Chapter CXL: Take Down
---
SA kasalukuyan ay makikita si Shawn na nakatayo habang ang kaniyang katawan ay napapalibutan nang Asul at itim na aura, ang kaniyang Aura ay naglalabas nang malakas na presensya na unti-unti na sinisira ang epekto na mayroon ang energy waves na nilikha ni Baal kanina. Makikita sa mukha ni Shawn ang kaniyang ngiti, at mapapansin sa mga mata nito ang determinado nitong ekspresyon.
Ito ay handa nang kalabanin ang halimaw at mararamdaman sa paligid nito ang napaka-rahas na enerhiya na inilalabas nito, si Shawn ay nakatingin nang direkta sa malaking halimaw na nasa kaniyang harapan. Samantala si Baal ay kasalukuyan na naguguluhan sa malakas na pwersa na inilalabas nang batang iyun, hindi niya alam kung paano bigla na lamang lumakas ang enerhiya na tinataglay nito.
Samantalang kanina lamang ay nasa antas nang A rank lamang ang batang ito, subalit ngayon ay tumuntong na sa S rank ang enerhiya na taglay nang batang ito. Hindi niya alam kung paano ito nangyari, dahil ang ginawang iyun nang tagapagmana ni Hades ay sadyang kakaiba.
Si Lucy naman ay kasalukuyan na nakatayo lamang sa kaniyang kinaroroonan habang kaniyang tinitingnan ang kinaroroonan ni Shawn, alam niya na aatake na si Shawn at mukhang hindi na niya kailangan na tulungan si Shawn sa kasalukuyan. Dahil ang enerhiya na taglay ni Shawn sa kasalukuyan ay sapat lamang na para mapabagsak ang kalaban, hindi niya nais na sabayan si Shawn sa pag-atake habang ito ay nababalutan nang parehong asul at itim na aura nang kaniyang kaibigan.
Dahil pakiramdam niya sa tuwing siya ay lalapit kay Shawn kapag nasa ganuong estado ito, ay nagagawa nitong mahigop ang kaniyang taglay na enerhiya. At nagagawa nitong ibalik nang mas malakas ang bawat atake na matatamo nito mula sa kaniya, kaya naman kahit na kailan ay hindi parin niya nagagawang matalo si Shawn sa isang laban.
Samantala ang higanteng diyablo ay napahinto sa kaniyang paghiyaw nang kaniyang mapansin ang malakas na presensya mula sa kaniyang harapan, ang kaniyang bagong hilom na mga mata ay napatingin kay Shawn. Nang kaniyang makita ang batang ito ay makikitang napangiti ang halimaw, dahil sa pagngisi nito ay bigla na lamang itong nabalutan nang taglay nitong aura.
Naglabas ito nang itim at pulang enerhiya, at dahil doon ay may malakas na hangin ang bumugso sa hinatatayuan nang higante. Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na makikitang nakangisi habang siya ay nakatingin sa mukha nang higanteng halimaw, sa tingin niya ay mukhang hinahamon pa siya nang higanteng ito sa isang dwelo.
Mukhang mayroon ding kumpyansa ang halimaw na ito sa kaniyang sarili, para siya ay hamunin din nito sa pamamagitan nang paglalabas nang taglay nitong aura. Samantala si Baal naman ay nagulat sa biglang reaksyon na pinakita nang kaniyang likha, hindi niya inakala na ngingiti ang halimaw na ito na animo'y nanghahamak pa.
Ang halimaw na ito ay unti-unti na ding nasasanay sa bago nitong katawan, nararamdaman niya na unti-unti na din na nagkakaroon nang utak ang nilalang na ito. At ang utak nito ay mabilis na umaandar na animo'y mayroon na kaagad itong sariling pag-iisip.
Hindi katulad kanina nang kaniyang gamitin ang pagkontrol sa katawan nang higanteng ito, dahil doon ay mas nakaramdam nang pananabik si Baal. Dahil ang kaniyang nilikhang halimaw ay magpapakita din nang sarili nitong kakayahan sa larangan nang digmaan...
Lumipas ang ilang minuto ay nagbago ang aura nang buong paligid, ang paligid ay bigla na lamang na binalot nang mainit na presensya na sinamahan nang malakas na bugso nang hangin. Ang hangin na iyun ay napaka-init at tila ba ikakapaso nang mga ordinaryong tao ang init na iyun, si Shawn ay nakatayo parin sa kaniyang kinatatayuan habang ito ay nakatingin sa kaniyang kalaban.
Nagpapakiramdaman silang dalawa at mapapansin naman iyun dahil hindi maalis ang tingin nang dalawa sa isat-isa, hindi mawawala ang ngiti sa labi nang dalawa na animo'y inaasar ang isat-isa. Si Shawn ay hindi maaapektuhan nang nakakakilabot na ngiti na iyun nang halimaw, alam niya na sadyang ganun na lamang talaga ang wangis nang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...