Chapter CXIX: Uprising Threat
----
SA Loob nang isang mahiwagang silid ay kasalukuyan na nakaupo sa isang magarbong upuan, na gaya sa isang magandang materyales na iilan lamang ang nakaka-alam kung paano nagagawa ito. Nakaupo rito ay ang isang nilalang na mayroong naglalakihang sungay sa kaniyang mga ulo, at kapansin pansin din ang tatlo nitong mga mata na nagliliwanag.
Ang nilalang na ito ay kasalukuyan na naghahantay sa kaniyang mga alagad, sapagkat kanya itong inutusan sa paghahanda sa magaganap niyang pag-aanunsyo sa lahat nang kaniyang nasasakupan. Ang nilalang na ito ay si Satan ang isa sa pitong prinsepe nang impyerno, at kasalukuyang hari nang mga diyablo.
Ang dahilan nang pagpululong na kaniyang ipinatawag ay dahil sa isang masamang balita, na tiyak na kapag nalaman nang lahat ay muling magugulo ang kanilang katahimikan. Sapagkat ang pinaka-kinatatakutan nilang nilalang ay nagbalik na, ay iyun ay walang iba kundi ang Diyos nang kadiliman at ito ay walang iba kundi si Hades.
Noong una niyang marinig ang balita na ito mula sa mga Demon General na kaniyang pinapunta sa mundo nang mga tao, ay hindi siya makapaniwala sa balita na dala nang mga ito at ang balita na iyun ay ang muling pagbabalik nang nilalang na naging bangungot na nang kanilang lahi. At tiyak na ikaka-alarma iyun nang lahat kapag kaniya nang kinalat ang masamang balita.
Samantala may isang lalake naman ang kasalukuyan na naglalakad sa hallway, at ang lalake na ito ay kasalukuyan na patungo sa kinaroroonan ng Demon King. Ang lalakeng ito ay mayroong ngiti sa kaniyang mga mukha habang ito ay mabilis na naglalakad patungo sa silid ng Demon King.
Ang mga bantay naman nang Demon King ay kaagad na napansin ang pagdating nang nakababatang kapatid nang hari, si Prinsipe Asteroth ang isa sa pitong prinsipe nang impyerno. Mukhang ang dahilan nang pagdalo nito sa pagpupulong na magaganap ay dahil sa balita na dumating rito mula kay Satan.
Ang Demon King naman na nasa loob nang silid ay napansin ang pagdating nang isang pamilyar na panauhin, at ito ay ang kaniyang nakababatang kapatid na si Asteroth. Sa loob nang ilang daang taon ay sa wakas ay muli itong nagpakita sa kaniya, mukhang ang balita nang pagbabalik nang Diyos nang kadiliman ang dahilan kung bakit ito ngayon lumitaw.
Mukhang alam na niya kaagad ang mga sasabihin nito ngayon kapag ito ay nakapasok na sa kaniyang silid, ito pa naman ang pinaka-madaldal sa kanilang lahat na magkakapatid. Samantala ang pinto nang kaniyang silid ay kaagad na bumukas at bumungad sa kaniya ang mukha nang kaniyang kapatid, at halos walang pinagbago ang mukha nito nananatili ito sa dati nitong wangis mula pa noong huli silang magkita.
Mukhang alagang alaga ang mukha na gamit gamit nito sa ngayon, kung hindi lamang dahil sa presensya na mayroon ito ay marahil ay hindi nila makikilala kung sino ba ito. Dahil ang isa sa mga kakayahan nito ay ang magpalit nang anyo at gayahin ang mukha nang kahit na sinong gusto nito, subalit ang pinaka magiging mas iba lamang sa lahat ay ang pagkakaroon nito nang kakayahan na makapasok sa loob nang kampo nang mga kalaban nang hindi nalalaman nang mga kalaban.
Ang tanging nilalang lamang na nakakagawa nang ganung bagay ay ang nilalang na nasa kaniyang harapan, samantala nagsimula na si Astaroth na magsalita tungkol sa bagay kung bakit siya nagpunta sa palasyo nang kaniyang nakatatandang kapatid.
Samantala sa mundo nang mga tao kasalukuyan na nakatayo si Shawn sa gitna nang training field, si Shawn ay nakapikit lamang habang ang kaniyang enerhiya ay kumakalat sa buong niyang paligid. Sa kasalukuyan naman ay kasama ni Shawn sila Rev at Yoki na patuloy siyang pinagmamasdan habang siya ay nagsasanay, sa lumipas na ilang buwan ay hindi humihinto si Shawn sa mga mahihirap na pag-eensayo.
At sa lumipas na mga buwan ay malaki na ang ipinagbago nang lakas na taglay nang batang ito, ang taglay nitong kapangyarihan sa kasalukuyan ay mas mataas na nang sobra kaysa sa estado niya noon sa battle Royale. Ang bilis nang paglakas ni Shawn ay hindi pangkaraniwan sa edad nito, sadya lamang talaga na may taglay si Shawn na abilidad na ito lamang ang nakaka-alam.
Si Yoki nga ay napapa-isip kung sakali man na magharap muli ang kaniyang alaga na si Lucy at ang batang si Shawn sa isang seryosong laban, natitiyak niya na magandang laban ang magaganap sa ikatlong pagkakataon. Samantala si Rev naman ay nakangiti lamang habang ito ay nakatingin sa nag eensayong si Shawn, sa lumipas na tatlong buwan ay nababalot parin siya nang pagtataka.
Dahil nang lumabas ang Divine Beast ni Shawn ay napansin niya ang takot sa mukha nang kanilang mga kalaban, at ang pag-uugali na ipinakita nang mga ito ay sadyang kataka taka. Ang mga ito ay natatakot sa divine beast na iyun. At ginawa pa nang mga ito na tumakas at gawing pananggalang ang kanilang mga kasamang malalaking diyablo.
Lumipas ang ilang araw ay muling nagpatuloy lamang ang pagsasanay nang lahat, habang si Shawn naman ay pinagpatuloy ang kaniyang mga ginagawa. Si Lucy naman ay kasalukuyan na nakaupo sa isang upuan kasama si Ariana, kakatapos lamang nang kaniyang pagsasanay sa ilalim ng pamumuno ni Ariana, sa lumipas na ilang buwan ay maayos na ang pagdaloy nang kaniyang enerhiya sa kaniyang katawan.
At dahil sa pagtuturo ni Ariana ay natututo na siya nang martial art, at kung sakali man na mag harap sila ni Shawn sa isang laban. Samantala sila Alicia, Elton at Edrian ay magkakasama lamang sa rooftop nang kanilang paaralan, dito sila tumatambay na magkakaibigan sa tuwing walang klase sa kanilang mga seksyon.
Ang mga ito ay tahimik lamang at tila ba seryoso habang kapwa mayroong naisiip, si Alicia ay napatingin kay Edrian habang ito ay nakaupo at mukhang nagmumuni muni din kagaya niya. Hindi parin makapaniwala si Edrian sa kasalukuyang antas nang lakas na mayroon si Shawn.
Mukhang sa paglipas lamang nag ilang buwan nito sa akademya ay marami na kaagad ang nakakilala sa kaniya, at dahil sa lakas na mayroon ngayon si Shawn ay natitiyak niya na magiging malaking banta ito ngayon sa mga kalaban. Dahil base sa naging reaksyon nang mga kalaban nito noong huling laban ay mukhang takot na takot ang mga ito sa kaniyang kapangyarihan, hindi maiwasan ni Edrian na mag alala para sa batang ito.
Dahil para sa kaniya si Shawn ay isa pa rin Sampung taong gulang na bata, at marami pang laban ang kakaharapin nito. At mukhang dahil sa naganap na laban ay tiyak na pupuntiryahin ito muli nang mga kalaban.
Samantala sa mundo naman nang mga diyablo ay kasalukuyan na makikita sa malaking intablado sa labas nang palasyo ang Demon King, na kasalukuyan na inihahayag ang masamang balita at iyun ay ang muling pagbabalik nang matagal nang banta para sa kanilang lahat.
Ang muling pagbabalik nang pinaka malakas na kalaban nang mga Diyablo, at ito ay walang iba kundi ang Diyos nang kadiliman si Hades....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...