Chapter LV: 1st Match Ended
---
ANG kasalukuyang sitwasyon sa loob ng istadyum ay mas-lalong tumitindi, sa kasalukuyan ang buong paligid ng istayum ay nababalot na ng tubig. Ang mga guro at mga estudyante na nanonood ng laban ay naalarma dahil sa papalakas ng papalakas na enerhiya na nakapalibot ngayon sa kanila.
Habang ang mga guro naman na nasa labas ng istadyum ay hindi magawang makapasok ng basta basta sa loob ng higanteng bula na bumabalot ngayon sa buong paligid ng istadyum, mistula itong isang barrier dahil sa itsura nito. At higit sa lahat ay mararamdam ang malakas na enerhiya na nakahalo sa malaking bula na ito.
Samantala sa Loob ng Istadyum ay makikita ang mabilis na paglaki ng tubig na bumabalot sa katawan ni Ellie, sa pamamagitan ng tubig na bumabalot sa kaniya at ng kaniyang sariling elemento ay gumagawa siya ngayon ng isang malaking imahe na puno ng malakas na enerhiya.
Ang kaniyang ginagawa ay isa sa mga technique na Shape manipulation, at sa pamamagitan nga ng kaniyang enerhiya ay nakakagawa siya ng imahe ng tubig at sa pamamagitan ng imahe na iyun ay magagawa niyang umatake at makagawa ng malaking pinsala sa kaniyang kalaban.
Ang ganito kalakas na enerhiya ay hindi niya basta basta nagagawa, matagal niya itong pinag-aralan at mas pinag-husay at sa kasalukuyan ay ito ang resulta ng kaniyang pagsasanay. Si Ellie nga ay ikinuyom ang kaniyang mga kamao, at kagaya ng kaniyang pagkuyom ng kamao ay nagkaroon ng malalaking imahe ng kamao na gawa sa tubig ang nabuo sa likuran ni Ellie.
Samantala si Vaneza naman ay inihanda ang kaniyang sarili sa parating na atake ni Ellie, ang kaniya ngang mga kamay ay kaniyang iwinagay-way at ang kaniyang katawan ay lumutang mula sa kaniyang kinatatayuan. Sa ngayon ay handa na si Vaneza sa susunod na hakbang na gagawin ng kaniyang kalaban.
"BANG!" "BANG!"
Dalawang magkasunod na pagsabog ang maririnig sa loob ng istadyum, ang dalawang magkasunod na pagsabog na iyun ay dahil sa magkasunod na pag-papakawala ni Ellie ng dalawang malalaking imahe ng kamao na gawa sa tubig. Ang dalawang atake na iyun ni Ellie ay hindi nagtagumpay na tamaan ang puntirya nito na si Vaneza.
Nagulat ang lahat dahil sa bilis ng pangyayari, ang dalawang atake na iyun ni Ellie ay tumama lamang sa sahig ng istadyum dahilan upang ang dala nitong maraming tubig ay kumalat at bumaha sa loob ng istadyum.
Samantala sa kabila ng mabilis na pag-iwas ni Vaneza ay makikita parin ang pinsala na nagawa ng atake ni Ellie sa loob ng arena. Si Ellie nga ay mas lalong napangiti dahil sa resulta ng kaniyang pag-atake. Dahil sa pagkalat mismo ng likido ng tubig sa buong paligid ay mas lalong mapapadali para sa kaniya na tapusin ang laban.
Samantala si Vaneza ay napansin ang kakaibang ngiti sa labi ni Ellie, at nagkaroon kaagad siya ng masamang kutob at napatingin siya sa kaniyang paligid at hindi nga siya nagkamali, dahil mayroong mga galamay na likha ni Ellie ang mabilis na hinahabol siya.
Kaya naman mas binilisan niya ang kaniyang paglipad at dahil sa elemento ng hangin ay mas lalo pa siyang bumilis. Subalit sa kabila ng bilis na kaniyang ipinapamalas ay mayroon pa siyang isang ginagawa at ito ay ang pag-iipon ng sapat na enerhiya para umatake.
"Swosssh!" maririnig ang malakas na tunog ng bugso ng hangin, ang bugso ng hangin na iyon ay nagmumula mismo sa napakabilis na lumilipad na si Vaneza. Si Elton nga ay makikitang nakangiti habang ito ay nakatingin sa mabilis na lumilipad na si Vaneza. Sa kaniyang pagkaka-alam ay hindi pa ito ang pinaka-mabilis na kayang gawin ni Vaneza.
Dahil ang kakayahan nito kapag aktibo ang aura skin ay mas lalakas ang lahat ng aspeto na mayroon ito, at isa pa madali pang nakikita ang kaniyang mga pagkilos dahil ito sa malaking enerhiya na iniipon nito kanina pa.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...