri ng pag-atake si Lucy. Si Caleb nga ay nag-alala sa maaaring laki ng pinsala na nagawa sa lugar ng atake na iyun ni Lucy.
Habang si Ariana naman ay makikitang nakangiti at tila ba may pinag-iisipan, habang siya ay nakatutok sa laban na ipinapakita ng batang si Lucy. Sa loob nga ng Training Ground ay makikita ag makapal na usok na dulot ng mga atake na pinakawalan ni Lucy.
Samantala sa gitna ng makapal na usok ay makikita ang nakabulagtang si Shawn, kasalukuyan itong mayroong malay at ini-inda ang kaniyang mga natamong pinsala. Nagpabaya siya sa pagkakataon na ito. Hindi niya akalain naa ganun ka-seryoso si Lucy na labanan siya.
At hindi niya inasahan na ganito pala katindi ang magiging epekto sa kaniya ng atake nito, kahit na mas mataas na porsyento nan g Aura Skin ng kaniyang nagagamit ay mukhang hindi iyun sapat para tumbasan ang lakas na mayroon si Lucy.
Samantala si Yoki ay maingat na pinakikiramdaman ang presensya na mayroon ang dalawang bata na naglalaban. Habang napapanood niya kung paano labanan ng mga ito ang isat-isa ay kasabay din noon ay ang pagdama niya sa taglay na enerhiya ng mga ito.
At napatingin siya sa kaniyang estudyante na si Caleb ng maramdaman niya ang enerhiya ng dalawang bata. Ang batang si Shawn ay nagawa ng pukawin ang sampung porsyento ng lakas ng Aura skin. Habang si Lucy ay napukaw na ang limang porsyento ng aura skin.
At hindi makapaniwala si Yoki dahil sa lakas na tinataglay ni Lucy kahit na nasa limang porsyento pa lamang ng aura skin ang nagagamit nito ay sapat na upang tapatan ang lakas ng isang nakakagamit ng sampung porsyento ng Aura Skin.
Samantala ang makapal na usok na bumalot sa kinaroroonan ni Shawn ay tuluyan ng naglaho, at bumungad sa kanilang harapan ang kasalukuyang tumatayo na si Shawn, habang makikita ang sira-sira na nitong damit na nasira ng sunod sunod na atake ni Lucy.
Makikita naman sa katawan ni Shawn ang mga mapupulang bakas ng sugat, na ikinagulat ng mga nakakita ng kaniyang natamong pinsala. Samantala si Grey ay nag-alala sa kasalukuyang kalagayan ni Shawn. Ngayon niya lamang nakita ito na makatanggap ng ganito kalalang pinsala.
Nagawang malapnos ng mga atake na iyun ang katawan ni Shawn, at kahit nga si Shawn ay nakakagamit na nang sampung porsyento ng kaniyang Aura Skin ay hindi iyun sapat upang sanggahin ang atake na iyun ni Lucy.
Ganun pa man ay namangha ang lahat ng maramdaman nila ang kakaibang presensya na inilalabas ni Shawn. Kasalukuyan nga ay makikita si Shawn na tumatayo habang ito ay makikitaan ng madilim na ekspresyon.
At sa isipan nga ni Shawn ay bigla na lamang bumalik sa kaniyang isipan ang sinabi sa kaniya ng lalake na nagpakilala sa kaniyang Hades na nagbigay ng kaniyang kapangyarihan ay naalala niya ang huling binanggit nito. At iyun ay Huwag Siyang Magpapatalo.
Sa kasalukuyan nga ay makikita si Shawn na nababalutan ng Asul at Itim na liwanag, ang lahat ay nagulat dahil sa kakaibang binabalak na gawin ni Shawn. Ang katawan ni Shawn ay bigla na lamang naglabas ng magkaibang uri ng Aura.
At ang mga aura na ito ay ang kaniyang Asul na Aura na malimit niya noon na gamitin dahil ito ang kaniyang natural na pinagmumulan ng kaniyang enerhiya. Habang ang itim na Aura naman ay ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa Black Mist.
Sa Hindi niya malaman na dahilan ang dalawang uri ng Aura na mayroon si Shawn ay nagbabadyang magsama. Si Lucy nga ay naalerto dahil sa kakaibang nangyayari sa katawan ni Shawn. Hindi maganda ang kaniyang kutob dahil dito.
Kaniyang ikinatuwa ang kaniyag nagawang pinsala kanina, subalit mukhang mababalewala lamang iyun kapag natapos na ang kakaibang nangyayari sa katawan ng kaniyang kalaban. Samantala sa loob ng katawan ni Shawn ay makikita ang kakaibang asul na enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan.
Ang asul na enerhiya na ito ay mabilis na dumadaloy sa kaniyang natural na asul na enerhiya, at ng sandaling humalo na ito sa kaniyang sisidlan ay may kakaibang pwersa ang unti-unting nagigising sa kaniyang katawan.
Samantala sa kaniyang kaloob-looban ay makikita ang pigura ng isang lalake, ang lalake na ito ay mayroong nagliliyab na ulo at nagliliwanag na mga mata. Kasalukuyan itong nanonood ng nagaganap na laban ng kaniyang tagapag-mana.
At hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasasak-sihan, hindi niya lubos akalain na sa dinami-rami ng makakalaban ng kaniyang tagapag-mana ay may pagkakatulad ng taglay na kapangyarihan ng isang nilalang na minsan na niyang nakalaban.
At ito ay si Lucifer na sa kaniyang pagkaka-alam ay ang kasalukuyang Demon god, at pinaka-sinusunod ng lahat ng diyablo na umaatake ngayon sa sangkatauhan.
"GRRRH!"
Maririnig ang atungal ng kaniyang alaga sa kaniyang likuran, at batid niya na nasasaksihan nito ang kasalukuyang sitwasyon ng batang tagapag-mana. Batid na ng nilalang na ito na hindi magtatagal ay magkikita na sila ng batang ito. Subalit sa kasalukuyang panahon ay mag-tyaga na muna ito na Makita ito sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
Samantala ang lahat nang nakakita nang nagaganap na pagsasanib ng taglay na Aura ni Shawn ay makikitang naguguluhan sa mga nangyayari, hindi nila maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito. Ang batang si Shawn ay nagtataglay ng dalawang uri ng Aura Skin.
At sa kasalukuyang nagaganap na pagsasanib na ito ay mayroong panibagong Aura Skin ang tataglayin ng batang si Shawn. Samantala si Shawn ay kasalukuyang inilalabas ang kaniyang buong lakas. Kaniyang nararamdaman ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan.
Hindi niya dapat biguin ang nilalang na nagbigay sa kaniyang ng kapangyarihan, hindi niya ito nais na sayangin at matalo lamang. Gagawin niya ang lahat upang kaniyang matuklasan ang kaniyang mga kakayahan.
Ang buong paligid nga ni Shawn ay nababalutan ng magkaibang kulay ng Aura, ang kaniyang Itim na Aura at Asul na Aura ay nagmi-mistulang alon ng enerhiya. At ang mga naroroon nga ay nakakaramdam ng mabigat na presensya na nagmumula kay Shawn.
Sila Rev at Ariana nga ay makikitang nagulat dahil sa lumabas na resulta ng nagsasanib na aura ng batang si Shawn. Hindi ito gumawa ng panibagong kulay ng aura. Ito ay gumawa ng mas malakas na uri pa nito. At ito ay ang Combined Aura Skin. At ang technique na ito ay ginagawa ng dalawang tao na may maraming karanasan at may malawak ng pinagsamahan.
Hindi inaakala nila Ariana at Rev na makakakita sila ng ganitong pamamaraan, lalong lalo na sa isang bata na nagtataglay ng dalawang uri ng Aura. Si Yoki naman ay nakaramdam ng matinding panganib dahil sa paglitaw ng bagong kakayahan ng batang nagtataglay ng Asul na Apoy.
Ang mga estudyante naman na naroroon ay hindi na nag-atubili na umalis sa loob ng Training ground dahil nagiging delikado na ang lugar na iyun para sa kanila. Habang ang grupo nila Grey ay nanatili lamang na nakatayo sa loob noon at harapan na pinanonood ang laban na nagaganap ng kanilang mga kaibigan.
Si Lucy nga ay muling makikitaan ng makahulugang ngiti, at ang ngiti na ito ay hindi malalaman kung ngiti nga ba nang kasiyahan o hindi. Dahil sa pagkakataon na ito ay mas lumakas pa ang inilalabas nitong aura. At sa kasalukuyan ay ang kinatatayuan ng dalawa ay nagkakaroon na ng mga bitak dahil sa pinapakawalan nilang enerhiya....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...