Chapter CLV
Finishing A Work
Ang grupo nila Rev at Alicia ay muling nagsama-sama, kapwa na mababakas sa kanilang mga mukha ang gahid nang gulat dahil sa kanilang natuklasan.
At iyun ay ang posibleng kahinaan na mayroon ang higanteng halimaw, sa kasalukuyan ay walang tigil padin na pinapataaman nang bola nang enerhiya nang grupo nila Jay-ar ang halimaw.
Hindi parin nagpapatinag ang halimaw sa kabila nang mga atake na tinatamo nito, dahil sa pagbabanggan nang mga pwersa na mula sa dalawang panig ay nagkakaroon nang malakas na bugso nang hangin sa paligid.
Dahil sa malakas na bugso nang hangin ay napatingin na lamang ang grupo nila Shawn sa higanteng halimaw, dahil ang pinapakawalang pwersa nang halimaw ay mas lumalakas habang tumatagal.
Samantala sa mundo nang mga diyablo ay napabangon si Baal mula sa lupa na kaniyang kinahihigaan, siya ay nagising dahil sa pamilyar na atmospera sa buong paligid, at nang sandaling siya ay magising ay bumungad sa kaniya ang pamilyar na kapaligiran.
Hindi siya makapaniwala na ang kaniyang munting kapababaya ay malaki ang mawawala sa kaniya, ang kaniyang pinagmamalaking bagay ay nagawang masira nang batang iyun, hindi Niya alam Ngayon kung paano Niya harapin ang kaniyang panginoon dahil sa nangyaring ito.
maaari siyang maparusahan dahil sa nangyaring iyun, sapagkat ang bagay na iyun ay niregalo pa sa kaniya nang walang iba kundi si Lucifer.
Kaya naman mababakas sa kaniyang mukha ang kilabot, dahil sa buong buhay Niya ay hindi pa niya naranasan na mapagalitan nang kaniyang panginoon.
maaari siyang maparusahan dahil sa nangyaring iyun, sapagkat ang bagay na iyun ay niregalo pa sa kaniya nang walang iba kundi si Lucifer.
Kaya naman mababakas sa kaniyang mukha ang kilabot, dahil sa buong buhay Niya ay hindi pa niya naranasan na mapagalitan nang kaniyang panginoon.
Ang bagay na iyun ay isa sa mga importanteng gamit nito, na nagmula pa sa kauna unahang henerasyon nang mga Diyablo.
Samantala sa palasyo naman kung saan nagpupulong ang mga demon general, at ang Demon King na si Satan ay naramdaman nila ang enerhiya ni Baal.
Naramdaman nila nang malinaw ang presensya na taglay nito, at nagtaka Sila dahil ang ganun kalakas na presensya ay hindi ugaling ilabas ni Baal kung hindi naman kailangan.
Si Satan ay makahulugang nakatingin sa kaniyang mga heneral, kung hindi siya nagkakamali maaaring napapasabak Ngayon si Baal sa isang laban. Dahilan upang ang taglay nitong presensya ay maramdaman hanggang sa palasyo kahit na ito ay nasa malayong parte nang Mundo.
Kaagad na naglaho sa silid ang mga heneral, upang puntahan kung saan nagmumula ang malakas na presensya ni Baal.
Samantala sa kanilang dako nang Demon World ay naramdaman nang grupo ni Astaroth ang presensya ni Baal, nang kaniyang maramdaman ang presensya nito ay kaagad na nawala sa kaniyang mukha ang Galit.
Sa likuran ni Astaroth ay makikita ang kaniyang dalawang alagad na kasalukuyan na naliligo sa sarili nilang mga dugo, dulot nang mga maliliit na sugar na natamo nang mga ito sa hawak na latigo ni Astaroth.
Sa kasalukuyan ay kaniyang pinahihirapan ang kaniyang mga tauhan dahil sa kanilang kapalpakan, ang kaniyang simpleng ipinag-uutos ay hindi nagawa nang mga ito kanina.
Pero sa kabila nang kabiguan na ginawa sa kaniya nang mga ito, ay hindi niya papaslangin ang dalawang ito. Dahil mapapakinabangan parin naman niya ang mga ito.
Pero sa susunod na pumalpak muli ang mga ito ay Doon niya natitiyak na papaslangin na niya ang mga ito nang walang pag-aalinlangan.
Sa kasalukuyan ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa malakas na presensya na kaniyang nararamdam, hindi siya maaaring magkamali sa presensya na iyun.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...