Chapter CIII

72 20 0
                                    

Chapter CIII: Power Of The Blue Flame

---

SA loob ng ginawang ilusyon ni Dyrott ay makikita silang dalawa ni Shawn na kasalukuyan lamang na nakatayo, habang kapwa ang mga ito ay nakatingin lamang sa isat-isa. Mababakas sa mukha ni Dyrott ang pagka-inis dahil hanggang sa ngayon ay hindi padin tinatablan ng kaniyang malawakang mahika ang batang ito.

Hindi ito makapaniwala na ang batang ito lamang ang magpaparamdam sa kaniya ng ganitong pagka-asar sa isang tao, mas nasanay siya na ang nang-aasar lamang sa kaniya ay si Baal dahil matagal na niyang alam ang pagiging mapaglaro nito.

Subalit sa ngayon nga ay isang batang nagtataglay ng asul na apoy ang nagparamdam sa kaniya nito, hindi niya matatanggap na nagagawa pang makatayo ng batang ito. Sa kabila ng kaniyang tinataglay na eherniya bilang isang Demon General, ay nagagawang makatayo sa kaniyang harapan ng isang hamak na bata lamang.

At higit sa lahat ang batang ito ay isang bagito lamang sa pakikipaglaban, hindi tulad niya na marami nang karanasan. Ang pamamaraan ng pagtingin sa kaniya ng batang ito ang isa sa mga hindi niya din matanggap, dahil kaniyang nababasa sa mga mata nito ang pagiging kalmado.

Ang isang nilalang na magiging kalamado sa ganitong uri ng sitwasyon ay hindi normal para sa isang indibidwal, ang pagiging kalmado nito ay maihahalintulad sa isang dalawangpung taong gulang na indibidwal.

Ang batang nasa kaniyang harapan ay naiiba sa ibang mga bata, dahil mayroon itong kakayahan na maging kalmado kung gugustuhin nito. At dahil dito kaya siya naiinis dito sapagkat hindi niya magawa ang kaniyang nais na gawin sa batang ito, at iyun ay gawin din ang minsan na ginawa ni Baal kay Hades at iyun ay kumuha ng maliit na bahagi ng kapangyarihan ng Blue Flame.

Dahil kapag nagawa niya ang paraan na iyun, ay tiyak na matutuwa sa kaniya ang kaniyang panginoon at tiyak na gagantimpalaan siya nito. Dahil kung sakali man na may Diyablo ang magtaglay din ng kapangyarihan ng Diyos ng Karimlan, ay tiyak na magiging mas malakas pa ang pwersa ng mga Diyablo.

Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nakikipag-usap kay Hades, sa ngayon nga ay sinasabi ni Hades ang impormasyon tungkol sa kaniyang kalaban. At medyo nagtaka si Shawn dahil kilang kilala nito ang kalaban, subalit nasagot ang kaniyang pagtataka ng sabihin ni Hades na minsan na siyang naging kalaban ng mga Diyablo.

At isa si Dyrott sa mga Diyablo na balewala lamang nitong pinabagsak noong unang panahon, noong panahon na isa pang anghel si Lucifer. Samantala si Hades naman ay namamangha sa kaniyang tagapagmana, dahil masyadong lapitin ito ng mga malalakas na kalaban.

At ang unang diyablo pa na makakalaban nito ay ang mahinang Demonyo na nasa kanilang harapan, alam niyang sa kasalukuyan ay inis na inis na ito dahil balewala lamang ang mahika nitong tinataglay laban sa kaniyang tinataglay na kapangyarihan.

Ang kakayahan na mayroon siya ay kaniyang ipinag-kaloob ng buo sa kaniyang tagapagmana, at kung sakali man na masanay na ito sa lahat ng abilidad na mayroon ito. Ay tiyak na magiging malaking banta para sa lahat ng mga diyablo ang presensya ni Shawn, at ito ang kaniyang titiyakin dahil sa ngayon nga ay mas lalo siyang nagiging interesante si Hades sa buhay na kakaharapin ni Shawn.

Ang buhay bilang isang magiting na mandirigma na siyang kakatakutan ng lahat, ang kapangyarihan na mayroon ito ay hindi kayang buwagin ng kahit na sino man. Samantala si Dyrott naman ay biglang napalingon kung saan naroroon ang katawan ng prinsesa ng mga Diyablo, makikita sa mukha ni Dyrott ang pagkabigla ng kaniyang makita ang muling pagkilos nito.

Kaagad lamang itong humakbang ng ilang beses, hanggang sa ito ay tumingala at nagtama ang kaniyang mga mata. Bigla na lamang nakaramdam ng kakaibang presensya si Dyrott, dahil sa presesya na ito ay napa-atras siya nito at bigla na lamang pinagpawisan si Dyrott dahil sa napaka-pamilyar na pakiramdam na ito.

Ang ganito kalakas na presensya ay kaniya lamang na nararamdaman sa Anim na Prinsepe ng Impyerno, hindi siya makapaniwala na pati ang presensyang ito ay nagawang manahin ng batang ito. Hindi nga maika-kaila ang batang babae na ito ay anak ng kaniyang panginoong si Lucifer.

Samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na nakatingin lamang sa kanilang kalaban, sa kasalukuyan ay luminga-linga ito sa kaniyang paligid at pinakiramdaman niya ang presensya ng iba pa nilang mga kasama. Hindi lamang siya ang naghanda sa ilusyon na ito ng kalaban, dahil maging ang iba ay nagawa din na kontrahin ito hanggat maaga.

Kaya naman alam niyang hindi magtatagal ay makakawala din ang mga ito, mula sa ilusyon na ito at sama-sama silang lahat na lalaban sa mga kalaban. Si Dyrott naman ay bigla na lamang na nakaramdam muli ng presensya, subalit sa pagkakataon na ito ay kilala niya kung kanino nagmumula ang presensya na ito.

At nang siya ay tumingin kung saan naroroon ang kaniyang mga alagad ay nagulat siya ng kaniyang makita ang isa-isang paglitaw ng iba panmg Demon General, ang kaniyang mga alagad ay kaagad na nagsi-layuan ng kanilang makita ang apat na Demon General.

Ang magsama-sama ang mga ito sa isang lugar ay bihira lamang na mangyari, at dahil sa biglang paglitaw ng mga ito sa lugar na ito. Ay tiyak na magkakaroon ng malaking labanan sa lugar na ito. Samantala ang mga opisyal naman sa loob ng akademya ay naalarma ng kanilang makita ang biglang paglitaw ng apat na indibidwal sa gitna ng labanan.

Ang apat na ito ay kapwa na naglalabas ng napakalakas na enerhiya, na halos mararamdaman sa loob ng akademya ang mga tinataglay na Presensya ng apat na ito. Ang isa sa mga guro ay kaagad na tumawag sa iba pang akademya, upang ipaalam ang masamang balita.

Dahil ang mga kalaban na umatake sa kanilang akademya, ay kasalukuyan na nasa iisang lokasyon lamang. Kailangan nila ang tulong ng mga ito, dahil natitiyak nila na magiging malaking problema ang dala ng apat na bagong dating sa labanang nagaganap.

Samantala ang apat na Demon General naman ay kaagad na hinanap si Dyrott, at ang isa sa apat ay kaagad na napansin ang kakaibang enerhiya na nakapalibot sa paligid. Kaagad nitong ipina-alam sa kaniyang mga kasama na nasa loob ng Ilusyon Barrier ang kanilang kasama, ang tatlo naman ay kapwa na hindi umimik at naglakad patungo sa loob ng Barrier na ginawa ni Dyrott.

Samantala si Hades naman ay naalarma dahil sa biglang paglitaw ng iba pang Demon General, hindi siya makapaniwala na kaagad na makakarating ang mga ito sa lugar na ito. Kaya naman kaagad niyang ipina-alam kay shawn ang kasalukuyang problema.

Nang marinig nga ito ni Shawn ay bigla itong nakaramdam ng kaba, subalit kaagad itong huminahon at nag-isip ng kaniyang dapat na susunod na gagawin. Habang siya ay nag-iisip ay bigla niyang naalala ang isang pamamaraan na ginamit niya kanina, nang maalala ni Shawn ang kakayahan niyang iyun ay kaagad na nakahinga ng maluwag si Shawn.

Kaagad nga na tinanong ni Shawn si Hades kung pwede ba ang kaniyang naisip na plano, nang marinig ni Hades ang naisip na plano ni Shawn ay namangha si Hades sa ideya na pumasok sa isip ng batang ito. Dahil ang ideyang naisip nito ay tamang tama na subukan sa isang abilidad na kaya nitong gawin.

At ito ay magagamit ni Shawn sa pamamagitan ng pag-gamit nito sa Asul na Apoy…

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon