Chapter XCV

73 21 2
                                    

Chapter XCV: Indanger

---

ANG buong paligid ay napuno ng katahimikan ang mga ingay na maririnig kanina sa gitna ng kagubatan ay bigla na lamang naglaho sa isang iglap, ang naging dahilan ng biglaang katahimikan na iyun ay dahil sa kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong paligid.

Ang enerhiya na bumabalot sa buong paligid ay isang malaking pabilog na enerhiya, ang pabilog na enerhiya na ito ay nagmumula sa isang diyablo. At ang bawat madaanan ng bilog na enerhiya na ito ay gumawa ng malaking pinsala na halos binura na ang parting iyun ng kagubatan, ang enerhiyang iyun ay nagawang masira ang parting iyun ng kagubatan.

Samantala makikita naman sa mukha ng mga diyablo ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanilang nasaksihan kanina, hindi nagsayang ng oras ang kanilang heneral, sapagkat kaagad nitong ginamit ang isa sa kaniyang abilidad.

Ang kakayahan na makapang-wasak ng isang lugar sa pamamagitan ng taglay nitong enerhiya, nagagawa nitong sirain ang isang lugar sa pamamagitan lamang ng simple nitong pagpapalabas ng enerhiya. Sa kasalukuyan ay nakikita nila ang kanilang heneral na nakatayo sa harapan kalaban nito, na kasalukuyan ay nakatayo sa harapan nito at hindi makapaniwala sa pwersa na pinakawalan ng kalaban na nasa kaniyang harapan.

Ang mga diyablo nga ay inaasahan na ang reaksyon na ito sa mukha ng kanilang kalaban, ang ganitong reaksyon ay natural na lamang sa isang tao. At ang reaksyon na iyun ay ang pagka-alarma at pangamba dahil sa kakaibang enerhiya na tinataglay ng kaniyang kalaban.

Samantala si Rev ay makikitang nakatulala habang siya ay nakatingin sa diyablo na nasa kaniyang harapan, kasalukuyan niya lamang na nakikita ang mukha nito na bakas ang isang nakaka-kilabot na ngisi. At ang ngisi nito makikitaan ng malaking kasiyahan sa pag-patay, mayroong malakas na killing intent ang kaniyang kalaban.

Dahil sa presenya na tinataglay ng nilalang na ito na nasa kaniyang harapan, kaya naman walang nagawa si Rev kundi ang umatras. Samantala sa likod naman ni Rev ay makikita sila Sebastian at Elena na kasalukuyan ay parehong hindi makapaniwala sa mga nangyari, hindi nila inasahan na ganito kalakas ang kanilang makakaharap sa pagkakataon na ito.

Ito ang unang beses nila na may makaharap na ganito kalakas na kalaban, sapagkat ang nilalang na nasa kanilang harapan ay mas malakas ng sobra sobra sa lahat ng diyablo na nasa buong paligid nila. Samantala si Rev naman ay kaagad na ikinalma ang kaniyang sarili, at dali dali niyang itinuon ang kaniyang sarili sa magaganap na laban.

Ang kaniya ngang buong katawan ay kaniyang pinadaluyan ng kaniyang enerhiya, nang sandal ngang iyun ay makikita ang diyablo na napangiti ng tumingin ito sa kaniya. Napangiti ito sapagkat sa kabila ng kaniyang pagpapakita ng kaniyang kayang gawin ay hindi ito nagpadala sa naramdaman nitong takot, bagkus nga ay sa kasalukuyan ay mas naglabas pa ito ng malakas na enerhiya sa katawan nito.

At ang enerhiya na inilalabas ng katawan nito ay mas malakas pa kaysa sa enerhiya na inilalabas nito kanina, mukhang ang isang ito ay kanina pa nagpipigil ng taglay nitong kapangyarihan. Samantala si Rev ay kasalukuyan na napapa-isip sa kung anong klase ng kapangyarihan ang mayroon ng kalaban na nasa kaniyang harapan, subalit sa kabila ng tensyon na kaniyang nararamdaman.

Ay nagawa parin niyang manatiling nakatayo habang nararamdam niya ang malakas na presensya na nakapalibot sa kanilang paligid, samantala ang diyablo naman ay kasalukuyan na nakatayo lamang at mukhang walang balak na gawin sa kabila ng kaniyang ginagawang pag-lalabas ng enerhiya.

Para bang hinahantay nito na ilabas niya ang buong potensyal ng kaniyang lakas, at kung ganun ka-determinado ang isang ito ay kaniyang natitiyak na isa ang nilalang na ito sa mga nakalaban ng kaniyang nakababatang kapatid.

Mukhang ang nilalang na nasa kaniyang harapan ay isang aktwal na Demon General, at kung tama man siya ng kutob ay isang malaking problema ang paglitaw ng isang ito sa kasalukuyang labanan na nagaganap.

Samantala ang diyablo naman ay kasalukuyan na makikitang nakangisi lamang habang kaniyang nakikita ang malakas na enerhiya na inilalabas ng lalake na nasa kaniyang harapan, hindi makikitaan ng pangamba ang mukha nito bagkus nga ay natutuwa pa ito sapagkat ngayon lamang siya nanakita ng isang tao na may ganito kalakas na enerhiya na tinataglay.

Ang mga diyablo naman na kasalukuyang nanonood ay makikitang nangangamba dahil sa lakas ng enerhiya na pinakakawalan ng kalaban ng kanilang heneral, mukhang ang enerhiya na taglay nito ay may kakayahan upang sabayan ang lakas na mayroon ng kanilang heneral.

Dahil sa kasalukuyang nagaganap ay kanilang nakikita ang pagkakaroon ng interest ng kanilang heneral sa taong nasa kaniyang harapan, para bang habang tumatagal ay mas lalong nagugustuhan nito ang katatagan na tinataglay ng taong ito.

Samantala sa loob naman ng opisina kung saan naroroon ang mga nakataas ay kasalukuyan na hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang nasasaksihan, sapagkat ang kasalukuyang nilalang na nasa harapan ni Rev ay mas malakas pa kaysa sa mga diyablo na unang kalaban ni Rev kanina.

Ang nilalang na ito ay hindi kakayanin ng nag-iisang Z ranker lamang, at base sa ginawang pag-atake nito kanina ay nagtataglay ng napaka-delikadong kapangyarihan ang diyablong nasa harapan ni Rev Blaziwart. Kaya namana ng mga nakatataas ay kaagad na komonekta sa nakababatang kapatid ni Rev, at kaaagad nga nilang sinabi ang kasalukuyang kalagayan ni Rev at kapag hindi kaagad nakarating ang mga ito ay tiyak na mapapahamak si Rev.

Nang malaman ni Alicia ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang kuya ay nag-alala siya sa kasalukuyang lagay nito, dahil ayon sa mga nakakataas ay napaka-lakas ng enerhiya na tinataglay ng kalaban nito sa ngayon. Dahil dito ay nababahala si Alicia dahil baka ang nilalang na kaharap ngayon ng kaniyang kapatid, ay katulad ng nilalang na kaniyang nakalaban malapit sa luneta park.

Ang nilalang na nagngangalang Baal na nagpakilala sa kaniya noon bilang isang Demon General, samantala sa kasalukuyan ay nakakaramdam na ng malakas na presensya ang buong grupo ni Alicia. Sa kasalukuyan ay nasa labas na sila ng akademya at sa kasalukuyan ay lumilipad na sila sa ibabaw ng malaking kagubatan.

Ang grupo ngang pinangungunahan ni Alicia ay mas bumilis pa ang paglipad ng kanilang mabilis na matanggap ang bagong utos mula sa mga nakatataas, at iyun ay ang magmadali ang mga ito dahil sa kasalukuyan ay maaaring malagay sa panganib ang buhay ni Rev Blaziwart.

Marami nga sa kanila ang nakaramdam ng pangamba dahil sa kanilang nalaman sapagkat ang kasalukuyang kalaban ng pinakamalakas na tao, ay mas malakas ng hindi hamak sa lakas na tinataglay nito. Mukhang ang kanilang laban na pupuntahan ay sadyang napaka-mapanganib, dahil kung ang kalaban man na iyun ay nanaisin na paslangin silang lahat ay tiyak na iyun na ang katapusan ng lahat.

Samantala sa kasalukuyan naman ay makikita si Shawn na kasalukuyang kaharap si Hades, sapagkat makikita si Hades na seryosong ipinapaliwanag ang kasalukuyang panganib na kanilang kakaharapin pagdating sa labanan.

Sapagkat sa kasalukuyan ay nararamdaman ni Hades ang presensya ng isa sa mga delikadong kalaban na hindi niya inaasahan, sapagkat ang kalaban sa kasalukuyan ng hamak na Divine Beast Host ay ang kilalang Demon Of Space And Time na si Dyrott, ang isa sa mga pinagkakatiwalaang Demon General ni Lucifer…..

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon