Chapter XII: Hot And Cold Battle Of Disciples
---
NAGULAT ang lahat ng makita nila si Elena sa ganitong lugar, at mas nagulat sila sa kanilang nalaman mula rito. Siya at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Edrian ay estudyante ang dalawang bata na nag-wagi sa pareho nilang naunang laban.
Ang mag-kapatid na ito ay nagsanay ng dalawang bagong sibol na God's Children at ito ang resulta ng pagsasanay na ginawa ng dalawa. Ang dalawang ito ay malaki ang nai-ambag para sa paaralan na itinayo ng banal na simbahan.
Ang kanilang pamilya ay isa sa sampung pillar na sponsor sa pagpapatayo ng ibat-ibang paaralan na itinatayo sa ibat ibang lugar sa pilipinas. At maging sa mga natitirang bansa na hindi pa nasasakop ng mga diablo.
At sa paaralan ng Magica Elite Academy at Magica Academy ay ang dalawang ito ang nagsisilbing spoke person ng paaralan dahil ang kanilang pamilya ay kabilang sa sampung pillars.
Naglakad si Elena palapit sa kaniyang kapatid. At ang kaniyang asul na enerhiya ay mararamdaman sa mga naroroon. Maging si Sebastian ay napatingin sa kinaroroonan ni Elena.
Nagkatinginan ang mga ito na ikina-tigil ng mga naroroon. Ang pamilyang kinabibilangan ni Sebastian ay ang mortal na kalaban ng pamilya washinton at ngayon ay nagkaharap ang dalawang ito ay mararamdaman ang presensya ng dalawang halimaw na ito.
"Ate?" pagtawag ni Edrian dito dahilan upang ang presensya na inilalabas nito ay mawala. Ang mga guro naman na naroroon ay nawala ang kaba na nararamdaman dahil sa paglalabas ng matinding presensya ng dalawang ito.
Si Sebastian na mula sa Pamilya Rodgers, na kabilang rin sa sampung pillars.
"Bakit?, Edrian!" tanong nito sa nakababatang kapatid habang ang kaniyang enerhiya ay kaniya ng itinago. Pinag-masdan niya ang kapatid na ngayon ay naka-ngiti.
"Sila Shawn at Grey na ang maglalaban, maaari mo silang suportahan mula rito" sabi ni Edrian sa kapatid at tumingin sa dalawang bata na naroon sa arena na ngayon nga ay kasalukuyang nakatingin sa kanilang kinatatayuan.
Napatingin rito si Elena at nakita ang dalawang bata at napangisi siya ng Makita ang nag-yeyelong arena. Tiningnan niya si Grey at malapad na ngumiti rito.
"Galingan mo Grey!, ililibre kita mamaya!" sigaw nito kay Grey na ngayon ay napangiti dahil sa sinabi ng kaniyang guro. Ang kaba na kaniyang nararamdman ay nawala dahil sa suportang iyun sa kaniya ni Elena.
Si Lucy naman ay agad inilalayan palabas ng arena si Akari na hindi magawang makatayo. Inialis niya ito rito dahil inutos ito ng isang guro na kasama sa mga gumawa ng barrier. Ang dalawa ay lumapit sa mga guro na ito.
Agad na inilapag ni Lucy si Akari sa labas ng arena habang ang mga guro naman ay inasikaso na ang napinsalang bahagi ng katawan ng batang babae. Hindi na lumingon si Lucy rito at kaagad bumalik para panoorin ang magaganap na laban nila Shawn at Grey.
Ang lahat naman ay nanahimik habang ang mga ito ay nakatingin sa dalawang bata. Ang dalawang mga estudyante nila Edrian at Elena. Kakaiba ang talent na mayroon ang dalawang ito. Lalo na ang batang nagtataglay ng asul na apoy.
Ang pinaka-malakas na apoy, At ang pambihira na element ng yelo. Ang dalawang ito ang pinaka-malakas sa limang nagmula sa Toril Elementary school. Pinagmasdan ni Sebastian ang dalawang bata.
Ipinaliwanag niya ang bagong patakaran para sa huling laban na magaganap. At ito ay ang maaaring pabagsakin ang kaniyang kalaban gamit ang buo nitong lakas. Ang siyang mahulog sa arena o sumuko ay talo sa laban.
Si Grey ay nakapag-pahinga na mula sa laban niya kanina. At ganun din naman si Shawn. Pareho silang kayang ilabas ang kasalukuyang nilang buong lakas. Handa na silang labanan ang isat-isa. Si Edrian ay napaka-hinahon ng kaniyang ekspresyon habang nakatingin kay shawn.
Naalala niya ang reaksyon nito, noong magwala ito ng malaman niya na si grey ang kaniyang kaharap. Nadala siya noon ng kaniyang negatibong emosyon. Nangibabaw kay shawn ang galit dahil sa mga dinanas nito sa kamay ng mga nang-api sa kaniya.
Ang lakas na inilabas noon ni shawn ay naaalala parin niya. Ang lakas na iyun ay hindi makikita sa ibang God's Children na kaniya ng nakita. Espisyal ang batang ito. May nakatagong malakas na kapangyarihan ang batang ito.
At nais niya na mapalabas ito mula sa maayos na proseso. Dahil kapag nangyari muli iyun at wala siya sa tabi nito ay tiyak na may mag-bubuwis ng buhay. Walang may kaya na pigilan ang batang ito.
Lumipas ang ilang minuto sa wakas ay nagbigay na ng anunsyo na mag-sisimula na ang huling laban. Sa pagitan nila Shawn at Grey. Samantala sa entrance naman ng soccer field ay makikita ang isang batang lalake na halata na kagagaling lamang sa infirmiry.
Ito ay si Jay-Ar at s'ya ay nagkaroon na ng malay. At kakatakas lamang niya sa Nurse na nagdala sa kaniya sa Clinic ng eskwelahan. Ang kaniyang katawan ay iniinda parin ang sakit mula sa pag-suntok ni shawn sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala na magagawa siya nitong pabagsakin sa pamamagitan ng dalawang atake lamang. Ang kaniyang taglay na kayabangan ay nabahiran ng kaduwagan dahil sa nangyari kanina.
Ang suntok na binitawan kanina ni shawn ay ramdam parin niya sa kaniyang kalamnan. Pinilit lamang niya na tumayo at mag-tungo rito upang alamin ang nagaganap na labanan. At nagtaka s'ya sa kasalukuyang itsura ng arena.
Nababalutan ito ng makakapal na yelo, at mababatid na nagkaroon ng matinding labanan ang naganap dahil sa mga bakas na natamo ng arena. Naglakad siya palapit sa arena. Napalingon siya sa mga guro na mayroong pinalilibutan.
Nakita niya ang isang batang babae na may pink na buhok, kung hindi siya nagkakamali ito si Akari. Nakita niya ang kasalukuyang kalagayan nito. Nagulat siya dahil ito ay makikitaan ng paghihirap sa kung ano man ang pinsalang tinamo nito.
Paano napinsala ng ganito katindi ang batang babae na ito, kilala niya ang babaeng ito. Kaya naman kahit anong kalokohan ay hindi niya ito pinupuntirya dahil nabalitaan niya na may kapatid ito na nag-aaral sa magica academy at kapag may kalokohan siyang ginawa rito ay malilintikan siya.
Samantala sa loob ng arena ang dalawa ay nakatayo sa magkabilang bahagi ng entablado. Ang kanilang mga aura ay unti unti nilang inilalabas. Sa muling pagkakataon nga ay nakita ng mga guro ang tinataglay na aura ng dalawa.
Si Shawn na nababalutan ng Blue Aura at si Grey na nababalutan naman ng White Aura. Ang dalawa na mayroong kakaibang kalidad ng elemento. Ang mga manonood ay nararamdaman ang paghahanda ng dalawang kalahok at ano mang sandali ay mag-sisimula na ang mga ito na mag-laban.
Sa loob ng arena ang palibot ng dalawa ay nababalutan na kani-kanilang tinataglay na elemento. Si Shawn ay nabalutan nan g kaniyang asul na apoy. Ang kaniyang asul na buhok ay naglagab-lab na, kasabay ng pagpapalabas niya ng kaniyang asul na apoy sa kaniyang mga palad.
Si Grey naman ay nabalutan malamig na aura. At ang kaniyang kinatatayuan ay mas naglalabas ng napaka-lamig na aura. Nagka-tinginan ang dalawang bata at napangisi nalang si grey dahil sa wakas ay makakalaban na niya ito.
Inihanda na niya ang kaniyang sarili. Ikinuyom niya ang kaniyang kaliwang kamao. Habang ang kaniyang kanang palad naman ay nakatapat sa sahig ng arena. Mayroon siyang sariling estilo at ganun din si shawn.
Pinanonood niya ito habang nagsasanay, kaya karamihan sa mga galaw ni shawn ay alam na alam na niya. Si Shawn naman ay pomorma na rin. Tahimik ang paligid at lahat sila ay nakatutok.
Si Sebastian naman ay dahan dahan na umalis sa gitna ng dalawa, lumipad ito patungo sa labas ng arena. At bago nga ito makalabas ng arena ay narinig na ng lahat ang kaniyang hudyat.
"Simulan na ang laban!" sigaw ni Sebastian at ang dalawa ay mabilis na sumugod sa isat-isa.
"BAAAAM"..........
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...