Chapter LXIX: Threat
---
SA loob ng battle field kung saan naroroon ang tatlong indibidwal na sila Shawn, Lucy at Secre, sa kasalukuyan ay magkatabi ang magkaibigan na sila Shawn at Lucy habang sa harapan ng dalawa ay makikita si Secre na kasalukuyan ay nakahanda habang pinagmamasdan ang dalawa nitong kalaban at pinaghahandaan ang mga pagkilos na gagawin ng kaniyang mga kalaban.
Sa kasalukuyan ay naghahanda sila Lucy at Shawn ng kanilang plano na pag-atake sa kanilang kalaban, at sa kasalukuyan ay nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng isipan ng isat-isa. Ang dalawa ay nagkakausap sa pamamagitan ng kanilang mga isipan at ang pamamaraan na ito ay kanilang natutunan noong sila ay sinanay ni Yoki ilang linggo na ang lumipas.
At wala pang isang linggo ay nagawa na kaagad ng mga ito na magka-intindihan, at Malaya silang nakakapag-usap sa pamamagitan ng kanilang mga isipan. Ang pamamaraan na ito ay tinatawag ng marami bilang Telephatic Ability na tinataglay ng mga especial na tao na kapwa nagtataglay ng mga especial na kapangyarihan at ang ganitong abilidad ay natural lamang sa lahat ng mga God's Children.
Subalit ang pagsasanay na pinagdaanan nilang dalawa ay kakaiba kaysa sa normal na Telephatic Ability, dahil ang kakayahan nilang ito ay pwede nilang magamit kahit na napakalayo nilang dalawa sa isat-isa. Hindi kagaya ng iba na nagagawa lamang magamit ang ganitong abilidad kapag magkatabi lamang sila ng kasama nitong gumagamit ng ganitong abilidad.
Silang dalawa nga ay mabilis na nakagawa ng mga estratihiya sa pamamagitan ng kanilang pag-uusap sa kanilang isipan, at ang dalawa nga ay kaagad na inihanda ang kani-kanilang sarili para sa kanilang gagawin na pag-atake. Si Secre naman ay naalarma ng magsimula ng maghanda ang kaniyang mga kalaban, kaya naman ang kaniyang pinakakawalang enerhiya ay mas lalo niyang nilakasan dahilan para ang kaniyang katawan ay mas lalo pang magliyab.
Ang kaniyang mga matatalas na kuko at ang kaniyang matalas na mga mata ay mas lalo pang nagliwanag, at ng mga sandali ngang iyun ang kaniyang katawan ay mabilis na naglaho sa kaniyang kinatatayuan. Samantala sila Shawn at Lucy ay kaagad na napatingin sa kanilang paligid at sa pamamagitan ng kanilang pag-uusap sa kanilang isipan ay hindi na nila kailangan pa na magsalita, bagkus ay kapwa ang mga ito ay itinuon ang sarili para hanapin ang kanilang kalaban.
At maya maya pa ay nakarinig ang dalawa ng mahinang tunog sa kanilang paligid at dahil sa tunog na iyon ay makikita ang mabilis na pagkilos ng dalawa at ang kaniyang mga katawan nga ay naglaban ng malakas na enerhiya, at ang enerhiya ng dalawa ay mabilis na kumalat sa kanilang paligid.
Ang buong battle field na kanilang kinaroroonan ay nabalutan ng boltahe ng kidlat at ng nagliliyab na asul na apoy, at nang kumalat ang dalawang uri ng elemento sa paligid ay bigla na lamang lumitaw sa harapan nila Shawn at Lucy ang kanilang kalaban na makikitang gulat na gulat.
Sila Shawn at Lucy ay makikitang nakangiti dahil tama ang kanilang hinala, kayang pigilan ng kanilang ginawang force field ang pagkilos ng kanilang kalaban. At sa pamamagitan ng kanilang enerhiya ay nagawa nila ang force field na magagawang maparalisa ang kanilang kalaban kahit na ito ay napakabilis pa.
Si Secre ay makikita na naguguluhan sa nangyari, hindi niya akalain na magagawa siyang hulihin ng dalawang ito ng ganun kadali. At hindi siya makapaniwala na ang kaniyang mga kalaban ay mayroong ganitong uri ng Combination Technique.
Sila Lucy at Shawn nga ay mabilis na gumawa ng kanilang susunod na gagawin at iyun ay ang balak nila na pabagsakin ng sabay ang kanilang kalaban, samantala kasalukuyan naman na hindi makapaniwala sila Ariana, Rev at Yoki.
Hindi makapaniwala ang mga ito dahil sa teamwork na mayroon sila Shawn at Lucy, nakagawa ng paraan ang dalawang ito sa maiksing panahon lamang. At nagawa ng mga ito na pigilan ang napakabilis na pagkilos ng kanilang kalaban.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...