Chapter CXVIII

73 16 0
                                    

Chapter CXVIII: After Three Months

---

LUMIPAS ang tatlong buwan mula nang maganap ang malawakang pagsalakay nang mga Diyablo, ay sa wakas ay bumalik na ang kapayapaan sa loob nang akademya. Sa kasalukuyan ay magkakasama ang magkakaibigan na sila Shawn, Lucy, Grey, Jay-ar, Akari, Markus at Jarvis, ang mga ito ay sama sama na patungo sa kanilang klase at nagkataon na sila ay nagkasa-lubong papasok.

Kanina pa nga nila napapansin na masama ang tingin nang mga nakakasalubong nila sa kanilang kaibigan na sila Lucy at Shawn, marahil ay dahil iyun sa naganap tatlong buwan na ang nakakaraan. Tumatak na iyun sa lahat dahil pagkatapos nang kaganapan na iyun ay umamin si Lucy na siya ang pakay nang mga iyun, nang marinig nga iyun naman mga kapwa nila estudyante ay kaagad na mayroon ang nagalit kay Lucy at marami din naman na walang pakealam at umalis na lamang nang araw na iyun.

Samantala si Lucy naman ay hindi na pinapansin ang mga ito, bagkus ay mas pinag-tuunan na lamang niya ang sinabi sa kaniya ni nila Rev at Alicia. At iyun ay huwag nang pansinin pa ang mga ito dahil mas importante ang desisyon nang mga nakatataas kaysa sa pananaw nang ibang mga estudyante.

Sa lumipas na tatlong buwan naman ay marami ang nagbago sa buhay ni Shawn sa loob nang akademya, sa kasalukuyan ay siya ay sumasa-ilalim sa matinding pagsasanay mula kay Rev blaziwart. Sa kasalukuyan ay tumatayo ito bilang kaniyang guro sa pamamagitan nang pag-gamit nang apoy, at sa paglipas nang ilang buwan nang pagtuturo nito ay malaki na ang itinaas nang kaniyang kakayahan sa paggamit nang apoy.

Noong unang linggo nga ay hindi masyadong nahirapan si Shawn sapagkat ang mga paraan na itinuturo sa kaniya ni rev ay mga madadali lamang, subalit nang sandaling dumaan na sila sa lebel nang pag-gamit nang kapangyarihan nang kanilang mga Divine Beast ay mabilis na nauubos ang kaniyang enerhiya.

Sa lumipas na buwan ay malaki na ang kaniyang ipinagbago, nagagawa na niyang magamit nang mas matagal ang kapangyarihan habang kasama ang Cerberus. At ang katawan nga nito ay nasasanay na kahit paano, samantala sa lumipas na mga buwan ay nanatili bilang guro at kuya-kuyahan ni Edrian.

Samantala kahit na hindi na halos nagkikita sila Edrian at Shawn, ay palagi naman na nakikibalita si Edrian sa nakatatandang kapatid ni Alicia. Sapagkat ito na lamang ang kaniyang naiisip na paraan para malaman ang kalagayan ni Shawn, dahil sa lumipas na tatlong buwan ay palagi itong usap-usapan nang lahat nang estudyante.

Dahil ang si Shawn lang naman ang pinaka-batang Divine Beast Summoner, na nakita nang lahat nang mga estudyante na nakasaksi nito. Samantala ang Special Class ay nagpatuloy lamang sa mga mahihirap na pagsasanay, at mas idina-daan nga nila ang mga pagsasanay sa mga seryosong labanan upang mas lalong mahasa ang kani-kanilang kakayahan.

Sa kasalukuyan ay kilala ang grupo nila Shawn bilang ang mga nagungunang estudyante sa akademya, sapagkat ang kanilang Grupo ay kapwa na nagkamit nang mga karangalan sa ibat-ibang patimpalak na naganap sa loob lamang nang tatlong buwan.

Si Jay-ar ay naging popular dahil sa kaniyang pagtalo sa mga lightning user sa isang patimpalak nitong December, at ang patimpalak na iyun ay naganap saktong isang buwan nang maganap ang pag-atake nang mga diyablo.

Subalit ang araw na iyun ay pansamantalang napalitan dahil sa pagtalo muli ni Jay-ar sa naging mortal na nitong kaaway na si Scarlet, kaniyang pinatunayan dito na mas malakas siya sa babaeng ito. Samantala si Grey naman ay naging popular sa mga babae, nangungulit ang mga ito dahil sa kaniyang itsura at dahil dito ay naaakit sa kaniya ang mga babae na kaniyang ikina-iinis.

Kaya naman palagi siyang sumasabay sa kaniyang mga kaibigan, dahil hindi siya sanay na pinag-kakaguluhan. Kaniyang mas naisip na mas-mabuti pa noon na wala siyang kapangyarihan, simple lamang ang kaniyang buhay at hindi niya kailangan na umiwas sa mga kababaihan dahil normal lamang sa isang lalake ang mayroong itim na buhok at mga mata.

Hindi tulad ngayon na kulay puti ang kaniyang buhok at asul ang kaniyang mga mata, na dahilan kung bakit siya nilalapitan nang maraming mga babae. At halos ang karamihan sa mga ito ay mga 2nd year student na mga walang pakealam, para lamang makalapit sa kaniya ang nag-iisa lamang na nagagawang makataboy sa mga ito ay walang iba kundi si Akari.

Sa kasalukuyan naman ay si Akari ay isa sa mga kinatatakutan an Wind user sa akademya, lalo na nang malaman nang lahat na siya ang nakababatang kapatid ni Tetsuya. Ang ibang mga estudyante nga ay naalarma nang kanilang malaman na kapatid siya ni Tetsuya, at mula noon ay wala nang humamon sa kaniya na lumaban.

Subalit sa kabila nang lahat ay mayroon parin na lumalaban sa kaniya, kaya lang ito ay ang mga nakalaban nang kaniyang kuya at hinamon lamang siya nang mga ito para makaganti sa kaniyang kuya. Sa bawat laban nga ay hindi nagpapabaya si Akari at walang hirap niyang pinapabagsak ang kaniyang mga nakakalaban, dahilan upang mas lalong matakot sa kaniya ang mga estudyante na nakakapanood nang kaniyang mga laban.

Samantala ang magkaibigan na sila Markus at Jarvis ay nasa dati parin nilang Gawain, kapag libre sila ay sinusubukan nang mga ito na tumakas sa paaralan upang magtungo sa bayan upang mamasyal. Subalit sa bawat pagtatangka nilang tumakas ay palagi silang nahuhuli ni Yoki, palagi nga silang nakakatanggap ng malakas na suntok mula rito.

Samantala si Lucy naman ay nanatili lamang sa kaniyang dating hilig, palagi siyang nagsasanay sa loob nang training ground kasama ang kaniyang mga kamag aral. Ang kaniyang punong tagapag-turo ay walang iba kundi si Ariana kung saan ay tinuturuan siya nito nang martial arts.

Si Ariana ay halos dalawang buwan nang nanatili rito, at ang pumalit sa kaniyang pusisyon bilang bantay nang Akademya ay walang iba kundi ang ika-anim na miyembro nang Z rankers. Si Ariana ay napag-pasyahan na sanayin si Lucy sa larangan nang martial arts, dahil nakita niya rito ang potensyal nang isang martial Art master.

At sa tulong nang pagkakaroon nito nang dugo nang isang diyablo, ay tiyak na mas malaki ang potensyal na mayroon ito pagdating nang panahon. Nais niya na makita ang buong potensyal nito sa pamamagitan nang paggamit nang martial arts.

Si Lucy naman ay natutuwa dahil sa kabila nang kaniyang pagiging isang Diyablo ay mayroon parin ang tumanggap sa kaniya kung sino siya, at ito ay si Ariana at sa ngayon nga ay ito pa ang kaniyang naging guro.

Marami itong natutunan na mga bagay rito at tiyak na kapag nagamit na niya ang kaniyang buong potensyal, ay magagamit niya ang kaalaman na ito sa pakikipaglaban at magagawa na niyang kalabanin nang harapan ang mga kalaban kahit na ito pa ay isang Demon General.

Samantala sa kasalukuyan ay nakarating na silang magkakaibigan sa kanilang klase, at kagaya nang araw araw na Gawain ay nagsisimula ang lahat sa isang normal na klase. At kapag sumapit na ang hapon doon na magsisimula ang kani-kanilang pagsasanay upang maging mas malakas pa.

Samantala sa mundo nang mga diyablo ay kasalukuyan na nagkakaroon nang importanteng pagpupulong ang mga diyablo, ang mga diyablo na nag kalat sa paligid ay napakarami ang ilang sa mga ito ay mga malalaki at ang ilan ay maliliit.

Mayroon ding mga katamtaman lamang at mayroon din ang sobrang tanggap, ang mga diyablo na ito ay ilan lamang sa mga mababang uri nang mga diyablo. Sa kasalukuyan ay pinatawag silang lahat para sa isang importanteng pag-aanunsyo nang mahal na demon king, hindi nila alam kung bakit pinatawag nito ang lahat nang mga diyablo sa pag-pupulong na ito.

Marahil ay napaka-importante nang sasabihin nang demon king kaya naman pinatawag nito ang lahat nang mga diyablo, samantala mararamdaman naman sa paligid ang presensya nang labing dalawang indibiwal.

Ang presensya nang mga ito ay napakabigay para sa kanilang lahat, sa kabila nang kaunting bilang nang mga ito ay hamak na mas malakas ang mga ito sa kanilang lahat nag di hamak. Sapagkat ang mga ito ay ang labing dalawang Demon General, doon lamang napagtanto nang lahat na napaka-importante nang pagpupulong na ito.

Sapagkat naroroon ang lahat nang Demon General upang saksihan ang pagpupulong na ito, ang pagpupulong nang mga diyablo....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon