Chapter CXXV

51 19 0
                                    

Chapter CXXV: Presence

---

ANG mga tao sa loob nang Bus Terminal ay nakatingin lamang sa dalawang bata na kababalik lamang, sapagkat kanina ay bigla na lamang lumipad ang mga ito. Subalit nang bumalik ang mga ito ay kapwa napapansin nang lahat ang reaksyon sa mukha nang mga ito, para bang nakakita ang dalawang ito nang hindi kaaya-ayang tanawin.

Kaya naman ang iba ay nabatid na kaagad kung bakit ganuon ang reaksyon nang dalawa, sapagkat mayroon nanamang bagong biktima ang halimaw sa kanilang lugar. Samantala sila Lucy at Shawn ay naglakad na paalis, dahil kailangan muna nilang makarating sa baranggay kung saan sila tutuloy.

Naisin man nang dalawa na manatili ay hindi maaari, dahil hindi dito ang kanilang hihintuang lokasyon. Samantala sa eskinita naman kung saan naroroon ang bangkay nang isang batang babae ay kaagad na napasigaw ang isang residente na nakakita nang bangkay nang batang babae, ang mga tao nga sa paligid ay naalarma habang ang mga tao naman sa terminal nang Bus ay napailing na lamang.

Dahil tama ang kanilang hinala, mayroon ngang bangkay na matatagpuan sa malapit. Samantala ang binatilyo na naroroon ay tuluyan nang naka-alis sa lugar na iyun, kasalukuyan nga na ito ay patungo sa sakayan nang Bus dahil dito siya nanggaling kanina.

Subalit hindi siya dumaan mula sa harapan, kundi ay dumaan siya mula sa makipot na daanan. Para mabilis na makarating kung saan nagmumula ang amoy na kaniyang hinahanap, at ang amoy na iyun ay ang amoy nang halimaw na sumasalakay sa kanilang lugar.

Kaya naman siya pupunta sa terminal nang Bus ay para tumawid nang kalsada dahil katapat lamang nang Terminal nang Bus ang Toda nang mga Tricycle, dahil iyun ang sasakyan na mabilis na magagamit nang mga katulad niyang kapos sa pamasahe.

Habang naglalakad ang Binatilyo patungo sa Terminal nang Bus, ay naalarma siya nang muli niyang maramdaman ang presensya nang dalawang bata na kaniyang nakita kanina. Pamilyar pa sa kaniya ang presensya nang dalawa, sariwa pa sa kaniyang pakiramdam ang presensya nang dalawa.

Samantala si Shawn naman ay napaseryoso nang kaniyang maramdaman muli ang mahinang presensya na iyun, ang kaniyang tinutukoy ay ang presensya na kaniyang naramdaman kanina. Ang mahinang presensya na kaniyang naramdaman sa isang tabi.

Hindi niya alam kung bakit nasa likuran nila ito, hindi naman niya pwedeng komprontahin ito dahil maaring papalabas lamang ito sa eskinitang pinanggalingan nito. Sa kaniyang palagay naman ay hindi masama ang isang ito, dahil hindi siya nakakaramdaman mula dito nang malakas na killing Intent.

Pasimple na lamang na lumingon si Shawn sa kaniyang likuran, at kunwari ay tiningnan lamang nito ang kaniyang kasama at ngumiti. Nagsalita si Shawn na kailangan na nilang sumakay nang Tricycle, si Lucy naman ay kaagad naman na tumango dahil kaniyang natanggap ang plano ngayon ni Shawn sa kaniyang isipan.

At iyun ay tingnan kung susundan sila nang tao na nasa kanilang likuran. Ang dalawa nga ay kaagad na naglakad patungo sa isang tricycle, ang driver naman nang tricycle ay kaagad na napatingin sa dalawang bata na papalapit sa kaniyang sasakyan.

Kaagad siyang lumapit sa mga ito at kaagad na inabot ang mga gamit nang dalawa, ang Driver ay kaagad na inilagay sa loob nang sasakyan ang mga bagahe na dala nang dalawang bata. Nagtataka man siya kung saan pupunta ang dalawang bata, ay hindi na lamang niya iyun pinaki-alaman.

Sila Lucy at Shawn ay kaagad na sumakay sa Loob nang sasakyan, samantala ang lalake na nasa likuran lamang nila ay napansin nila na sumakay sa likuran nang sasakyan. Katabi nito ang driver na magmamaneho, sila Shawn naman ay nawala ang panghihinala nila rito dahil mukhang sasakay lamang ito nang tricycle.

Hindi na lamang nito inisip pa nang malalim ang lahat, at mas minaigi na lamang niya na isipin ang misyon na itinalaga sa kanila. At kailangan nilang makarating sa sentro nang lugar sa probinsyang ito, kung saan pinakamarami na ang mga nabiktama nang Diyablo.

Ang tricycle nga na kanilang sinasakyan ay nagsimula nang umandar, habang umaandar nga ang sasakyan ay napansin ni Shawn na mayroong makina na kagaya nang nasa Bus kanina. Ang makina na iyun ay tila ba ATM card kung saan ay itatapat lamang niya iyun sa makina nito, ang Driver naman ay pasimpleng napatingin sa dalawang pasahero nito sa loob.

Ayon kanina sa mga kasamahan niya kanina sa Toda, ang dalawang bata raw na ito ay mga nagmula sa Akademya kung saan ay naroroon ang mga batang may kakayahan na pumuksa nang mga halimaw. Hindi siya makapaniwala na siya ay magkakaroon nang pasahero na kabilang sa mga iyun, samantala ang binatilyo naman na nasa likuran nang Driver ay nakikiramdamam lamang sa mga tao na nasa loob nang Tricycle.

Hindi alam nang binata na ang dalawang bata na kaniyang kasabay ngayon sa sasakyan ay mga nagmula pala sa akademya, dahil kaya lamang siya sumakay sa tricycle na sinakyan nito ay upang alamin kung saan bababa ang mga ito.

Dahil kaniyang nararamdaman ang presensya nang isang halimaw sa kasamang babae nang batang lalake, para bang mayroong kakaiba rito na nagbibigay sa kaniya nang kakaibang kilabot. Sapagkat ang presensya na kaniyang nararamdaman mula rito ay hindi nagkakalayo sa presensya na nararamdaman niya mula sa mga Halimaw na kaniyang nakakasagupa.

Samantala ang sasakyan ay malayang umaandar, tahimik lamang ang byahe nang sasakyan. Walang maririnig na nagsasalita sa loob nang sasakyan, habang sa labas naman ay ganuon din. Ang driver naman nang sasakyan ay abot na lamang ang sulyap sa kaniyang pasahero sa loob, dahil pansin niya na ang tatahimik lamang nang mga ito.

Mukhang desiplinado ang dalawang batang iyun, dahil nang mapansin nang mga ito na nakatingin siya sa mga ito ay kaagad lamang siyang nginitian nang mga ito. Dahil doon ay itinuon na lamang nito ang kaniyang sarili sa pagmamaneho, at hindi na pinansin pa ang dalawa sa loob.

Samantala sa isang lugar naman ay makikita ang tatlong nilalang na kapwa makikitang galit na galit, dahil sa kanilang nararamdaman na presensya kanina. Hindi sila makapaniwala na mayroon nang dumating mula sa akademya, at ang mga dumating na iyun ay mga nagtataglay nang malakas na enerhiya.

Hindi sila makapaniwala na magagawang matagpuan nang mga ito ang kanilang huling biktima, kanila iyung pinag pyestahan kagabi. At itinapon lamang sa lugar na iyun ang katawan nang batang babae, makikita pa sa mukha nang mga ito ang dungis habang makikita ang galit sa kanilang mga mukha.

"Kailangan na maunahan natin ang mga kalaban!, Hindi dapat sila magtagumpay sa mga binabalak nila" sigaw nang isa sa mga nilalang at kaagad naman na tinugunan iyun nang isa sa kanila.

Kapwa silang tatlo na nagkakasundo na hindi na dapat pa na magtagal nang buhay ang mga nakapasok na iyun, sa kanilang teretoryo sapagkat ito na ang kanilang bagong tahanan at bagong lugar na kung saan ay maari silang mangaso nang kanilang mga paboritong pagkain at iyun ay ang mga tao.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon